Philmar Alipayo sa mga isyung kinasasangkutan: Totoo lahat ‘yun

Philmar Alipayo sa mga isyung kinasasangkutan: Totoo lahat 'yun

KINUMPIRMA ng surfer na si Philmar Alipayo ang mga kumakalat na balita tungkol sa relasyon nila ng dating aktres at vlogger na si Andi Eigenmann.



Sa pamamagitan ng kanyang Instagram story nitong Sabado nang madaling araw, February 8, nagsalita na ang surfer tungkol sa isyung kinasasangkutan niya.

“Kon ono may galing ijo mga nabasahan koman tinood jaon. Waya nay tagoay kay mas malisod,” saad ni Philmar usung his native language.

(Kung anuman ang nabasa mo, totoo lahat ‘yun. Hindi ko na itatago dahil mas mahirap ‘yun.)

 

Kasunod naman nito ang cryptic post ni Andi na, “They stab you and pretend they are the ones bleeding.”

Tila hindi pa tapos si Philmar dahil muli itong nag-post sa kanyang Instagram story.

“Kilaya man kamo kun ono ako na pagka tawo. So segoro kilaya sab kamo kon ona cja. Dili na nato taason an tanan,” pagpapatuloy niya.

Sa tagalog, sinabi ni Philmar na, “Kilala mo na kung sino ako kaya malamang kilala n’yo na rin sino siya. Hindi ko na kailangang ipaliwanag pa.”

Sa huli ay in-address na rin ng surfer ang mga ibinabatong insulto laban sa kanya matapos lumabas ang cheating issue.

“You all can call me a cheater and ugly now. Pero salamat sa mga tawo na no message sanan ka kilaya sa ako,” pagtatapos ni Philmar

(Pwede n’yo akong tawaging cheater at pangit ngayon ngunit salamat sa totoong nakakakilala sa akin.)

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang noong 2020 nang ma-engage sina Andi at Philmar. Sila ay may dalawang anak, sina Lilo at Koa.

Noong April 2024 nang ibahagi ng dalawa ang kanilang wedding plans ngunit kinakailangan nilang i-set aside muna ang plano dahil sa pagkamatay ng ina ng aktres na si Jaclyn Jose.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.