Sam Milby, naiyak sa FTWBA nang pag-usapan ang hiwalayan nila ni Catriona Gray



– Sa teaser ng Fast Talk with Boy Abunda para sa Marso 3, makikitang naiyak si Sam Milby na siyang bisita para sa araw na iyon

– Ito ay dahil sa ibinuhos na nito ang kanyang emosyon sa pagbibigay detalye ng hiwalayan nila ni Catriona Gray

– Matatandaang engaged na ang dalawa subalit hind na natuloy pa sa kasalan

– Kamakailan lamang, sa concert ni TJ Monterde kung saan parehong nanood sina Sam at Catriona, nag-viral ang pag-iyak ng beauty queen sa isang awitin sa gabing iyon

Masasabing talagang kapana-panabik ang Fast Talk with Boy Abunda sa darating na Marso 3.

Sam Milby, naiyak sa FTWBA nang pag-usapan ang hiwalayan nila ni Catriona Gray
Photo: Fast Talk with Boy Abunda
Source: Facebook

Ito ay dahil sa ibinahaging teaser ng programa kung saan makikitang naiyak si Sam Milby na siyang panauhin sa araw na iyon.

Sa teaser, nasambit ni Sam ang mga katagang “It’s been rough…” “It wasn’t only mag-boyfriend, girlfriend kami.” “We we’re engaged,” aniya.

Kapansin-pansin din ang mga luhang hindi napigil ni Sama sa maituturing nakauna-unahang pagkakataon na ibinuhos na ang kanyang emosyon para pag-usapan ang sinapit ng relasyon nila ng beauty queen.

Kung paano nila ginulat ang publiko sa kanilang relasyon, ganoon din ang panggugulat nila nang lumabas ang napapabalitang hiwalayan ng dalawa.

Samantala, narito ang kabuuan ng nasabing teaser:

Si Sam Milby ay produkto ng Pinoy Big Brother Season 1 noong 2005. Matapos na makalabas bilang housemate ni Kuya, pinasok na niya ang mundo ng showbiz kung saan kabi-kabilang mga pelikula at teleserye ang kanyang kinabilangan at pinagbidahan. Sa ngayon, aktibo pa rin si Sam sa pelikula man o telebisyon. Isa sa mga pinakabago niyang proyekto ay ang ‘Saving Grace.’

Si Catriona Gray naman ay isang Filipino-Australian actress at model na ipinanganak noong January 6, 1994. Nakasali na siya sa Miss World 2016 bago pa man nasungkit ang korona sa Miss Universe noong 2018.

Nobyembre ng nakaraang taong 2023, halos dalawang taon na ang nakalilipaas, nang magbahagi si Sam ang ilang detalye ukol sa kasal nila ni Catriona. Aniya, intimatë wedding daw ito at kitang-kita ang excitement sa kanya habang sinasabing nais nilang ma-enjoy muna talaga ang buhay may asawa bago pasukin naman ang buhay ng pagiging isang magulang.

Sa kabila ng mga kuro-kuro na tila hiwalay na sina Catriona at Sam, ilang larawan pa rin ang lumabas sa social media ang lumabas, patunay na sila pa rin ay nagkakasama. Isa na rito ang sweet photo nila nito lamang Pebrero 9 noong nakaraang taon 2024 kung saan marami ang kinilig sa ‘back hug’ ng aktor sa kanyang fiancée.

Mahigit isang taon ang lumipas nang kumpirmahin mismo ni Sam na tapos na ang relasyon nila ng beauty queen. Matatandaang sa concert ni TJ Monterde kamakailan kung saan hindi man sila magkasama ay pareaho silang dumalo. Hindi napigilang maiyak ni Catriona sa awiting “Hanggang Dito nalang.” Sinasabing, nadama umano ni Catriona ang mensahe ng kanta na tila sumasalamin sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Sam. Si Sam na naroon din,ay ilang upuan lamang ang layo mula kay Catriona.