Alden Richards warns vs fake tweets about KathNiel

Nagbabala sa publiko ang Kapuso TV host-actor na si Alden Richards hinggil sa kumakalat na umano’y tweets niya patungkol sa kanila ni Kathryn Bernardo at dating boyfriend nitong si Daniel Padilla.
Sa panayam ni Alden sa 24 Oras nitong Miyerkules, May 15, 2024, iginiit niyang hindi siya ang nasa likod ng mga kumakalat na tweets na direktang pinapasaringan ang ex-boyfriend ni Kathryn na si Daniel.
Saad ng aktor, “Kahit kailan po hindi po ako magko-comment ng kahit anong defamatory words to someone na hindi ko naman masyadong nakakasama at wala naman akong karapatan na manghusga sa taong tinutukoy dun sa mga fake tweets na kumakalat.”
Hindi binanggit ni Alden kung ano mismong tweet ang pinapatungkulan niya.
Ngunit kamakailan ay pinag-usapan online ang post ng isang Facebook page tungkol sa isang fake tweet ni Alden para kay Daniel.
Sa pekeng post, pinalabas ang animo’y X (dating Twitter) ni Alden patungkol sa diumano’y panloloko ni Daniel kay Kathryn, kaya sila nagkahiwalay
Mababasa rito (published as is): “Kathryn, gave her love and trust to you pati na ang future nya for how many years pero niloloko mo lang pala.
“On cam ka lang pala loyal at sweet pero sa likod ng camera, dugong Padilla ka talaga.
“Please bro, wag mo nang guluhin pa si Kath, huwag kang selfish. Masaya na sya ngayon sa mundong ginagalawan niya.”
Kung titingnan, mapagkakamalan talagang galing ito sa X account ni Alden, dahil in-edit ang kanyang litrato maging ang username para mapagkamalan itong totoo.
Matatandaang nabaling kay Daniel ang sisi sa nangyaring hiwalayan nila ni Kathryn dahil nagkaroon umano ito ng lihim na relasyon sa aktres na si Andrea Brillantes.
Bukod pa diyan ang pagdikit sa pangalan niya sa iba pang mga babae, dahilan para isipin ng marami na makailang beses niyang pinagtaksilan si Kathryn.
ALDEN RICHARDS REMINDS PUBLIC
Giit ni Alden, kailanman ay hindi siya nag-post ng ganito.
Pinaalalahanan din niya ang publiko na huwag agad maniniwala sa mga nakikita sa social media, bagkus ay ugaliin daw na magsiyasat at mag-fact check kung ito ba ay may katotohanan.
Mensahe ni Alden, “Ingat lang po tayo sa fake news dahil ang social media po, e, pugad ng fake news.
“So not until yung mga official accounts po ng mga artista ang nag-post nung mga tweets na kumakalat diumano, e, huwag po nating agad paniwalaan at mag-fact check po muna tayo bago tayo mag-call out ng judgment.”
ALDEN-KATHRYN SIGHTINGS
Ang pahayag na ito ni Alden ay malaking bagay sa mga tagahanga ng dating tambalan nina Kathryn at Daniel o KathNiel.
Lalo’t nauugnay ngayon si Alden sa Kapamilya actress na si Kathryn.
Sa katunayan, mayroon na ring nabuong tambalan sina Alden at Kathryn, ang “KathDen” matapos nilang bumida sa Hello, Love, Goodbye.
Simula nito, sini-ship na sila ng kanilang mga tagahanga lalo na ngayon na parehas silang single matapos mahiwalay ni Kathryn sa long-time boyfriend niyang si Daniel noong November 30, 2023.
Nagpadagdag pa sa kilig ng fans ang madalas nilang pagsasama sa private events, tulad noong 28th birthday at house warning party ni Kathryn
Palaisipan din ang naging sagot ni Alden kay Nelson Canlas sa 24 Oras noong April 10 nang siyasatin siya sa tunay na relasyon nila ni Kathryn.
“What you see is what you get,” tipid na pahayag ng aktor.
Hindi na rin daw niya kailangan ipaliwanag pa ang relasyon nila ng aktres lalo na’t kung ano ang nakikita sa kanila ng iba sa social media ay ganoon din sila sa personal.
Ang tanging masasabi raw ni Alden ay masaya siyang makitang masaya si Kathryn.
Noong May 12, 2024, muling nasilayan ng publiko na magkasama sina Alden at Kathryn nang parehas silang dumalo sa 52nd Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF).
Pinarangalan sila bilang Box Office King and Queen.
Napapabalita ring nililigawan ni Alden, bagay na hanggang ngayon ay hindi pa niya kinukumpirma sa publiko.
Ngunit base sa nakalap na impormasyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), lagpas friendship level na umano ang pagkakamabutihan nina Alden at Kathryn.
Sabi ng isang source ng PEP.ph, walang kinalaman sa trabaho ang private parties ni Kathryn na dinaluhan ni Alden, at makikita roong nag-e-enjoy ang mga ito sa company ng isa’t isa.
Alden talks about closeness to Kathryn
Sa panayam ni Alden sa Preview nitong May 2024, naging bukas siyang pag-usapan ang nabuong relasyon nila ni Kathryn.
Ayon sa aktor, matapos nilang gawin ang box-office hit na Hello, Love, Goodbye noong 2019 ay nagtuluy-tuloy lamang ang pagkakaibigan nila ni Kathryn.
Dagdag pa niya, ano man daw ang mayroon sa kanila ay nais niya itong gawing pribado at personal.
Lahad niya sa Preview, “The friendship never ended. Naging solid din talaga yung samahan naming lahat [when we were filming].
“And right now, I’m just quite overwhelmed. Whatever is happening between Kath and I, I really want it to be personal.”
News
Pauleen Luna at Vic Sotto Ganito Pala DISIPLINA sa Kanilang ANAK nasi Baby Mochi Sotto!
BREAKING NEWS: Pauleen Luna at Vic Sotto, Ganito Pala Magdisiplina kay Baby Mochi Sotto! Maraming netizens ang namangha sa paraan…
ITO PALA NANGYARI sa SURFING Ni LILO MAG-ISA sa GITNA NG KARAGATAN PANOORIN ANAK Ni ANDI EIGENMAN
Ito Pala Nangyari sa Surfing ni Lilo Mag-isa sa Gitna ng Karagatang Panoorin Anak ni Andi Eigenmann Isang nakakakilig at…
JUST IN! Atong Ang KICKS OUT Sunshine Cruz and Her THREE Children? The SHOCKING Truth Revealed!
In a shocking turn of events, businessman Atong Ang has reportedly kicked out Sunshine Cruz and her three children, sparking…
SHOCK: Lorna Tolentino’s Heir Reveals Jaw-Dropping ASSET
SHOCK: Lorna Tolentino’s Heir Reveals Jaw-Dropping ASSET Introduction Isang nakakagulat na balita ang lumabas mula sa mundo ng entertainment: ang…
Melai Cantiveros plans to have third child, hopes for baby boy
(From left) Jason Francisco, Mela, Stella and Melai Cantiveros. Image: Instagram/@mrandmrsfrancisco Melai Cantiveros revealed that she and her husband…
BREAKING NEWS !! ATONG ANG AND SUNSHINE CRUZ, HAVE SEPARATED!! AWESOME! THIS IS THE REASON! OMG!
In a shocking turn of events, it has been confirmed that Atong Ang and Sunshine Cruz, who had been one…
End of content
No more pages to load