KimXi keri ‘buwagin’ ni Kim Hyun-Joong

Trending ngayon sa Twitter si Kim Chiu.



Pinag-uusapan kasi ang kanyang faney moment kasama ang Korean actor na si Kim Hyun-Joong .Nag-guest kasi ang nasabing heartthrob sa “It’s Showtime”.

Si Hyun-Joong ay isang South Korean singer at actor na nakilala sa mga teleseryeng “Boys Over Flowers” at “Playful Kiss”.

Naging miyembro rin siya ng popular boy band na SS501.

 

Katunayan, marami ang nakapansin na bagay sila.

Damang-dama rin na may chemistry o ‘kilig feels’ ang kanilang pagsasama kung sakali mang magkakaproyekto sila.

Hirit ng mga kafaneyan, may tulog daw si Xian Lim kay Hyun-joong. Keri raw mabuwag ang KimXi.

Ito ang ilang komento ng netizens sa potensyal na team up nina Kim at Hyun-joong.

“i swear, what’s stopping them from pairing Kim Chiu with a Korean men for a project or movie?! a Fil-Kor collab movie collab or mini series, maybe?! the visual is visualing! the chemistry is chemistry-ing!!!!!”
“two Kims, why not?”
“Hahaha,Kimmy!Di handa si Kim Chiu sa akbay ng Korean visitor nila sa Showtime para sa photo op.”

(Archie Liao)