Darren Espanto posts video of him at Cassy Legaspi’s house

Mas bukas na si Darren Espanto na ipakita sa publiko na madalas silang nagkakasama ni Cassy Legaspi kahit pa magkaiba sila ng TV network.
Sa kanyang Instagram post kahapon, January 6, 2022, ibinahagi ni Darren ang ilang litrato nila ni Cassy, na nagdiwang ng ika-21 kaarawan nito.
Nag-post din si Darren ng picture kasama ang kaibigang si Mavy Legaspi, ang fraternal twin ni Cassy.
Pero mas marami siyang ipinakitang kulitan nila ni Cassy.
May isang video na tila inaasar ni Darren si Cassy habang ka-video call ito.
Meron din silang selfie video kunsaan makikitang nasa bahay ng mga Legaspi si Darren.
Gumagawa sila ng wacky pose sa camera, habang nasa di kalayuan ang kapatid ni Cassy na si Mavy.
May litrato rin si Darren kasama si Cassy sa loob ng van at sa pamamasyal nila noon sa isang art exhibit.
Kalakip ng pictures at videos ay ang birthday message ni Darren para sa twins na tinawag niyang “Two of the most genuine people I’ve ever met.”
Sinabi rito ni Darren na anim na taon na silang magkabarkada ni Mavy, na ngayon ay “designated driver” daw nila ni Cassy.
“To my brother Maverick, a.k.a. Derek Zoolander, feels like that dance prod we did as 15 year olds was just yesterday and now you’re turning 21.
“Thank you for being our designated driver, always…dejk lang.
“Thank you for being someone I can always count on. Always here for ya.”
Sa mensahe niya kay Cassy, ipinaabot ni Darren na ito ang nakaakaalam ng highs and lows sa buhay niya.
“To Cass, a.k.a. Jisoo (pagbibigyan kita kasi birthday mo naman), A HUGE thank you! You’ve been with me through my highs and lows and it takes a lot to deal with a Darren Espanto.
“Continue to be the badass that you are! You’re one of the strongest women I’ve ever met and you never fail to impress us.
“You’re always there for your friends and family but I wish you’d set aside some time for yourself as well, ok?
“I’ve always got your back!”
Dagdag na mensahe ni Darren para sa magkapatid: “I’m happy that the things you guys only dreamt of doing before are all coming true and this is only the beginning!
“I wish y’all nothing but success and happiness always. Love you both!!!”
DARREN ORGANIZES A ZOOM PARTY
Nag-organisa rin si Darren ng Zoom party para kina Cassy at Mavy.
Inimbitahan niya ang lahat ng kanilang mga kaibigan.
Nakakuha ang CassRen fans ng kopya ng mga litrato na ibinahagi ng @teamcassren sa Instagram.
Sabi ni Darren, “Hirap pala maging coordinator…
“Yung nasa zoom na lahat ng guests, tapos yung mga celebrants ayaw sumagot ng tawag para pumasok sa zoom.”
CASSY THANKS DARREN
Ni-repost ito ni Cassy na nagpasalamat sa effort ni Darren.
Sabi ni Cassy, “thank you for the cake and setting up the zoom call last night!! [yellow heart] @darrenespanto”
Pinusuan din ni Cassy ng yellow heart ang cute photo nila ni Darren.
Ang yellow heart emoji ay simbolo ni Cassy, habang green heart naman ang kay Darren.
Halatang extra special si Cassy para kay Darren dahil nagsuot pa si Darren ng yellow top sa Zoom party nila.
CLOSER THAN EVER
Matagal nang hinihinala ng CassRen fans na nagkakamabutihan sina Cassy at Darren.
Minsan nang sinabi ni Cassy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na “very special” sila ni Darren sa isa’t isa.
Bukas din sa pagsasabi si Darren ng pagiging malapit nila ni Cassy.
Sa tuwing natatanong sila sa real score sa pagitan nila, consistent ang dalawa sa pagsasabing alam nila na showbiz career ang prayoridad nila sa ngayon.
Pero madalas na makitang magkasama ang dalawa tulad na lamang nang magpunta sila sa Pampanga at noong bumisita si Darren sa bahay ni Cassy noong Halloween.
News
Si Paul Soriano ay nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat kay Kris Aquino sa pagprotekta sa kanya mula sa madilim na negatibiti: “Iniligtas ni Kris ang aking buhay”
Paul Soriano thanks Kris Aquino for defending him from negative issues During the intimate thanksgiving press conference of the award-winning…
Sharon Cuneta Inaming Naghiwalay Sila Ni Kiko Pangilinan at Humingi Ng Sorry Sa Kanyang Asawa!
Muling nagpaunlad ng isang panayam ang Mega Star na si Sharon Cuneta kung saan sinagot niya ang mga katanungan…
Meet Atong Ang’s Wife and the Shocking List of His Past Relationships in Showbiz – This Revelation Will Leave You Stunned!
Meet Atong Ang’s Wife and His Relationships in the Showbiz World (VIDEO) Atong Ang is one of the well-known personalities…
Kris Aquino’s past attempt to bring Taylor Swift to the Phl resurfaces online
Did you know that the Queen of All Media once tried to bring Taylor Swift’s concert here in the country?…
Andrea Brillantes reveals spending a million on ex-boyfriend Ricci Rivero
The actress joined “Meme” Vice Ganda in his newest vlog titled Ang Beshie Kong Gen Z, which referred to Andrea…
Dolly de Leon describes Kathryn Bernardo as ‘young Nora Aunor’
Golden Globe nominee Dolly De Leon compared her co-star Kathryn Bernardo to National Artist for Film Nora Aunor. During the…
End of content
No more pages to load