Bea Alonzo may bagong boyfriend na raw, ayon kay Ogie Diaz
MAY bagong boyfriend na raw ang aktres na si Bea Alonzo?
Ito ang isa sa topic ng “Showbiz Update” vlog nina Ogie Diaz, Mama Loi kasama si Tita Jegs na ibinandera ngayong gabi, June 13, sa YouTube channel nila.
Sinimulan muna sa blind item ni Ogie kung totoong may bagong boyfriend ang aktres na hindi na nakipagbalikan sa ex-boyfriend niya.
Bungad ni Ogie, “Nakarating lang naman sa akin kaya itatanong na rin natin dito. Una, hindi na talaga sila nagkabalikan ng ex (fiancé) niya that’s confirmed! Sabi ng source ko ay hindi na talaga sila nagkabalikan kasi may bago na…may bago na raw boyfriend ang aktres.”
Ayaw nang pangalanan sana ni Ogie ang blind item niya, pero hindi siya pinakawalan nina Mama Loi at Tita Jegs na kailangang pangalanan nito kung sino ang aktres na tinukoy.
Baka Bet Mo: Bea sa hiwalayan nila ni Dominic: ‘Hindi ako ang nakipag-break!’
Natatawa naman si Ogie kaya itinuloy na niya ang tanong, “How true na may bago na raw boyfriend itong si Bea Alonzo?”
Biglang nanahimik naman ang dalawang co-hosts ng talent manager at content creator habang pinakita sa video si Bea.
“O, hindi kayo makasagot ‘no? Bakit hindi kayo makapagsalita ngayon?” tanong ni Ogie kina Mama Loi at Tita Jegs.
Mahinang sabi ni Mama Loi, “Hindi pa nga tapos ‘yung isang isyu (sabay pakita kay Bea na nanunumpa sa finile nitong kaso laban sa sa kanila).”
Gayundin sabi ni Tita Jegs, “Hayan ka na naman! Hindi pa nga tayo nakakaraos, eh.”
Bumunghalit na tawa si Ogie kaya natawa na rin ang dalawang kasama.
“Kaya nga tinatapos ko na (pandidilat ni Ogie kina mama Loi at tita Jegs) sabi ko and with that, e, pilit kayo ng pilit, ha, ha, ha, ha, ha,” sey ni Ogie.
Sabi naman ni Mama Loi, “Namumula ako, oh?”
‘Oy, wala namang libelous do’n, ha, ha, ha, ha” tumatawang sagot ni Ogie na ikinatawa rin ng dalawa.
“Walang libelous do’n, that’s good news darling. Ibig sabihin naka-move on na si Bea kasi mayroon na siyang bagong boyfriend, eh.
“Hindi nga natin nabalitaan ‘yung kasagsagan ng panliligaw, eh. Ang nakarating lang sa akin ay mayroon na siyang bagong boyfriend,” paliwanag ni Ogie.
Tanong naman ni Tita Jegs kung nasunod ba ang three-month rule.
“I think so, kasi February, (sabay bilang), February, March, April, May, e, June na ngayon, (kaya) nasunod naman,” wika ni Ogie.
Patuloy niya, “Kung totoo man, huh? Kasi kailangan pa nating marinig ang panig ni Bea kung totoo ito. Ngayon kung totoo ito, we are so happy for Bea despite the fact na mayroon tayong isyu hiwalay ‘yun (demanda).”
“Ito magandang balita, ‘di ba? Lalo na ngayon ay okay na si Dominic (Roque) at si Bea at sila ay magkaibigan na lamang,” kuwento ni Ogie.
Tinanong ni Mama Loi kung artista ang bagong boyfriend ni Bea.
“Hindi raw! Parang Pinoy and half-foreigner (panay naman ang ohh ng dalawa). O, ‘di ba panay ‘ohh’ lang kayo wala na kayong nasabi, ha, ha, ha, ha,” nanunuksong sabi ni Ogie.
“Para walang isyu na,” sambit ni Mama Loi.
Pahabol pa ng host, “Uy, malalaman natin kay Bea ang kumpirmasyon o denial dito (isyu). ‘Yan ang hintayin natin.”
News
Mark Herras finally breaks his silence about his viral dance at a gay bar, revealing the real story behind the controversy! /LO
Mark Herras, nagsalita na tungkol sa viral niyang pagsasayaw sa gay bar – Mark Herras has finally talked about his…
Alodia Gosiengfiao fires back at the unauthorized use of her video in a gambling ad, calling out the blatant exploitation of her image! /LO
Alodia Gosiengfiao Slams Unauthorized Use of Her Video in Gambling Ad Alodia Gosiengfiao Exposes Scam Using Her Video Without Permission…
Kris Aquino makes a shocking admission, confessing that she was wrong to blame her former business partner for her condition! /LO
Kris Aquino admits mistake in blaming former business partner for condition The legal battle between Kris Aquino and her former…
SHOCK: Gretchen Barretto storms out of a press conference after uncomfortable questions about her alleged rift with younger sister Claudine Barretto! /LO
Gretchen Barretto walks out of press conference Questions about her supposed gap with younger sister, Claudine Barretto, make her feel…
Nicko Falcis stirs the pot, alleging Kris Aquino lost control and went ‘all berserk’ after ABS-CBN secured the PR rights for Crazy Rich Asians! /LO
Nicko Falcis hits Kris Aquino for trivializing her threat to his life Nicko Falcis on Kris Aquino’s P40M: ‘All investments…
WATCH NOW: Judy Ann Santos, with a heavy heart, apologizes to her mother, saying, ‘I’m sorry, Mom, because I know I wasn’t the best daughter,’ revealing a deeply emotional and honest moment of reflection. /LO
Judy Ann Santos as a daughter: “I’m sorry to mom because I know I wasn’t the best daughter.” In an…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply