Ivana nahirapang huminga, nagka-‘fluid’ nang malala sa tiyan kaya na-confine
Ivana khó thở, có 'chất lỏng' trong bụng nên phải nằm bất động



Ivana idinetalye kung bakit 1 linggo na-confine, muntikang sukuan ang life?
PHOTO: Screengrab from YouTube/Ivana Alawi

IBINUNYAG na ni Ivana Alawi kung bakit siya sinugod sa ospital noong Oktubre at na-confine ng isang linggo.

Hindi nabanggit kung ano mismo ang naging sakit ni Ivana, pero idinetalye niya sa latest YouTube vlog ang pinagdaanan niyang sakit.

Paglalarawan pa nga ng vlogger-actress, ito ang pinakamatinding pain na naranasan niya.

“Feeling ko, nagpaalam pa nga ako sa mama ko tapos feeling ko talaga it is really my second life,” sey niya sa video.

Kwento niya, “May problem ako sa ovaries and that’s how it started. And I also have PCOS, doon siya nagsimula.”

Kasunod niyan, isinalaysay ni Ivana kung ano ang mga ininda niya sa katawan at kabilang na nga riyan ‘yung pagkakaroon ng tubig sa kanyang tiyan.

Baka Bet Mo: Ivana Alawi sinugod ulit sa ospital after 2 days, anyare?

“I got fluid in my stomach na sobrang napuno na siya. Day by day habang nasa ospital ako, umaangat nang umaangat ‘yung fluid sa tiyan ko. Mukha akong five months pregnant…basta ang laki niya,” paliwanag niya.

Patuloy ng aktres, “It grew day by day tapos ‘nung padulo na, parang patigas na siya nang patigas. Tapos ‘yung sakit, hindi na ako makahinga. Konting lakad ko lang, parang hihimatayin ako. Nanlalamig na ‘yung buong body ko tapos tumitirik daw ‘yung eyes ko.”

Dahil diyan, nagpaalala siya sa madlang pipol na magpatingin agad sa doktor kapag may nararamdamang sakit o kung may tinitiis na sakit.

“Huwag niyong antayin na lumala…kasi the earlier, the better,” wika niya.

Dagdag pa niya, “Siguro kung hindi ako pumunta ng ospital, baka wala na ako dito. Ganung level.”

Inamin ni Ivana na hindi siya natakot sa nangyari sa kanya, pero ang iniisip niya that ay ‘yung kanyang pamilya.

“Hindi ko nga iniisip kung paano ‘yung savings ko, paano ‘yung mga properties tapos more of kung paano ‘yung family ko,” lahad niya sa vlog.

Kasunod niyan, idinetalye naman niya kung ano ‘yung mga ginawa sa kanya sa ospital upang humupa na ‘yung sakit na nararamdaman niya dahil hindi na raw niya ito kinakaya.

“So ayun, pinasok nila ‘yung tube and they started to drain. Tapos meron daw two liters [‘yung fluid]. Pinu-push na ‘yung lungs ko that’s why nahihirapan na akong [huminga],” esplika ng vlogger.

Pagbabahagi pa niya, “Pati ‘yung bladder ko, wala nang lumalabas na ihi, and then ‘yung heart ko masyado nang mabilis ‘yung tibok and hindi na rin ako nakaka-poops. Lahat naipit na sa body ko, so nagkaroon ako ng doktor sa puso, doktor sa lungs, doktor sa gastro, doktor sa nephro, lahat na ng doktor.”

“Imagine, one week akong walang ligo. Sa buong buhay ko, never ko ginawa ‘yun,” pag-alala pa ni Ivana.

Sa ngayon daw ay patuloy pa rin siyang nagpapagaling: “Hindi pa ako 100% okay.”

Bandang huli ng video ay pinasalamatan niya ang lahat ng nag-alaga at nagdasal para sa kanyang recovery, lalo na ang kanyang ina na araw-araw siyang binantayan sa ospital.

Nabanggit din ni Ivana na ang kikitain sa latest vlog ay ido-donate sa isang national hospital bilang pambayad sa mga taong hindi kayang magbayad ng medical bills.

“I know, a lot of people hindi naman nila na-a-afford ‘yung hospital then ‘yung medicine and all that’s why ginawa ko ‘tong vlog na ‘to. So that we can help out in our small way without being a politician,” aniya.

Panawagan pa niya sa mga politiko, “Ayusin niyo ‘yung mga medical, ‘yung mga ospital na makatulong pa sa mga may sakit. ‘Yun ang unahin niyo.”

Sa comment section, maraming fans ang naantig sa kabutihang loob ni Ivana kahit may sakit, habang ang ilan ay nagpaabot ng “get well” wishes at mga dasal para sa patuloy na paggaling niya.

“‘Yung ikaw na may nararamdaman pero iniisip mo parin kaming mahihirap [red heart emoji] thank you po sa mabuting puso [single tear, red heart emojis].”

“I hope and pray for your recovery Ate Ivana and for good health for Mona. Sending lots of love to the Alawi Family [red heart emoji].”

Subscribe to our daily newsletter

Email Address
SIGN ME UP
By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Get well soon po ma’am Ivana aka Bubble namiss kita sa role mo. Waiting for your next project.”

“Health is wealth talaga Miss Ivana! Lagi mo ingatan ang sarili mo! Para sa family mo! Mas importante sila kaysa sa mga bagay at pera! Praying for your fast recovery [red heart emoji]!”