Isa nang ganap na Kapamilya ang Viva talent na si Nadine Lustre dahil kamakailan lang ay pumirma na siya ng kontrata sa ABS-CBN.
Hindi naman itinago ni Nadine na masaya siya ngayong isa na siyang Kapamilya.
“Yes, I’m very, very happy po. I mean, medyo matagal na rin akong nasa Viva,” sabi ng young actress sa panayam sa kanya nina Kris Aquino at Toni Gonzaga sa The Buzz kahapon, August 31.
“So, medyo matagal na rin.”
JADINE LOVETEAM. Uminit ang pangalan ni Nadine at ng ka-loveteam niyang si James Reid dahil naging hit ang launching movie nilang Diary Ng Panget.
Dahil dito ay nasundan ang kanilang pagsasama sa pelikula, sa pamamagitan ng Talk Back And You’re Dead na lalong nagpatibay ng kanilang box-office appeal.
Hindi raw sigurado si Nadine kung nakaplano talagang i-co-produce ng Star Cinema ang Talk Back And You’re Dead, na iprinodyus ng Viva Films, at pagkatapos ay papapirmahin na sila ni James sa ABS-CBN.
“That I’m not sure, kasi nagulat na lang po kami na co-prod na ang Talk Back… ng Star Cinema, e.
“Ang sabi lang sa amin, ‘Okay, you have another movie right after DNP [Diary Ng Panget].’
“Sinabi po sa amin, ‘Okey, meron ulit kayong project ni James [Reid], yung Talk Back…’
“And then, after a few weeks, biglang sinabi na co-prod siya ng Star.
“So, kami po ni James, we’re really excited po.”
Kasalukuyang nasa Albay naman daw kahapon ang ka-loveteam nito na si James.
Tinanong ni Kris si Nadine kung tini-text nila ang isa’t isa ng “good morning.”
“No, kasi we see each other all the time,” nakangiting sagot ng young actress.
Kapag nagkikita ba sila palagi, mas lalo silang nagiging close?
“Nahihiya ako… kasi may mga… nandiyan yung JaDine, e,” pagtukoy ni Nadine sa fans nila ni James.
Pero sinabi ni James na ideal girl ka raw niya?
“Okay,” nakangiting sagot ni Nadine.
Totoo bang istrikto ang nanay ni Nadine?
Sagot niya, “Right now kasi, me and James, we both value our career, ‘etong opportunity.
“Parang kami rin, ayaw pa rin namin.”
Hiniritan naman siya ni Toni na ganoon din daw siya dati, lalo na noong bagong lipat sa ABS-CBN na ang sinasabi niya, “I value my career.” At halos lahat daw ng bagong loveteam, ganoon ang sinasabi.
Sabi naman ni Nadine, “Okey, sige, para maiba na lang, ako, I’m the type of person who doesn’t want to expect talaga.
“Ayokong mauna.”
BLANKET AND PILLOW. Ibinuko naman ni Kris na binigyan daw ni Nadine ng pillow at blanket si James dahil sa shooting ay wala raw ito. Pero si James daw, ni isang kape ay wala pang ibinibigay kay Nadine.
Natatawang sabi pa ni Kris: “My God naman, I heard sa sosyal na village siya sa Makati nakatira. So, he can afford coffee.”Bakit niya nga ba binigyan ng blanket at pillow si James?
Sagot ni Nadine, “Wala naman, kasi yung upuan niya, yung folding chair niya, sobrang uncomfortable.”
Hindi pa masagot nang diretso ni Nadine kung ano ang unang serye na gagawin nila ni James sa Kapamilya network.
“Kasi, hindi pa po nasasabi sa amin.”
Bukod kay James, sino pang Kapamilya male stars ang nakyukyutan siya?
“Si Joseph Marco… ay, hindi puwede!” biglang bawi ni Nadine.
Kaya nasabi ni Nadine na hindi puwede dahil humingi na ng permiso si Joseph kay Toni na maging date nito sa Star Magic Ball ang kapatid na si Alex Gonzaga.
News
Nagulat si Dingdong Dantes nang Ibinunyag ni Karylle ang Kanilang mga Nakaraan na Lihim… Iniwan si Marian Rivera na Nawasak a!
Karylle finally opens up about past relationship with Dingdong Dantes; refuses to admit real score with Yael Yuzon Karylle on surviving her breakup with Dingdong Dantes: “Actually, everything’s in the past. But I was looking through some poems I had…
HOT: Si Nadine Lustre ay “sinaksak sa likod” ni Chie Filomeno, umaakit sa lahat ng mga tagahanga a.
Wala namang binanggit na pangalan si Chie Filomeno, basta’t nag-hello lang siya sa lahat, “except sa mga ayaw masira IG feed nila”. Wala namang binanggit na pangalan si Chie Filomeno, basta’t nag-hello lang siya sa lahat, “except sa mga ayaw…
Revealing the hot scene between Kim Chiu and Paulo Avelino: Kim Chiu revealed the truth behind the bold bed scene in the Philippine version of ‘What’s Wrong with Secretary Kim?’ that left the audience stunned a!
Kim Chiu, nahirapang ‘ikama’ ni Paulo Avelino Ibinahagi ni “It’s Showtime” host Kim Chiu ang kuwento sa likod ng bed scene nila ng co-star niyang si Paulo Avelino sa Filipino adaptation ng “What’s Wrong With Secretary Kim?” Sa panayam ni…
Did Nadine Lustre unfollow James Reid, sisters Issa and Yassi Pressman a?
Nadine Lustre sent netizens abuzz after she appeared to have removed James Reid, Issa Pressman and Yassi Pressman from her Instagram following list. Reid – Lustre’s ex-boyfriend – alongside sisters Issa and Yassi – who was Lustre’s close friend – can no longer be seen…
Ayun, nag-date talaga noon sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez a.
Janine Gutierrez and Paulo Avelino are gearing up for the release of Season 2 of their hit rom-com series Marry Me, Marry You! The two ABS-CBN stars play Camcam and Andrei, a couple with a seemingly idyllic relationship—that is until their family and friends…
Sina Janine Gutierrez, Paulo Avelino ay nag-ihaw tungkol sa rumored romance a.
Nalagay sa hot seat sina Janine Gutierrez, 32, at Paulo Avelino, 33, na napababalitang totohanan na ang pagsinta sa isa’t isa. Gumaganap silang mag-asawa sa Kapamilya prime-time series na Marry Me, Marry You, na nagsimulang umere noong September 2021 at magtatapos sa February 2022….
End of content
No more pages to load