Mommy Min Bernardo, may paalala sa fans ni Kathryn: “Huwag kayo masyado naniniwala sa fake news”
– “Huwag kayo masyado naniniwala sa fake news”- ito ang naging pahayag ni Mommy Min Bernardo nang hingan ng mensahe para sa fans ng kanyang anak na si Kathryn Bernardo
– Sa isang maiksing video clip na binahagi ng Tita Long Gumatay Showbiz Short Stories FB page, sinabi ni Mommy Min na kilala niya ang mga fans ng anak
– Wala naman itong binaggit kung ano ang tinutukoy niyang fake news ngunit nagiging mainit na usap-usapan ngayon ang umano’y pagkakabati nina Kathryn at ex boyfriend nitong si Daniel Padilla
– Maging si Xian Gaza ay may post patungkol sa umano’y pagkakabati ng dating magkasintahan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagbigay ng mensahe si Mommy Min Bernardo para sa mga fans ng kanyang anak na si Kathryn Bernardo, kung saan hinimok niya ang mga ito na huwag agad maniwala sa mga kumakalat na balita. “Huwag kayo masyado naniniwala sa fake news,” ani Mommy Min sa isang maiksing video clip na ibinahagi ng Tita Long Gumatay Showbiz Short Stories Facebook page.

Source: Instagram
Bagamat hindi niya direktang tinukoy kung anong isyu ang kanyang pinapatamaan, mainit na usapin ngayon ang umano’y pagkakabati nina Kathryn at dating kasintahan nitong si Daniel Padilla. Ilang netizens ang nagdududa kung totoo nga ang balitang nagkaayos na ang dating magkasintahan, lalo na’t may mga cryptic posts na lumalabas mula sa kilalang showbiz personality na si Xian Gaza.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Xian, “Ang tsismis eh nagkabalikan na daw pala ang KathNiel. This is not kompirmd yet kasi isang source pa lang ang nag-i-splook sa akin. How true?”
Sa isa pa niyang post, nagbigay siya ng update na tila kumpirmado na umano ang balita. “BREAKING NEWS: Kathryn Bernardo & Daniel Padilla, nagkaayos na! Kompirmd 99.9%! Yung 0.01% ay yung germs na hindi napatay ng Safeguard! Atin-atin na lang muna at huwag na lang sana makakalabas hangga’t kinukumpirma pa natin kung sila ba ay magjowa na ulit. Salamat. Please respect their privacy,” ani Xian.
Sa kabila ng mga espekulasyon, wala pang opisyal na kumpirmasyon mula kina Kathryn at Daniel, kaya’t patuloy pa rin ang paghihintay ng kanilang fans sa anumang pahayag mula mismo sa dalawa.
Si Kathryn Bernardo ay isang sikat na aktres sa Pilipinas na kilala sa kanyang husay sa pag-arte at pagiging isa sa mga nangungunang leading ladies ng kanyang henerasyon. Ipinanganak noong Marso 26, 1996, siya ay nakilala sa kanyang pagganap bilang Mara sa remake ng teleseryeng “Mara Clara” noong 2010-2011.
Mas lalo siyang sumikat nang maging bahagi siya ng tambalang KathNiel kasama si Daniel Padilla. Ilan sa kanilang mga pinakasikat na proyekto ay ang teleseryeng “Princess and I”, “Got to Believe”, “Pangako Sa’yo”, at “La Luna Sangre”.
Bumasaga ng rekord ang “Hello, Love Again” dahil sa napakalaking tagumpay ng pelikula. Una, nalampasan nito ang “Rewind” bilang pinakamalaking kinita ng isang pelikulang Pilipino sa kasaysayan. Ngayon, ito ang kauna-unahang pelikulang Pilipino na umabot sa mahigit P1 bilyon ang kabuuang kita.
Samantala, nagbahagi si Alden Richards ng ilang nakakakilig na litrato kasama si Kathryn Bernardo habang sila ay nasa Calgary, Canada. Sa parehong post, nag-iwan siya ng mensahe ng pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanilang pelikulang “Hello, Love, Again.”
News
🔴 “KATHNIEL IS BACK!” – MOMMY MIN BERNARDO NAGSALITA NA! TOTOO NA BA ANG BALIKAN KATHRYN AT DANIEL?! (NG)
“KATHNIEL IS BACK!” – MOMMY MIN BERNARDO NAGSALITA NA! TOTOO NA BA ANG BALIKAN KATHRYN AT DANIEL?! Sa kabila ng…
SA WAKAS Zoren Legaspi Nagsalita na Tinuldukan ang Isyu sa Kanilang Kambal ng Asawang si Carmina (NG)
SA WAKAS❗ Zoren Legaspi Nagsalita na ❗ Tinuldukan ang Isyu sa Kanilang Kambal ng Asawang si Carmina Isang malaking balita ang lumabas mula…
Nagsalita na si Whamos tungkol sa netizen na naghamon sa kanya na ipa-DNA ang sarili niyang anak!😱 (NG)
Whamos on the challenge to have their child’s DNA test: If it matches, we’ll go to jail Social media personality…
SHOCK: Xian Gaza confirms the reason Kathryn Bernardo and Daniel Padilla reconciled. Matindi ang reaksyon ng mga netizens😱😱 (NG)
Xian Gaza Confirms Kathryn Bernardo and Daniel Padilla Have Reunited Social media personality Xian Gaza has continued to spread rumors…
HORROR: Milyon-milyon ang iniwan ni VIC SOTTO kay MAINE at sa kanilang mga anak. Nakakaloka ang totoong dahilan.😱😱 (NG)
A shocking news has just exploded throughout the entertainment world! **Vic Sotto**, a powerful star of the Philippine entertainment industry,…
Carmina Villaroel sa DNA TEST ni Mavy Legaspi kay Aga Muhlach SINIWALAT NA! (VIDEO) (NG)
In an unexpected twist, actress Carmina Villaroel has revealed details about a DNA test conducted between Mavy Legaspi and actor…
End of content
No more pages to load