Nadine Lustre, deadma sa pagkakadawit niya sa nabuhay na banggaang Dina Bonnevie at Alex Gonzaga
Top trending topic on Twitter ngayong araw, February 1, at simula pa kagabi, ang aktres na si Nadine Lustre matapos madawit ang kanyang pangalan sa banggaang Dina Bonnevie at Alex Gonzaga.
Kahapon ay sumalang si Ms.D (bansag kay Dina) sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7, kung saan kinumpirma na niya, after so many years, ang young star na pinatamaan niya noon sa isang nag-viral niyang interview na umano’y may attitude problem.
Matagal nang hinuha ng netizens na si Alex Gonzaga ito. Alex, also recently said sa kanyang podcast na isa umano sa hindi niya makakalimutang karanasan as a newbie ay nang talakan siya nang bonggang-bonggang ng isang “matandang” artista. Nag-viral din ang statement na ito ni Alex lalo’t ang hula ng netizens ay si Ms. D naman ang pinatatamaan niya.
Sa talk show ni Boy Abunda, tinuldukan na nga ni Ms. D pahulaan at walang paligoy-ligoy na inilahad ang mga naganap noon between her and Alex sa set ng 2011 teleseryeng P.S. I Love You ng TV5, kung saan niya umano nasaksihan ang attitude problem ni Alex, partikular ang tardiness.
“Yes, it was Alex Gonzaga,” panimula niya kay Boy Abunda. “But let me explain. That happened 12 years ago. We were doing a teleserye then and it [her paninita] didn’t come out without reason.”
Maraming beses daw kasi na naging cause of delay itong si Alex sa kanilang taping.
“I mean, we were working together kaya lang kasi it didn’t happen once. It happened once, twice, thrice so hindi lang naman ako [ang naiinis],” pagre-recall pa ng aktres.
“There were co-workers who were getting irked about sa working habit niya or, you know, the way she was working with us. So, napag-usapan na ako ang spokesperson.”
Nabanggit pa niya ang ilan nilang co-stars na hindi rin natuwa sa working habit ni Alex habang ginagawa nila ang teleserye.
“Si Gabby [Concepcion]… Tuloy nabanggit ko na. Si Gabby, Cheska, Iñigo, Nadine Lustre. We were all together and nobody had the strength or the audacity to come up to her and talk to her. So, okay, ako ang magiging spokesperson,” pagbabahagi niya.
Itinanggi rin ni Dina ang alegasyon na pinagsisigawan niya si Alex. Mahinahon daw niyang kinausap ang aktres.
Nabanggit kasi ni Alex mismo sa kanyang podcast na meron umanong matandang artista na pinagtaasan siya ng boses sa set.
“Hindi rin totoo na pinagsisigawan ko mula ulo hanggang paa kasi ‘yong setting namin nasa may simbahan. It was somewhere in Antipolo. May chapel there and then parang may rotonda dito,” paglalarawan ni Dina.
“So that morning, late na naman siya. So, nagpipigil na kami nu’n. So, umuusok na sila. ‘Am gonna walk out of this set if you don’t tell her. You better tell her off, D. ‘Di ko na kaya.’ Ganyan, ganyan, ganyan,‘” saad pa niya sa himutok ng mga co-actors nila noon.
“Ako ba? O sige, ako lang naman ang may lakas ng loob. So, wala pa akong sinabi hanggang sa lunch break, umalis na naman siya. Pag alis niya, basa ‘yung buhok, walang makeup. So, we had to wait na naman for another three hours bago makapag-take.”
Ganu’n pa man, nakausap nga daw niya si Alex that day at prinangka niya ito.
“Ako naman sabi ko… kasi may eksena na dapat iiyak siya. E, parang mommy niya ako noon. Hindi siya makaiyak,” pagbabalik-tanaw pa niya.
Doon na raw siya nakakuha ng buwelo, as a senior star, para pagsabihan ang nakababatang artista.
“Sabi ko, ‘Alex you know why you cannot cry? Because you’re not in touch with your emotions. You’re very indifferent to your co-workers. You know, honestly, I want to talk to you kasi we don’t like what you’re doing. You’re always late.’”
Katuwiran naman daw ni Alex sa kanya, busy’ng busy ito sa dami ng commitments. Pero dahil sa way umano ng pagsagot nito ay napagsabihan niya ang aktres na maging marespeto.
“Sabi ko, ‘Hindi pa pinapanganak ang babastos sa akin, Alex, please. Kinakausap kita nang maayos,’” sey pa ni Dina.
“‘If you wanna stay long in this business, you cannot last kung ganyan ang attitude mo, na palagi kang late. Dito ka pa maliligo sa set and you cannot even memorize your lines. Hindi ka makaiyak,‘” she went on.
Sa puntong ito na niya nabanggit si Nadine Lustre. Si Alex pa raw kasi ang may ganang mainis kay Nadine dahil mas mabilis itong umiyak sa kanya sa kanilang eksena.
“And then nagagalit siya kay Nadine kung nauunang umiyak si Nadine. Eksena niya daw ‘yon,” pagre-reveal ni Dina.
Dahil dito, may panibagong ni-react-an ang netizens kaya’t agad na nag-trending ang pangalan ni Nadine. May iba pa ngang netizens na agad nakagawa ng mga patawang memes tungkol dito kaya’t patuloy pa ring nasa trending list ang nadawit na aktres.
Samantala, maayos naman daw natapos ang kanilang pag-uusap at nagkaiyakan pa umano sila.
Nagpakita rin daw sa set ang nanay ni Alex na si Mommy Pinty para i-explain ang pinanggagalingan ni Alex.
“Parang she [Mommy Pinty] talked to the director. Kinausap niya na maraming ganap ang anak niya, maraming tanggap ng trabaho,” ani Dina.
“Pero s’yempre [ang] point namin, ‘Sige, sikat siya, maraming binibigay sa kanya ‘yong [TV] 5, but this is your responsibility to your co-workers,’” giit niya.
Nilinaw niya rin na hindi siya galit kay Alex dahil matagal na umanong na-address ang isyu na ito. Nakapag-guest na nga daw siya sa noontime show kung saan co-host si Alex.
Nabuksan lang daw talaga ang isyu dahil natanong nga siya sa isang presscon.
Pero na-refresh daw ang inis niya dahil sa mga binitiwan ni Alex sa podcast nito dahil nag-imbento umano ito ng kuwento.
“Doon ako nainis...painting you as the bad guy, inventing stories to make you look bad. But I wasn’t inventing stories,” pagpapakatotoo ni Dina.
Ganu’n pa man, hindi naman daw siya na-offend nang i-describe siya nito bilang matanda.
“Actually, hindi ako na-offend na tinawag akong matanda. It’s true. Matanda na ako. I’m 61 but I’d like to see people at 61 if they’re still looking fresh. Sorry, Boy. But I feel fresh and I think I look fresh,” natatawang lahad pa niya.
Isa pa sa nilinaw ni Ms. D ay ang pagti-trending ng video niya na kinunan during her birthday celebration. Hindi niya umano pinariringgan doon si Alex nang i-blow niya ang kanyang cake.
Naging controversial kasi si Alex kamakailan sa pabirong pagpapahid nito ng icing sa noo ng waiter na may hawak sa cake niya sa kanyang birthday party.
“‘Yong cake issue naman na ‘yon, ‘yong mga tao nanunukso. Sabi ko, ‘No, no, no, no. I won’t put cake on your face…” paliwanag niya.
“Parang joke na lang ‘yon. It was a joke. But I didn’t intend to hurt. If I hurt Alex’s feelings because na-post ‘yon, sorry.
“Pero it was a joke. Wala. We were just having fun noong birthday ko,” pagtatapos niya.
Sa ngayon ay wala pang reaksyon si Alex sa mga naging rebelasyon ni Ms. D kay Boy Abunda.
Wala ring imik ang nadawit na si Nadine Lustre kahit patuloy siyang nagte-trending. Sinipag na naman kasi ang mga netizens na mag-comment at ang iba pa nga ay ginawan na naman siya ng memes tungkol dito.
Heto ang ilan:
News
BREAKING NEWS: Dina Bonnevie Keeps Quiet About Ex-Husband Vic Sotto’s Affairs, But Her SHOCKING Take on Oyo Sotto’s Love Life Leaves Fans Buzzing /lo
Dina Bonnevie stays off ex-hubby Vic Sotto’s affairs Dina also comments on her son Oyo Sotto’s lovelife. “Ay, ayokong makialam…
John Estrada Moved to Tears with Happiness Reuniting with His Child from Ex-Wife Janice de Belen /lo
Veteran actor John Estrada recently had an emotional moment when he was reunited with his child, resulting in a heartfelt…
Chef Gordon Ramsay Impressed by the Cooking of Judy Ann Santos and Ninong Ry /lo
In a surprising and delightful twist, world-renowned chef Gordon Ramsay has expressed his admiration for the culinary skills of two…
Gerald Anderson Announces Wedding Plans with Julia Barretto – Fans Can’t Believe the News! /lo
Gerald Anderson to Marry Julia Barretto Very Soon! “I’m 35 years old; malapit-lapit na po akong magpakasal,” said Kapamilya actor…
Judy Ann Santos, Ninong Ry prepare halo-halo for Gordon Ramsay in mini ‘MasterChef’ challenge /LO
Judy Ann Santos on making halo-halo for Gordon Ramsay: ‘So grateful for the experience’ Photo credit to @officialjudayph Instagram Judy…
OMG! Rudy Baldwin Issues SHOCKING Warning to Ivana Alawi, Which Is… /lo
Maris Racal, Ivana Alawi at center of Rudy Baldwin’s chilling 2025 predictions? Estimated read time3 min read A composite photo…
End of content
No more pages to load