Bea Alonzo, excited nang makatrabaho ulit si Jean Garcia
Matapos ang mahigit dalawang dekada, muling magkakatrabaho sa isang serye sina Bea Alonzo at Jean Garcia.
Nakilala na ng karakter ni Bea Alonzo na si Sam ang pamilya ng kaniyang boyfriend sa seryeng Widows’ War na si Paco Palacios, na ginagampanan ni Rafael Rosell.
Kabilang na dito si Jean Garcia na gumaganap naman bilang nanay ng aktor na si Aurora Palacios.
Sa interview ni Bea kay Aubrey Carampel para sa 24 Oras, inamin niyang excited na siyang makatrabaho ulit si Jean, lao na at huli niya umano itong nakatrabaho noong teenager pa lang siya.
“Ngayon na nakatrabaho ko siya, and I’ve always been a fan of Miss Jean, napanood natin siya sa mga tumatak na characters in the past. So, now that I’m finally working with her again, na-miss ko talaga,” sabi niya.
Samantala, nakunan na umano nina Jean at Bea ang ilan sa mga intense nilang eksena, katulad ng pag-aaway at sampalan nila. At dahil kilala ang beteranong aktres sa mga eksena ng sampalan, nag-usap muna sila umano ni Bea sa mga dapat nilang gawin.
“Si Bea, nag-usap kaming dalawa, sabi ko, ‘Bea ito ang gawin natin, ganito ganiyan,’ para merong konting sakitan, pero atleast hindi malala atsaka controlled,” sabi niya.
Pagpapatuloy ng aktres, “Nagkakaintindihan kaming dalawa kasi ‘yun talaga ang importante, respeto kasi ‘yun.”
BALIKAN ANG HIGHLIGHTS NG ‘WIDOWS’ WAR’ MEDIA CONFERENCE SA GALLERY NA ITO:
Samantala, may pasilip na rin sa iba pang mga karakter na kabilang sa pamilya Palacios na sina Glavan (Tonton Gutierrez), Rebecca (Rita Daniela), at Basil (Benjamin Alves). Ilan lang sila sa mga posibleng suspects sa magaganap na misteryosong pagpatay sa serye.
Kahit ang cast, hindi alam kung sino ang totoong may sala pero ayon kay Bea, maganda ito para sa serye “kasi it keeps us all on our toes.”
“’Yung parang nagbibigay kami ng mga reaksyon na iisipin mo kung siya ba ‘yung pumatay o hindi. Lahat merong parang darkness in them, merong tinatago,” sabi niya.
Promoted Stories
News
Yassi Nagulat Kung Paano PAPAKIN ni James Reid ang Labi ni Nadine! /lo
Bashing over James-Issa-Nadine issue causes Yassi anxiety James Reid (left) and Issa Pressman As the recent show biz intrigue involving…
Yassi Pressman Finally Confirms the REAL STATUS of Her Relationship with Coco Martin—Fans Are Shocked! /lo
Yassi Pressman Confirms Her Real Status with Coco Martin! In a surprising revelation, actress Yassi Pressman has finally opened up…
Eric Santos Admits He Wants to MARRY Angeline Quinto, and Even Mama Bob Approves of Him—Fans Are in Shock! /lo
Eric Santos Admits He Wants to Marry Angeline Quinto: Mama Bob Also Supports Their Relationship! In a surprising and heartwarming…
Matteo Guidicelli Couldn’t Handle Sarah’s Moves at Anne Curtis’ Concert—Fans Are in Shock! /lo
Matteo Guidicelli Can’t Handle Sarah’s Moves at Anne Curtis’ Concert! In a moment that had fans talking, actor and singer…
Pauleen Luna COLLAPSES After Learning About KRISTINE Hermosa and Vic Sotto’s Past—Fans Are Stunned! /lo
Pauleen Luna Faints After Learning About Kristine Hermosa and Vic Sotto’s Past! In a shocking and emotional turn of events,…
Ellen Adarna’s Mosquito Post Alongside Photo with Pernilla Sjoo Sparks Buzz—Fans are Talking! /lo
Mosquito Post Ni Ellen Adarna Kalakip Ang Larawan Kasama si Pernilla Sjoo Usap-usapan Nagbigay ng dahilan ng pag-uusap ang…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply