Matapos ang apat na taong pakikipag date, tinawag na raw itong quits ng celebrity couple na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz.

Ayon sa report ng Pep, isang buwan na raw ang paghihiwalay ng dalawa dahil wala na silang oras para sa isa’t isa dahil sa busy schedule nila.

Kasalukuyang bida si Janine sa Kapamilya romcom series na Marry Me, Marry You na ngayon ay nasa ikalawang season na.

Sa kabilang banda, si Rayver naman ang host ng GMA 7 shows na The Clash at All Out Sundays.

Nakatakda ring lumabas ang Kapuso star sa second part ng Limitless Musical Trilogy ni Julie Anne San Jose.

Dagdag pa ng report, walang third party na sangkot sa break up nina Janine at Rayver na romantically linked sa co star na si Paulo Avelino, at co host na si Julie Ann San Jose, ayon sa pagkakasunod.

Tinanggal na rin ang ilan sa kanilang couple photos sa Instagram page ni Rayver.

Samantala, si Janine naman ay may photo pa rin na magkasama sila sa tabi ng beach sa Instagram post para sa birthday ni Rayver last July.