Fans ng JaDine (James Reid-Nadine Lustre), wasak sa pagbebenta ni James ng bahay na maraming “Nadz memories.”

“Grabe nakakaiyak,” say ng isang JaDine fan sa realidad na ibinebenta na ni James Reid ang kanyang bahay kung saan sila nagsama noon ni Nadine Lustre.



Photos: @james / @jadinefactor_

“Grabe nakakaiyak,” say ng isang JaDine fan sa realidad na ibinebenta na ni James Reid ang kanyang bahay kung saan sila nagsama noon ni Nadine Lustre.

Ibinebenta na ni James Reid ang kanyang bahay—o p’wede na ring tawaging mansion—sa Quezon City.

Actually, February 2020 pa nagsimulang ipa-anunsyo ni James ang pagbebenta ng bahay. Mas blatant lang this time dahil si James na ang personal na nag-anunsyo by posting pictures ng key parts ng reportedly ay seven-room na bahay niya. Talaga namang ang ganda pala ng interiors nito at unique din ang exterior. It was earlier appraised at P80M-plus.

Sabi ni James sa caption: “My house is for sale! Loyola Grand Villas, Katipunan. Slide for more pics.  Contact my assistant Penelope for more details on +639278369466.”

Biro naman ng isang commenter, na may IG account na @teatwy, “ur house is 80 million James I only have 80 pesos HAHAHAHA”

Unang pumasok sa isipan namin nang makita namin ang post ni James ay ang ex-girlfriend niyang si Nadine Lustre. Matagal na nagsama ang dalawa sa nasabing bahay. Paano na ang memories?

Nang basahin nga namin ang mga comments ng netizens, ay halos pareho rin ang naiisip ng mga ito.

Maraming fans ang nanlumo dahil pag nabenta raw ay kasamang mabubura ang mga alala ng minahal nilang loveteam.

“Naiiyak ako. Parang lahat ng anggulo may pic si Nadz,” saad ng isang fan.

“No more Jadine na ba talaga?” tanong ng isa pa.

“Whoever will buy this house is not buying just a house, he’s buying memories,” hirit ng isa.

“I’m broken hearted the loveteam that I was so proud of and believe on our forever…” ma-emo namang dagdag ng isa pa.

“Halos lahat ng pics ni Nadine nandito,” deklara ng isang sumubaybay din sa JaDine loveteam.

“Grabe nakakaiyak,” says another fan.

“Bakit ang sakit sakit James?” usig ng isa. “Part of moving on and letting go na ba itey?”

Suggestion naman ng isa: “Wag mo ng benta. Gawin niyo na lang- Jadine museum.”

January 2020 nang makurpirmang hiwalay na sina James at Nadine after four years of being a couple.

Nitong mga nakaraang buwan, very visible na si Nadine kasama ang rumored boyfriend nitong Filipino-French businessman na si Christopher Bariou.