Bea Alonzo, itinangging engaged na sila ni Dominic Roque

Hindi daw totoo ang haka-haka na engaged na sina Bea Alonzo and Dominic Roque. Throwback photos daw kasi ang mga ipinost ng boyfriend ng aktor sa Instagram na kinunan noong magbakasyon sila sa Amanpulo Island sa Palawan. 

PHOTOS: @dominicroque on Instagram

Hindi daw totoo ang haka-haka na engaged na sina Bea Alonzo and Dominic Roque. Throwback photos daw kasi ang mga ipinost ng boyfriend ng aktor sa Instagram na kinunan noong magbakasyon sila sa Amanpulo Island sa Palawan.

Binigyang-linaw ng aktres na si Bea Alonzo ang usap-usapang sa social media engaged na sila ng boyfriend n’yang si Dominic Roque.

Umugong kasi ang bali-balitang engaged na umano sila dahil sa series of photos na ipinost ng aktor sa Instagram kamakailan.

Dahil nga cozy and sweet sila sa kanilang seaside photos, marami sa kanilang online followers ang naintriga at nagtanong sa comment section kung nag-propose na ba ng kasal si Dom.

“Hindi pa po. Hindi pa,” paglilinaw ni Bea sa intriga nang ma-interview s’ya ni GMA reporter Lhar Santiago tungkol dito na ipinalabas kagabi, June 7, sa 24 Oras.

Throwback photos daw ang mga ipinost ng nobyo n’ya na kinunan noong magbakasyon sila sa Amanpulo Island sa Palawan.

“Picture ’yon nu’ng nagpunta kami sa Amanpulo a few years ago. Si Dom kasi mahilig s’ya mag-late post ng mga photos na akala ng mga tao na-engage kami. Hindi pa po. Hahaha!” natatawang pagtutuwid ni Bea.

Samantala, busy ngayon ang Kapuso actress sa kabi-kabilang projects.

Maliban kasi sa ongoing production nila para sa Love Before Sunrise, ang teleserye nila ni Dennis Trillo na collaboration project ng GMA Network at Viu, kabilang din si Bea sa upcoming talent competition na Battle of the Judges.

“Kasama ko dito si Tito Boy [Abunda], Ms. Annette [Gozon-Valdes], and si Jose Manalo,” lahad n’ya.

“Alam ko these are all amazing judges. They’re all smart and ang dami na rin nilang na-achieve sa kanilang mga karera so I am humbled to be a part of the panel,” saad pa n’ya.

“I’m very, very excited about this opportunity and experience. In fact, meron na kaming list of contestants na napili. Kasi kanya-kanyang team ’yan, ’di ba? ’Yong Team Bea, almost ready to go na,” pagtatapos ni Bea.

Mapapanood ang Love Before Sunrise and Battle of the Judges soon on GMA Network.