Bea Alonzo Says ‘Yes’ to Dominic Roque’s Proposal… But With a Big Condition!
Bea Alonzo, o-oo na raw sakaling mag-propose si Dominic Roque…“pero alam naman niya kung ano ang mga priorities ko sa ngayon.”
Photos: BeauteDerm / @beaalonzo
Napag-uusapan na rin daw nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang tungkol sa kasal pero wala pa sa puntong seryoso na ang tungkol dito, susog ng isa pang entertainment press. “S’yempre nasa edad na rin kami ngayon. Oo naman…here and there, napag-uusapan. Pero wala pa ’yong sit-down na planning. Wala pa naman kami doon. Kasi, sa totoo lang, parang bago-bago pa rin ’yong relasyon namin.”
Masayang-masaya si Beautéderm President and CEO Rhea Anicoche-Tan dahil may idol na naman siya na naidagdag sa roster of brand ambassadors niya. This time, it’s Bea Alonzo para sa Beautéderm’s REIKO Slimaxine (diet enhancer) and REIKO Fitox (digestion enhancer) all-natural and Japan-made supplements.
Hindi nalang kasi mga beauty products ang mina-manufacture ng Beautéderm, nag-branch out na rin kasi ang patuloy na lumalagong kumpanya sa health and wellness.
At simula nang maging successful ang Beautéderm, naging panata na ni Miss Rhea Tan na kuhanin, hangga’t kaya niya, ang mga artistang iniidolo lang niya noon para maging endorser ng mga produkto niya. At hindi niya itinatagong diehard fan siya ng John Lloyd [Cruz]-Bea tandem at naka-ilang ulit niyang pinanood ang One More Chance nila. In fact, All throughout the face-to-face media launch for Bea, ay “my Basha” ang tawag niya kay Bea at hindi Bea.
Equally happy naman si Bea na mapabilang sa hanay nina Piolo Pascual, Maja Salvador, at mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na pawang mga bahagi na ng Beautéderm family.
Ito raw ang isa sa mga endorsement deal na pumasok sa kanya sa panahon ng pandemya at natutuwa siyang nalilinya na siya ngayon, at 34, sa pag-e-endorso ng mga health and wellness products.
At halata ngang in good mood si Bea during the Reiko launch. Naggo-glow ang Bea, who just arrived from Madrid, sa kaligayahan. Nabanggit nga niya na she is at her happiest state right now.
Hindi lang daw kasi ang katawan niya dini-detox using Reiko Fitox kundi nakapag-detox na siya ng mga nega sa buhay niya.
“Siguro kuntento ako diba?” panimulang tsika niya. “Parang magiging masaya ka kapag may contentment sa puso mo. If you’re grateful. And I’m grateful sa lahat ng meron ako ngayon. I have a beautiful family, I have a very good and handsome boyfriend…
“Meron din akong career na still I think I’m very happy about…I’m still getting a lot of projects that I like and right now parang nabibigyan din ako ng liberty to actually do projects that I’ve never done before. Like I have a project with Direk Erik Matti, I have a movie na globally ilalabas. So, I’m very, very excited. So, parang as if I’m also spreading my wings ngayon.”
Bukod pa sa mga nabanggit niya ang sisimulan niyang Korean adaptation teleserye sa GMA, ang Start Up with Alden Richards at ang na-postpone nilang Korean adaptation movie naman with Viva Films, GMA, and APT Entertainment.
Sa dami ng ginagawa niya, napatanong ang press kung nakahanda ba siya sakaling surpresahin siya ng “very good and handsome boyfriend” niya na si Dominic Roque ng isang wedding proposal anytime.
“Oo nga. Oh, my God,” natarantang sagot ni Bea. “S’yempre naman…I mean, hindi naman ako nandito sa relasyon para lang maglaro. Alam naman natin… s’yempre at my age, I want that also.
“Hindi rin naman ako…. sa totoo lang, ang tagal din namin nag-date bago naging officially kami saka ang tagal ko rin in-annouce, diba? Because I wanted to be sure kasi nakakahiya naman [kung] parati na lang akong nagkakamali. ‘Ano ba itong si Bea, paulit-ulit na lang…tatanga-tanga.’ Diba? Parang nakakahiya, diba?”
Kung sureness daw ang pag-uusapan ay sure na siya kay Dom.
“At sana naman sure din [siya]…I know that he’s very sure about me…pero sa bagay na yan, s’yempre I can’t speak for him. And alam naman niya na marami rin akong gagawin. Alam naman niya kung ano ’yong mga priorities ko sa ngayon.
“But yeah, kung sakaling mag-propose siya, s’yempre o-oo ako.”
Nagtilian ang entertainment press sa juicy’ng pa-sounbite na iyon ni Bea.
“Pero s’yempre diba, I’ll cross the bridge when I get there,” pahabol niya.
Napag-uusapan na raw nila ang tungkol dito, susog ng isa pang entertainment press.
“S’yempre nasa edad na rin kami ngayon. Oo naman...here and there, napag-uusapan. Pero wala pa ’yong sit-down na planning. Wala pa naman kami doon. Kasi, sa totoo lang, parang bago-bago pa rin ’yong relasyon namin.”
News
Shocking! Dingdong Dantes Stunned as Karylle Uncovers Their Hidden Past… Leaving Marian Rivera Heartbroken! 😱💔 /lo
Karylle Finally Opens Up About Past Relationship with Dingdong Dantes; Refuses to Admit Real Score with Yael Yuzon In a…
Hot News: Nora Aunor and Christopher de Leon’s Children Reunite Due to One Man’s Surprising Wish! 😱😱😱 /lo
Nora Aunor and Christopher de Leon’s Children Reunited Because of One Man’s Wish! 😱😱😱 In a heartwarming and unexpected twist,…
SHOCKING! Boyet De Leon Drops Bombshell Advice to Ex-Wife Nora Aunor, Fans Can’t Believe It! /lo
Lotlot De Leon Ibinahagi ang Status ng Relasyon sa Inang si Nora Aunor In a heartfelt and emotional revelation, actress…
Shocking! Marvin Agustin Finally Admits His Secret Relationship: What’s Really Going On Between Him and Markki? /lo
Marvin Agustin Umamin Na Sa Kaniyang Relasyon, Kamusta Na Sila Ni Markki? In a recent and highly anticipated interview, actor…
WOW! Bea Alonzo’s Heart Set Ablaze Again? Ogie Diaz Shocks Everyone with Her New Relationship Reveal! /lo
Bea Alonzo’s Heart Reignited? Ogie Diaz Confirms Her New Relationship! In a surprising and heartwarming turn of events, Bea Alonzo,…
NANGYARI NA ANG KINATATAKUTAN NILANG MAG-IINA MELAI CANTIVEROS AT MGA ANAK NAG-IYAKAN /lo
Nangyari na ang Kinatatakutan Nilang Mag-Iina: Melai Cantiveros at Mga Anak, Nag-Iyakan In a deeply emotional and heart-wrenching turn of…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply