John Lloyd Cruz, ginamit lang daw ni Bea Alonzo sa loob ng 20 years; aktres, nag-react
Hindi pinalampas ni Kapuso actress Bea Alonzo ang mga hirit ng kanyang bashers at ginawan pa ito ng sariling content sa kanyang pinakahuling YouTube upload.
Nag-react ang aktres sa mga “mean tweets” sa kanyang latest content nitong Sabado, Marso 12. Sinimulan ng aktres ang paratang na iniwan niya ang kanyang home network, ang ABS-CBN at ang Star Magic matapos nito “madapa” kasunod ng kanyang pag-o-ober da bakod noong 2021.
“Nadapa lang ang nag-alaga sa’yo, iiwan mo na lang. Hindi ba pwede na aakayin mo para makabangon?” saad ng netizen.
Tugon ni Bea, s’yempre alam mo madali sa ’tin magcomment ‘di ba kapag hindi natin alam ang nangyayari. Well, I acknowledge your comment. You are entitled to your own opinion but that doesn’t make it true,” saad ni Bea.
Pelikula
Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!
Muli pang humirit ang isang comment ng netizen sa parehong isyu na sinagot din muli ni Bea.
“Alam mo hindi siya madaling desisyon, super tagal kong pinag-isipan and I have my own reasons for it. I wish maisa-isa ko sayo pero hindi ko na kailangan gawin. I don’t have to explain myself,” ani Bea.
Isang mahabang komento naman ang sunod na binasa ni Bea kung saan giit nito na ginamit lang umano niya ang kanyang on-screen partner na si John Lloyd Cruz para sa publicity sa loob ng 20 taon.
“Magkasama kami sa 20 years so parang in a way we both benefitted from the partnership, for me it’s a partnership more than anything,’’ agad na reaksyon ni Bea.
“It’s a friendship, and sa friendship pareho kayong nagbebenefit dun, it’s not a one-way treat,” dagdag ng aktres.
Pinabulaanan din niya ang punto ng netizen na nagpapagamit umano siya sa boyfriend na si Domique Roque.
“Kapag nagka-jowa ako, ibig sabihinh, ginagamit lang ako o ginagamit lang ako. Sana okay ka, kasi okay kaming lahat,” natatawang reaksyon na lang ni Bea.
Hindi rin nakaligtas ang aktres sa kanyang brand new appearance sa All Out Sunday kung saan una siyang napanuod at napakinggang kumanta. Ayon sa isang netizen, nakakairita umano ang boses ng aktres.
“True din naman,” saad ni Bea na hindi mapigilang matawa.
“Ako rin naman ayoko ding kumanta. Pero ganon talaga ang buhay, it’s part of the job so pasensya na,” natatawang sabi ni Bea.
News
Kylie Padilla Almost in Tears as She Sees Her Children Reunite with Aljur Abrenica ❤️ /lo
Kylie Padilla Almost in Tears as She Sees Her Children Reunite with Aljur Abrenica ❤️ In a heartwarming turn of…
Sanchai Passes Away at 48 Due to Exposure to Large Crowds? /lo
Sanchai Passes Away at 48 Due to Exposure to Large Crowds? A shocking and heartbreaking piece of news has surfaced…
Barbie Hsu Passes Away: Cause of Passing Revealed /lo
The entertainment world has been shaken by the tragic news of Barbie Hsu’s passing. The beloved actress and television personality,…
Liza Soberano unfollows Sina James Reid and Issa Pressman.
Liza Soberano In-unfollow Sina James Reid, Issa Pressman Usap-usapan ng mga netizen ang tila pagkaka-unfollow ni Liza Soberano sa…
Xian Gaza shares a meaningful message following Barbie Hsu’s shocking and unsettling passing, leaving the public in turmoil. /lo
Xian Gaza Shares Meaningful Message After Barbie Hsu’s Untimely Passing Xian Gaza Heartfelt Message to Netizens Following Barbie Hsu’s Tragic…
Barbie Hsu’s sudden de@th has left Filipino fans in shock, as they flood social media with heartfelt messages, mourning the loss of the Meteor Garden star. /lo
Barbie Hsu Dies, Filipino Fans Share Heartfelt Messages Fans are shocked by the passing away of Barbie Hsu Famous Taiwanese…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply