Madalas na Pagyaya at Pagtuturo ng Espadahan ni KaladKaren sa Asawa ang Sanhi ng Hiwalayan? KaladKaren at Asawa, Masaya at Matibay Pa Rin!
Matapos ang ilang linggong espekulasyon tungkol sa umano’y paghihiwalay nila ng British husband niyang si Luke Wrightson, muling pinatunayan ni TV personality at Frontline Pilipinas showbiz presenter KaladKaren (Jervi Wrightson) na matibay pa rin ang kanilang pagmamahalan.
Sa isang Instagram post, proud niyang ibinahagi ang sweet na litrato nilang mag-asawa sa Los Angeles, California, na may caption na: “Look who followed me in Los Angeles.”
Bukod dito, ipinakita rin niya ang kanyang wedding ring bilang patunay na wala silang pinagdadaanan at nananatiling masaya ang kanilang pagsasama.
Kamakailan, nag-viral ang tsismis na naghiwalay sina KaladKaren at Luke matapos siyang mag-post ng isang TikTok video kung saan nag-lip sync siya sa kantang “We Can’t Be Friends” ni Ariana Grande.
Dagdag pa rito, napansin ng mga netizens na nawala ang ilan sa kanilang wedding photos sa kanyang Instagram feed—na lalong nagpainit sa espekulasyon.
Ngunit ang pinaka-eksplosibong haka-haka? May nagsabing ang umano’y pagtuturo ni KaladKaren ng espadahan—isang euphemism para sa isang sensitibong usapan—ang naging dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan!
Upang tapusin na ang mga haka-haka, nilinaw ni KaladKaren ang tunay na estado ng kanilang relasyon.
“Ako pa rin po si Mrs. Jervi Wrightson. Lilinawin ko lang po ang issue tungkol sa amin ni Luke. Alam niyo, hindi perpekto ang isang relasyon. Katulad ng ibang mag-asawa, may misunderstandings at may challenges, lalo na dahil nagtatrabaho si Luke abroad.
Pero sa loob ng 13 taon, napagdaanan na namin ang maraming pagsubok at araw-araw naming pinipili ang isa’t isa. Kaya oo, kami pa rin! Wala po kaming problema ni Luke. Masaya po kaming mag-asawa.”
Bukod sa usapin ng kanilang relasyon, ipinaliwanag din ni KaladKaren kung bakit nawala ang ilang wedding photos nila sa kanyang Instagram feed.
“Inaayos lang po ng management ko ang feed ko para sa trabaho. May mga tinanggal silang pictures pero ibabalik din naman ‘yon.”
Kaya sa mga nag-aakala na may mas malalim pang dahilan, mukhang isang simpleng case lang ito ng social media curation!
Bukod sa paglilinaw, nagpaalala rin si KaladKaren sa publiko tungkol sa mapanlinlang na impormasyon na kumakalat online.
“Napagtagpi-tagpi lang ng netizens ang iba’t ibang bagay at ginawang kwento Lalo na Ang birong espadahan. May iba pang gumagawa ng fake news at fake videos—ini-slice ang dati kong vlogs tapos inilalagay sa issue para palabasin na umiiyak ako.”
“Dapat maging responsable tayo sa content na pinaniniwalaan at ikinakalat natin. Mag-ingat po tayo sa fake news at higit sa lahat, matuto rin tayong mag-mind ng sarili nating business.”
Sa kabila ng mga tsismis, nananatili pa ring matatag ang pagmamahalan nina KaladKaren at Luke. Masaya silang nagbabakasyon sa Los Angeles, patunay na mas pinipili nila ang pagmamahalan at saya kaysa sa mga malisyosong balita.
Ano naman kaya ang susunod nilang couple adventure? Abangan na lang natin!