Old interview ni Guada Guarin, lumitaw dahil sa Pepsi controversy

Guada Guarin, tahasang sinabing walang rape na naganap.
guada guarin pepsi paloma controversy
In a 2024 interview, former sexy star Guada Guarin (left and inset photo) talked about the controversial rape case of late sexy star Pepsi Paloma (right photo). “Before may kaso. Pero yung kaso na yon, na-close na. Tapos na. Ang nangyari lang, hindi na in-open sa tao na closed na. Kasi kami, nanahimik, kaya ang pagkakaalam ng tao, may kaso,’ said Guada.

Trigger warning: Mention of rape, suicide

Ang malakas na ingay na nilikha ng teaser ng The Rapists of Pepsi Paloma, ang pelikula ng kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap, ang dahilan kaya muling nabuhay ang interes ng publiko sa kasong rape na isinampa ng bold actress na si Pepsi Paloma laban sa tatlong sikat na komedyante noong Agosto 1982.



Ang mga komedyanteng inakusahan ni Pepsi ay sina Vic Sotto, Joey de Leon, at Richie D’Horsie.

Pareho nang pumanaw sina Pepsi at Richie.

Winakasan ni Pepsi ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti noong Mayo 31,1985. Siya ay 18 lamang.

Si Richie naman ay pumanaw dahil sa karamdaman, sa edad na 58, noong April 17, 2025.

Nakasaad sa mga dokumento na labinlimang (15) taong gulang lamang si Pepsi nang mangyari ang pang-aabuso umano sa Sulu Hotel, Quezon City, noong Hunyo 1982.

Kasama ni Pepsi noong araw na iyon ang kapwa sexy star na si Guada Guarin

Pero sa panayam ng Cabinet Files sa dating bold actor na si Gil Guerrero nito lamang Enero 4, 2025, sinabi niyang hindi siya naniniwalang naging biktima ng pang-aabuso si Pepsi.

Si Gil ay nagsilbi ring driver at bodyguard noon nina Pepsi at Guada habang dinidinig sa korte ang kasong isinampa ni Pepsi.

Ang tatlo ay mga alaga ng yumao na ring talent manager na si Dr. Rey de la Cruz.

OLD INTERVIEW OF GUADA GUARIN RESURFACES

Dahil wala na si Pepsi, si Guada na lamang ang makapagsasabi kung ano nga ba ang tunay na nangyari noon.

Ito rin ang dahilan kaya nais marinig ng publiko ang panig ni Guada, na matagal nang tinalikuran ang showbiz.

Ang ingay na nilikha ng teaser ng The Rapists of Pepsi Paloma ang dahilan kaya napagtutuunan ngayon ng pansin ang panayam kay Guada ng People’s Journal entertainment editor na si Eugene Asis, sa isang mall sa Quezon City, noong Hunyo 2024.

Mapapanood ang interview kay Guada sa YouTube channel ni Eugene na GenE! News PH.

guada guarin interview
Guada Guarin in a 2024 interview with entertainment editor Eugene Asis 

Photo/s: Screen grab from GenE! News PH YouTube

Labing-apat (14) na taong gulang lamang si Guada nang mangyari ang highly-publicized scandal sa Philippine entertainment industry noong Hunyo 1982.

CONTINUE READING BELOW ↓
Ruru Madrid naalala ang hirap nung “DINADAAN-DAANAN KA LANG.” | PEP Interviews

Makalipas ang apatnapu’t dalawang (42) taon, binasag niya ang pananahimik sa kanyang pakikipag-usap kay Eugene.

Hiningi ng Cabinet Files ang permiso ni Eugene para mailathala ang kabuuan ng panayam niya kay Guada, at pumayag siya.

Tinanong ni Eugene si Guada tungkol paghingi noon ng public apology ng mga inakusahan nila ni Pepsi.

Sabi ng dating sexy star, “Hindi ko na sakop yon. Siguro para matapos na lang. Yun na rin ang gusto kong mangyari.

“Sa akin, hindi ko na yon… hindi ko na iniisip. Parang iniisip ko rin para matapos na.”

Nang sabihin ni Eugene na nakakaawa ang mga taong nadamay na inosente at wala talagang kasalanan, sinabi ni Guada na hindi niya naisip ang bagay na iyon noon dala na rin ng kanyang kabataan.

Saad niya, “Wala akong magagawa dun, e.

“Unang-una pa, bata pa ako noon, e. Nung panahon na yon, siguro, iba na kasi ang pananaw ko, e.

“Sa dami ng naranasan ko sa buhay ko, ngayon ko naiisip yung bagay-bagay. Hindi yung time na yon na naguguluhan din ako.”

Read: Dating bold star Guada Guarin nagtangkang humingi ng tawad kay Vic Sotto dahil sa Pepsi Paloma controversy

GUADA GUARIN WANTed TO SPEAK UP

Ipinagtapat ni Guada sa panayam na pumasok sa isip niyang magsalita tungkol sa eskandalo na kinasangkutan nila ni Pepsi, lalo na sa panahon ng Internet.

Pero nangibabaw raw sa kanya ang desisyong manahimik.

“Alam mo ba na pinangarap ko rin na… pinangarap kong magsalita na ano, kaya yung ano, lalo na yung uso na yung Internet.

“Sabi ko, sana dumating yung time na malinaw ko ito. Inano ko ito, e, winish ko ito. Kaya sabihin na, ginusto ko ‘to mangyari,” pagtatapat ni Guada.

Pagpapatuloy niya: “Ano lang ako, e, umano lang ako ng pagkakataon. Humanap lang ako ng pagkakataon.

“Kasi ilang taon na rin. Bibilang na lang ako ng ilang taon, sixty [years old] na ako, di ba?

“Yung habang tumatagal, kung ano yung dapat ayusin mo, ayusin mo.

“Para matapos na rin yung, kahit wala na ako sa showbiz, kapag nalaman nilang ako si Guada, sinasabi nila na ‘Huy, totoo ba ito? Yung ano, yung ganoon-ganoon?’

“Ako, umiiwas na lang. Lagi ko na lang sinasabi, ‘Tapos na yun, e. Yung iba lang kasi nagpapalaki [ng isyu]. Ako ba nagpapalaki?’”

Dagdag ni Guada, “Iba yung sistema, iba rin yung galawan, palala nang palala.

“Kasi yung mga kabataan ngayon, halos hindi na nila yun alam, e.

“Kung sa ano, naguguluhan sila. ‘Ano ba ito? Paninira lang ba ito, ganyan-ganyan.’”

Read: Former bold star Coca Nicolas nagsalita tungkol sa nalalaman niya sa Pepsi Paloma controversy

Tulad ni Gil, tahasang sinabi ni Guada na walang rape na nangyari noon kay Pepsi.

Pahayag ng dating sexy star: “Oo, ako na ang nagsasabi [walang rape na nangyari].

“Before may kaso. Pero yung kaso na yon, na-close na. Tapos na.

“Ang nangyari lang, hindi na in-open sa tao na closed na.

“Kasi kami, nanahimik, kaya ang pagkakaalam ng tao, may kaso.

“Kasi ako ang umiwas, e. Parang binalewala rin namin yung media. Actually, yun ang nangyari.

“Saka isa pa, hindi naman kami nakilos nang amin lang. May manager kami, di ba? Hindi kami ang nagdedesisyon kung kailan kami iinterbyuhin.”

Sa naturang panayam din ay inamin ni Guada na nagkaroon sila ng relasyon at isang anak na babae ng nobelista at direktor na si Carlo J. Caparas, na sumakabilang-buhay noong Mayo 24, 2024.