Marc Nelson speaks out after being embroiled in Maggie Wilson-Victor Consunji legal battle…

Posted by

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji
Photo courtesy: Maggie Wilson, Marc Nelson, and Victor Consunji (IG)

Naglabas ng opisyal na pahayag ang TV host na si Marc Nelson kaugnay ng kasuhan ng “dating” mag-asawang sina Maggie Wilson at Victor Consunji tungkol sa anak nilang si Connor.



Ayon kay Marc, “welfare” lamang daw ng bata ang kaniyang iniisip kaya siya tumestigo laban kay Maggie, at sa panig naman ni Victor. Si Marc ay ninong sa binyag ni Connor.

Nagkaroon daw sila ng one-on-one conversation ng inaanak, at dito raw ay sinabi sa kaniya ng bata ang tunay na nararamdaman sa “away” ng mga magulang sa social media.

“In a one-on-one conversation, he expressed to me how upset he has been about the social media posts his mother has made concerning him during the dispute between his parents. He specifically shared that these posts place him in an uncomfortable position, drawing unwanted attention and questions from both peers and adults — attention he neither likes nor wants,” anang Marc na isang Burmese-Australian.

Kaya nang ipatawag siya ng korte para sa pagdinig hinggil sa petisyong Temporary and Permanent Order na inihain ni Victor laban kay Maggie para huwag niyang makausap ang anak, sinabi lamang daw ni Marc kung ano ang sinabi naman sa kaniya ng inaanak.

Matatandaang noong Linggo, Enero 19, ipinamalita ni Maggie sa kaniyang Instagram stories ang tungkol sa pagbasura ng korte sa inihaing petisyon ng dating mister.

Dito ay nabanggit niya ang pangalan ni Marc Nelson.

“Despite several testimonies including the likes of Marc Nelson, who testified his knowledge on behalf of the petitioner Victor Consunji of how my son suffered emotional stress, anxiety, and annoyance due to me, were all denied by the family court of the Republic of the Philippines,” anang Maggie sa kaniyang Instagram stories.

News

Rico Blanco, Napahagalpak sa ‘Kababuyan’ nina Maris Racal at Anthony Jennings sa Showtime! (VIDEO)

Isang hindi malilimutang tagpo ang naganap sa It’s Showtime nang si Rico Blanco ay mapahagalpak sa tawa dahil sa mga…

Lotlot de Leon Breaks Silence: Does She Approve of Jericho Rosales for Janine Gutierrez? 😱

Does Lotlot de Leon approve of Jericho Rosales for Janine Gutierrez? Courtesy @ms.lotlotdeleon and @jerichorosalesofficial IG MANILA  —  Veteran actress…

🔴 AGA MUHLACH, TANGGAP NA NIYA ANG PAGBUBUNTIS NI ATASHA MUHLACH KAY VICO SOTTO! 🔴

Isang napaka-espesyal na balita ang umuusbong sa mundo ng showbiz! Si Aga Muhlach, ang kilalang aktor at ama, ay tila…

Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli Proudly Announced This BIGGEST Surprised❤️Sarah & Matteo Congrats (VIDEO) (TR)

Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli Proudly Announced This BIGGEST Surprise ❤️ Sarah & Matteo Congrats (VIDEO) Isang malaking balita ang…

Umano’y hiwalayan nina Angel Locsin at Neil Arce, dahilan daw ng pananahimik ng aktres?

  Napansin ng maraming fans ni Angel Locsin ang mahigit tatlong buwan nang pananahimik ng Kapamilya actress sa social media,…

Cristy Fermin Shocked by Shocking Gossip About Angel Locsin (VIDEO)

Veteran showbiz columnist Cristy Fermin has expressed her surprise and disbelief after uncovering a shocking piece of gossip about actress…

End of content

No more pages to load

Next page