Angel Locsin, inactive sa social media pero nag-e-enjoy daw bilang maybahay ayon kay Ogie Diaz
PHOTO: @therealangellocsin on Instagram; INSET: @theogiediaz on Facebook
Ayon kay Ogie Diaz, suportado raw niya si Angel Locsin kung ano man ang pasya nito sa buhay at kung saan ito may peace of mind gaya ng pagha-hiatus nito ngayon sa social media. “Ganu’n lang ang buhay. Kung saan ka masaya basta hindi ka nagugutom, may sapat kang ipon, ’yong financial stability. Lalo na ’yong emosyon sa panahon ngayon, ’yong mga mental health issues,” ani Ogie.
Sinagot ng comedian-vlogger and showbiz insider na si Ogie Diaz ang tanong ng mga fans kung nasaan na ngayon si Angel Locsin.
Nangyari ito sa recent episode ng online show n’ya kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh.
Marami kasing fans ang naghahanap sa aktres sa previous post nila kaya naman minabuting sagutin ito ni Ogie nang makakalap na s’ya ng impormasyon tungkol sa aktres.
Kung titingnan kasi, ang huling post si Angel sa Instagram ay noon pang August 2022 noong dumalo ito sa baby shower party ni Angelica Panganiban.
August last year din nang huling mag-post sila ng mister n’yang si Neil Arce ng vlog entry nila sa kanilang The Angel & Neil Channel sa YouTube.
Nitong nakalipas na August naman ang huling Instagram post ni Neil pero kapansin-pansing hindi rin n’ya kasama si Angel sa mga recent posts n’ya.
Dahil dito, may mga fans umano na nagtatanong kung nasaan na si Angel ngayon, kung buntis na raw ba s’ya kaya naka-hiatus s’ya sa social media, o hiwalay na ba sila ni Neil?
May mga nag-i-speculate din na baka umano way ito ng aktres para surpresahin ang kanyang fans na sexy na s’yang muli.
Ayon kay Ogie Diaz, who has a direct line to Angel, intentional umano ang pagiging absent ni Angel sa social media.
“Si Angel Locsin po ay nasa bahay, oo. At ine-enjoy ni Angel Locsin ang kanyang absence sa social media. Ayaw n’ya munang mag-social media,” lahad ng comedian-vlogger.
Hindi rin daw totoo ang tsikang hiwalay na sila ng mister nito at hindi rin umano ito buntis.
“Sila pa rin ni Neil Arce. Hindi naman komo hindi nagpo-post si Neil, e, hindi na sila. Sila pa rin po,” saad pa ni Ogie.
“Ine-enjoy n’ya lang ang kanyang pagiging maybahay kay Neil Arce. S’yempre, gumagalaw pa rin ng cellphone si Angel. Naaaliw s’ya sa mga [mobile] games,” dagdag n’ya.
Hiling pa ng showbiz insider, wag nang urutin pa ang aktres at hayaan na lang ito kung doon ito masaya.
“Ibigay natin kay Angel Locsin ’yon. ’Yon ang gusto n’ya, e,” aniya.
Kinumusta naman ni Loi kay Ogie ang sinasabing pagpapakondisyon ni Angel ng katawan.
“Sabi ng aking source ay ganu’n pa rin naman. Basta happy si Angel Locsin na s’ya ay maybahay o taong bahay,” sagot ni Ogie.
Masaya raw itong nakapirmi sa bahay sa ngayon matapos ang ilang taong pagbabanat nito ng buto during her younger years.
“Ine-enjoy ni Angel ’yon kasi kung maalala mo, Loi, nu’ng kanyang kabataan talagang bugbog sa trabaho si Angel,” paliwanag ni Ogie.
“Samahan pa ’yan ng pag-aalaga n’ya ng kanyang tatay. ’Yong tatay n’ya ang alam ko nasa kanya din. Hands-on s’ya sa pag-aalaga sa tatay n’ya,” dagdag pa n’ya.
Sey naman ni Mama Loi, abangan na lang daw dahil baka naman imbitado ang Kapamilya actress sa upcoming ABS-CBN Ball. Baka doon ay muli nang masilayan ng mga fans ang kanilang idolo.
“Naku, ’Nay. Abangan natin ’yan. For sure, imbitado s’ya sa ABS-CBN Ball. A-attend kaya s’ya?” tanong ni Mama Loi.
“’Yan ang itatanong natin. Baka din hindi, hindi s’ya um-attend,” sagot ni Ogie.
Ilang malalaking social gathering na rin kasi sa showbiz nitong mga nagdaang taon ang pinalagpas ni Angel.
Ganu’n pa man, suportado raw n’ya kung ano man ang gustong gawin ng aktres.
“S’yempre, wini-wish natin kay Angel Locsin na i-enjoy n’ya lang ang kanyang pag-a-absent sa social media,” aniya.
“D’yos ko! Alam mo, ang daming hindi nakakagawa nu’n, ’yong walang cellphone sa tabi. Parang ikamamatay nila,” he added.
Sinegundahan naman ito ni Mama Loi.
“Deserve mo ’yan, Ms. Angel, kung ’yan ang choice mo. Full support kami d’yan,” pahayag nito.
“Ganu’n lang ang buhay. Kung saan ka masaya basta hindi ka nagugutom, may sapat kang ipon, ’yong financial stability… Lalo na ’yong emosyon sa panahon ngayon, ’yong mga mental health issues,” punto pa ni Ogie.
“Importante din na alagaan ni Angel ang kanyang sarili at hanapin n’ya kung ano ang kapayapaan ng kanyang kalooban,” pagtatapos n’ya.
News
Dimples Romana Reveals the Truth: Angel Locsin’s Help Never Stops – Even When She’s Out of the Public Eye!
Dimples Romana, tiniyak na patuloy na tumutulong si Angel Locsin kahit wala ito sa limelight; “Hindi ’yan MIA [missing in…
Francis Magundayao’s Request to Work With Angel Locsin Again Sparks Controversy – What’s Really Going On?
Francis Magundayao, gustong maka-trabahong muli si Angel Locsin PHOTOS: @FrancisThe79th & @AngelLocsin on Facebook Bata pa si Francis Magundayao…
YOU WON’T BELIEVE IT! Christopher de Leon Opens Up About His Separation from Andy Andolong—The Reason Behind Their Split is More Shocking Than You Think! Discover the Secrets They’ve Been Hiding for Years, and the Truth Will Definitely Surprise You! /lo
Christopher de Leon and Sandy Andolong: A Story of Love, Challenges, and Resilience Christopher de Leon, a respected actor in…
Unbelievable Reunion: Nora Aunor and Christopher de Leon’s Children Reunite for a Mysterious Reason – The Truth Revealed! /LO
Family Reunited: Nora Aunor and Christopher de Leon’s Children Come Together Following a Heartfelt Wish In a heartwarming turn of…
WATCH NOWL: Liza Marcos Allegedly Detained in the US: Palace Breaks Silence and Denies the Shocking Rumor!/lo
Liza Marcos Allegedly Detained In US, Palace Releases Statement Palace denied this rumor about FL Liza Marcos Allegations surfaced that…
BREAKING NEWS!!! Sen. Robin Padilla Fears PBBM! Is Quiambao Going to Be Arrested, Jail Awaiting Him! /lo
Robin Padilla says Quiboloy ‘not even once’ asked money from him Apollo Quiboloy, the self-proclaimed “Appointed Son of God”…
End of content
No more pages to load