Fyang Smith chooses JM Ibarra over Jarren Garcia

Marami ang kinilig sa tambalan ni Fyang Smith, 18, at JM Ibarra, 23, na magkasamang nanood ng concert ni TJ Monterde sa Araneta Coliseum.
Si Fyang ang Big Winner ng Pinoy Big Brother: Gen 11, ang 2024 edition ng reality franchise show ng ABS-CBN. Si JM ay housemate rin mula sa parehong edition.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tinanong si Fyang kung ano ang label ng relasyon nila ni JM.
“Ang masasabi ko lang, si JM pinapahalagahan namin ang isa’t isa,” sagot ni Fyang.
Sa kabila ng pagkakaroon na ng JMFyang loveteam ay may supporters din ang tambalang Fyang at Jarren Garcia o o may uniname na JarFyang.
Galing din ng PBB: Gen 11 si Jarren.
Diretsahan naman ang pahayag ni Fyang na mas gusto niya ang loveteam nila ni JM.
“Sa akin Jarren and I, friends lang kami ni Jarren, very close friends, so I don’t think na may iaangat pa dun,” prangkang saad ng dalaga.
“Siguro ngayon wala akong masasabi about dun kasi as of now, ako lang yung may choice kung sino ang gusto kong ka-loveteam, and it’s JM.
“I’m very comfortable sa kanya and every time na nagwo-work kami nakakalimutan na work yun. Super enjoy.”
Nakapanayam ng PEP si Fyang sa media launch sa kanya bilang endorser ng The I Phone Store in Cebu ng K & L Marketing, na ginanap sa Pandan Asia noong March 12, 2025.
FYANG SMITH ON BASHERS
Dito ay naikuwento ni Fyang ang karanasan niya sa isang basher.
“May balak na ako sa isang fan from Tiktok. Malala na siyang mam-bash, super below the belt, personal…
“Super fake news siya. Marami na siyang dinadamay sa akin, family ko especially JM.”
Pinag-iisipan daw ni Fyang kung gagawa siya ng legal action laban sa basher.
Sa kabila nito, sinisikap ni Fyang na magkaroon ng healthy mindset pagdating sa feedback ng netizens.
“Actually, hina-handle ko siya, everytime na may bago silang sinasabi sa akin, tine-take ko na lang as compiment.
“Kasi di naman ako puwedeng sumagot kung anuman ang sinasabi nila. Tine-take ko na lang siya as compliment.”
FYANG SMITH ON NEW PBB SEASON
Bilang grand winner ng PBB: Gen 11, tinanong si Fyang kung sino sa mga housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ang sa palagay niya ay may malaking tsansa na manalo.
“Natutuwa ako na nag-collab ang GMA at ABS. I don’t think magkakaproblema, nakakatuwa silang panoorin.
“No. 1, nakikita ko ang ugali ko kay Esnyr, very madaldal, very jolly talaga, nakikita ko si Esynr sa ugali ko.
“Siyempre si Ms. Ivana [Alawi], good luck diyan sa loob. I hope manalo ka sa tasks mo.”
Naka-collab na ni Fyang si Ivana.
At ayon kay Ivana, paborito niya si Fyang dahil naaaliw siya sa ugali nito.
Komento ni Fyang: “Napanood ko yun. Actually, dumaan siya sa feed ko. Nung napanood ko yun super na-touch ako na isa ako sa favorite niya na naka-collab.
“Di ko akalain, Ms. Ivana Alawi, ako magiging favorite niya. Nakaka-touch, super nakaka-overwhelm, super nakakagulat, lahat. Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko.”
Hiningan din si Fyang ng payo sa mga susunod na gustong sumali bilang housemates sa PBB house.
“Siguro everytime na mag-o-audition sila, kailangan talaga nilang ibigay yung 100% ng best nila kasi hindi lang pagod ang kalaban ninyo dun, kalaban yung oras niyo, yung pasensiya niyo, lahat-lahat.
“Kung mag-o-audition kayo sa PBB, kailangan yung 100% niyo talaga kasi grabe, sobrang nakakapagod.
“Two days akong walang tulog dun. Kailangan talaga na ibigay nila yung full of power nila if ever na mag-audition sila.
ON BEING A SHOWBIZ NEWBIE
Nominado si Fyang sa Best New Female TV Personality category sa darating na 38th Star Awards For TV.
“Actually, dun ko lang nalaman kanina, and I don’t know kung ano ang ire-react ko kasi madami na rin po ang nakakaalam ng totoong ugali ko.
“Siguro marami talaga ang natutuwa sa ugali ko, marami rin ang nagagalit,” aniya.
Bilang baguhang artista, nagpapasalamat si Fyang sa mga sumusuporta sa kanya.
“Actually, di ko siya hina-handle, di ko nakikita ang sarili ko na famous,” saad ni Fyang.
Sabi niya tungkol sa kanyang fans, “You know, I think hina-handle ko siya na binabalik ko sa kanila yung binibigay nilang support sa akin.
“Anytime na may chance ako na ma-meet sila, binubuhos ko talaga yung energy ko sa kanila para mabigay ko rin yung effort na binibigay nila sa akin.”
News
Joko Diaz, pumayag pasukin ng 14-year-old daughter ang showbiz
Joko Diaz, pumayag pasukin ng 14-year-old daughter ang showbiz Ang tapusin ang pag-aaral ang tanging kundisyon na hiningi ni Joko…
Coco Martin Isinapubliko Na Ang Anak Nila Ni Julia Montes Na Si Zia Grace Martin!
Kamakailan ay naging usap-usapan ang mga larawan nina Sam Milby at Julia Montes na kasama ang isang batang babae na…
Manilyn Reyes Binarda Ang Pananaw Ni Liza Soberano Tungkol Sa Loveteam
Tila binasag ng veteran actress na si Manilyn Reynes ang paniniwala ng Fil-Am actress na si Liza Soberano hinggil sa…
Mga Artistang Pumanaw Bago Mag-22 Taong Gulang: Isang Trahedya sa Mundo ng Sining
Sa mundo ng showbiz, maraming kwento ng tagumpay at kasikatan, ngunit may mga kwento ring puno ng lungkot at pangungulila….
NATATANDAAN NIYO PA BA SIYA? ITO PALA ANG NANGYARI SA KANYA KAYA BIGLA SIYANG NAWALA SA SHOWBIZ!
Sino ba ang hindi naaalala sa mga bituin ng dekada 90? Isa sa mga pinaka-maimpluwensyang personalidad noong panahong iyon…
ITO NA PALA ANG BUHAY NI CHARICE PEMPENGCO NGAYON, A.K.A. JAKE ZYRUS! ANONG NANGYARI?
Minsan, ang mga kwento ng mga bituin ay puno ng pagsubok at tagumpay. Ngayon, silipin natin ang kasalukuyang buhay ni…
End of content
No more pages to load