Bea Alonzo, ‘di nagpatalo sa viral ‘kissing’ video ng ex- fiancé na si Dominic Roque at Sue Ramirez?



Nasa bibig na naman ng mga Marites ang pangalan ni Bea Alonzo matapos itong mag-post sa Instagram noong November 10 kasama ang non-ShowBiz guy na si Joset Fores. Ang mainit na katanungan ng madla, nagkataon lang o ayaw niyang magpatalo sa ex-fiancé?


advertisement

Nitong November 8 kasi, nag-viral ang video nina Dominic Roque at Sue Ramirez kung saan makikita silang naghahalikan sa isang bar sa Siargao. May ilan namang nagsabi na ito’y bahagi lamang ng truth-or-dare challenge ng kanilang mga kaibigan.

Ilang araw matapos lumabas ang video ng DomSue, nag-post naman si Bea ng larawan kasama si Joset kung saan pansin ang kanilang pagiging “sweet and cozy.” Sa pagkalkal ng mga YesPren ay lumutang din ang larawan ng dalawa noong October 13 na parang nasa bar.

Matatandaang nag-propose si Dominic kay Bea noong 2023 at nakatakda sanang ikasal ngayong taon. February 6 nang kumpirmahin ng dalawa na hindi na matutuloy ang kanilang kasal dahil hiwalay na sila.

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang ex-boyfriend ni Sue na si Mayor Javi Benitez, na nagsabing “no hard feelings” ang kanilang hiwalayan matapos ang limang taong relasyon.