Bea Alonzo says marriage is not everyone’s “endgame”
Bea Alonzo was once engaged to Dominic Roque.
Bea Alonzo on marriage: “Hindi naman marriage yung laging endgame ng lahat. I mean, we have different paths, we have different destiny and fate. If it happens. I’ll be happy…”
PHOTO/S: Miguel Alomajan
Masaya at ini-enjoy ngayon ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang pagiging single, makaraan niyang mahiwalay sa fiancé niyang si Dominic Roque.
Sa panayam ni Bea sa Saksi noong December 7, 2024, pahapyaw niyang ibinahagi ang kasalukuyang estado ng kanyang puso.
Aniya, sa kabila ng masalimuot na kinahinatnan ng nakaraan niyang relasyon, hindi niya isinasara ang kanyang puso pagdating sa pag-ibig.
Kung saka-sakali raw kasing pumasok muli sa isang relasyon si Bea ay mahalaga sa kanya ang “strong connection” na makikita at mararamdaman niya sa lalaking iibigin niya.
BEA ALONZO ON MARRIAGE
Si Bea ay 37 sa kasalukuyan.
Dahil dito, marami ang nag-aabang sa kanyang pagpapakasal.
Madalas din siyang natatanong tungkol dito.
Ngunit imbes na ma-pressure, ipinagsasawalang-bahala na lang daw ito ni Bea dahil naniniwala siyang hindi lahat ng relasyon ay sa pagpapakasal ang bagsak.
Gayunpaman, naniniwala pa rin daw si Bea sa destiny at umaasa siyang matatagpuan din niya ang lalaking makakasama niya sa pagtanda.
Saad niya: “Hindi naman marriage yung laging endgame ng lahat.
“I mean, we have different paths, we have different destiny and fate.
“If it happens, I’ll be happy, but it doesn’t mean that I would beat myself up if it doesn’t happen.”
BEA ALONZO-DOMINIC ROQUE BREAKUP
Noong February 11, 2024, isinapubliko nina Bea at Dominic ang desisyon nilang tapusin na ang kanilang relasyon, halos pitong buwan matapos mag-propose ni Dominic kay Bea noong July 18, 2023.
Sa pamamagitan ng Instagram at Facebook, ibinahagi ni Bea na mutual decision nila ni Dominic na maghiwalay.
Ginawa naman daw nila ang lahat para maisalba ang kanilang pagmamahalan ngunit sa huli ay napagtanto nilang hindi na ito sapat para ituloy pa nila ang kasal.
Hindi sinabi ni Bea ang dahilan ng kanilang hiwalayan. Ngunit paglilinaw niya, hindi ito dahil sa third party, na kadalasang rason ng paghihiwalay ng dalawang magkasintahan.
Hanggang noong June 13, 2024, sa panayam ni Bea kay Nelson Canlas sa 24 Oras ng GMA-7, inamin ng aktres sa kauna-unahang pagkakataon na si Dominic ang tumapos sa mahigpit apat na taon nilang relasyon.
Taliwas ito sa kumalat na impormasyong si Bea ang nagdesisyong hindi na ituloy ang nakaplano nilang kasal ng aktor.
Ani Bea: “Doon ako siguro mas naapektuhan, kasi maraming nag-i-spread ng false narratives about my life.
“And when you’re going through something really difficult in your life, and you have other people narrating it for you in a different way, very different from the way you see it, and very different from the truth, sobrang sakit niya.
CONTINUE READING BELOW ↓
Pops Fernandez launches own lipstick line | PEP Interviews #shorts
“Kasi, yes, it affects you because it’s one thing to go through something silently, like a very, very huge heartbreak.
“But it’s another thing to be going through it in front of the public na iba yung narrative.”
Sundot ni Nelson, “And people forget na ikaw yung nakipag-break. Ikaw yung unang naapektuhan, e.”
Sa puntong ito nilinaw ni Bea na hindi siya ang tumapos sa relasyon nila ni Dominic.
Pagkontra ng aktres, “Actually, that’s false.
“That’s false. Hindi.
“Hindi ako ang nakipag-break.”
Mahihinuhang pati si Nelson ay nagulat sa rebelasyon ni Bea kaya muli niya itong tinanong: “So, hindi ikaw ang nakipag-break?
Sagot ni Bea: “Oo. Pero huwag na natin pag-usapan yon.”
Ninais ni Bea na huwag nang ungkatin ang paghihiwalay nila ni Dominic bilang respeto na rin daw sa kanilang pinagsamahan.
Sabi niya, “Let’s leave it in the past, and it’s amicable. Okay naman kami.
“I think it would be disrespectful to the relationship and to the other person to talk about it.
“It’s a very sensitive topic, and gusto kong bigyan ng respeto at gusto kong iwan sa magandang paraan what we had.”
DOMINIC ROQUE RUMORED RELATIONSHIP WITH SUE RAMIREZ
Samantala, kung si Bea ay kumpirmado ngayong single, ang ex-fiancé naman niyang si Dominic ay nali-link sa aktres ding si Sue Ramirez.
Noong November 8, 2024, namataan ang dalawa sa isang bar sa Siargao habang naghahalikan.
Sue Ramirez and Dominic Roque spotted kissing in Siargao
Photo/s: Screengrab @TikTok
Noong mga panahong iyon ay hindi malinaw kung may relasyon ba sina Sue at Dominic.
Hanggang makorner ng entertainment press si Sue noong December 1 sa ginanap na mediacon ng MMFF 2024 official entry na The Kingdom, na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Piolo Pascual.
Ayon kay Sue, “Basta I’m happy. We’re enjoying each other’s company. That’s all I can say for now.
“Thank you po.”
Pero si Sue na rin ang nagdugtong na, “We’ve been seeing each other.”
Iyon ang unang pagkakataong nagsalita si Sue tungkol sa kanila ni Dominic.
Si Sue ay nanggaling sa limang taong relasyon kay Javi Benitez, ngunit katulad ng relasyong Bea at Dominic ay nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pag-iibigan.
News
Matteo Guidicelli Stuns Fans with Touching Tribute to Sarah Geronimo, Recalling Their Memorable Vacation on Their 4th Wedding Anniversary. /lo
Matteo Guidicelli Reminisces Special Vacation with Wife Sarah Geronimo on Their 4th Wedding Anniversary Actor and product endorser Matteo Guidicelli…
Zoren Legaspi Shocks Fans with Alleged Statement About Rustom Padilla and Carmina’s Child, Sparking Controversy and Speculation! /lo
Carmina inamin sa mga anak ang nangyari sa kanila ni Rustom Mavvy, Carmina at Cassy Inamin ni Carmina Villaroel na…
Jimmy Bondoc Sparks Controversy with His Opinion on POGOs, Arguing That While They’re “Not Totally Wrong,” They Do Have Benefits. /lo
Jimmy Bondoc On POGOs: “Not Totally Wrong” and “Has Benefits” Senatorial aspirant Jimmy Bondoc has expressed his opinion about POGOs. This…
SHOCK: Martin Nievera’s Emotional Revelation About a Nun’s Unexpected Actions Post-Breakup with Pops Fernandez Shocks Fans, as He Reflects on Their Journey Together. /lo
Martin Nievera Recalls What A Nun Did To Him After His Breakup w/ Pops Fernandez Martin Nievera talked about his…
Catriona Gray Accused of Snubbing Moira dela Torre, Leaving Fans Shocked and Divided. /lo
Catriona Gray Allegedly Ignored Moira dela Torre Catriona Gray and Moira dela Torre attended this recent event Miss Universe 2018 Catriona…
Gladys Reyes Shocks Fans as She Reveals Why She Refuses to Take on Mistress Roles, Leaving the Public Stunned and Stirring Up Controversy. /lo
Gladys Reyes Reveals Why She Doesn’t Want To Do Mistress Roles Gladys Reyes has certain roles that she will not…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply