Atasha Muhlach shares the surprise of a lifetime: her unexpected engagement to Vico Sotto! /LO

Posted by

Atasha Muhlach, nabuntis daw ni Mayor Vico Sotto?

Tinalakay ni showbiz insider Ogie Diaz sa July 31 episode ng “Ogie Diaz Showbiz Update” ang mga kung ano-anong tsika at intrigang ibinabalita ng mga kung sino-sinong vlogger patungkol kina Atasha Muhlach at Pasig City Mayor Vico Sotto.



May mga vlogger daw kasi na nagbabalitang kesyo nabuntis daw ni Mayor Vico si Atasha, at may bersyon pang niregaluhan daw ng singsing ng alkalde ang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales at handa na siyang pakasalan. Sinasabi pa raw sa napanood na vlog ni Ogie na botong-boto raw si Aga para kay Vico para kay Atasha.

Personally daw ay nakausap ni Ogie si Atasha sa sitcom na kinabibilangan nito sa TV5, at nilinaw ng actress-TV host na pati siya ay nagtataka kung saan nanggagaling ang mga kuwentong pinapakalat patungkol sa kanila ni Mayor Vico. Unang-una raw, ni hindi pa nga raw sila nagkikita nang personal ni Mayor Vico bagama’t ang tatay nitong si Vic Sotto ay kasamahan niya bilang Dabarkads sa “Eat Bulaga” sa TV5. Ang nakakaharap pa lang daw niya ay sina Oyo Boy Sotto at misis nitong si Kristine Hermosa, gayundin ang kapatid ni Oyo na si Danica Sotto.

Sa huli, pinagdiinan ni Ogie na ang mga ipinapakalat ng vloggers ay fake news.

 

Tsika at Intriga
'Papakulong kita!' Ex ni Karla Estrada, nambugbog ng jowa?

‘Papakulong kita!’ Ex ni Karla Estrada, nambugbog ng jowa?

 

“Wala nga silang sources, wala silang pinagkuhanan ng balita, kaya huwag na huwag kayong maniniwala diyan ha,” babala pa ni Ogie.

Pero kung tutuusin, kung pareho namang single sina Atasha at Mayor Vico, wala naman daw sanang magiging problema, pero ang problema nga, hindi naman totoo at ni hindi pa nga sila nagkakaharap nang personalan, nakakaloka!

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Mayor Vico patungkol sa isyung ito.

News

HOT NEWS: Matteo Guidicelli’s heartwarming tribute to culinary icon Margarita Forés has left fans in shock, causing an uproar across social media! /LO

Matteo Guidicelli, may nakakaantig na tribute para kay Pinay culinary icon Margarita Forés – Matteo Guidicelli is grieving over the…

Shocking News: Jellie Aw, now a DJ, was reportedly attacked by Jam Ignacio and taken to the hospital…/LO

DJ na si Jellie Aw, pumunta sa hospital matapos umanong bugbugin ni Jam Ignacio – DJ Jellie Aw was rushed…

SHOCKING REVELATION! The true reason behind Janella Salvador’s decision not to pay her father’s salary is finally out! /lo

Exposed! The Real Reason Janella Salvador Did Not Pay Her Father In a surprising revelation, actress Janella Salvador has come…

5 Celebrities Who Are Kind to Their Household Staff! /LO

Mga Artistang Mabait sa Kanilang Mga Kasambahay Hindi lahat ng artista ay kilala lamang sa kanilang mga talento sa harap…

Celebrities Who Are Children of Billionaires | Wealthy Before They Became Famous! /LO

Celebrities Who Are Children of Billionaires | Wealthy Before They Became Famous! In the world of entertainment, many stars have…

5 Celebrities Who Are Sweet on Camera but TOTALLY Fierce with Their Staff! Part 2 /LO

5 Kind Celebrities in Front of the Camera but Tough on Their Staff! Part 2 In the world of entertainment,…

End of content

No more pages to load

Next page