Bea Alonzo recalls face-off with John Lloyd Cruz about their mutual dislike for each other: “Feeling ko porke baguhang artista lang ako hindi niya ako gustong kaibigan.”

“Naiinis siya sa akin kasi feeling niya ang hirap ko katrabaho.”



In 2004, Bea Alonzo says she and John Lloyd Cruz were forced to tell each other why it’s hard for them to become friends off cam. Reminiscing about her initial impression of John Lloyd, Bea points out, “Ilang years kami magkatrabaho na never kami nag-uusap… Feeling ko ang yabang niya.”
PHOTO/S: @beaalonzo Instagram / Now That I Have You / @vhongx44 Instagram

3.6K
Shares

Hindi malilimutan ni Bea Alonzo ang panahong nagkainisan sila ni John Lloyd Cruz dahil sa kanilang personal biases sa isa’t isa.

Natatawang ikinuwento ni Bea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi talaga sila magkaibigan noong mga unang taon nila bilang onscreen love team sa ABS-CBN.

Una silang nagkatrabaho sa prime-time series na Kay Tagal Kang Hinintay, na umere mula July 2002 hanggang November 2003.

Nasundan iyon ng prime-time series na It Might Be You, na umere mula December 2003 hanggang December 2004.

Pero hindi raw sila talaga nag-uusap noon kung hindi rin lang sila magkaeksena sa taping.

“Hindi kami magkaaway, hindi lang kami friends,” paglilinaw ni Bea.

Balik-tanaw niya: “Nung time na nag-uumpisa ako, hindi niya talaga gusto na ako yung nandun, alam ko.

“Hindi ko naman siya masisi. Mahirap pa ako makatrabaho kasi ang bata ko nun.”

Tingin ni Bea ay hadlang ang four-year age gap nila noon—siya ay 14 years old, habang si John Lloyd ay may edad na 19.

Aminado si Bea na nangangapa pa siya sa blocking niya sa harap ng camera kaya hindi maiiwasang pumalya siya rito.

“Biruin mo, never ako nakalimot ng lines. Pero biruin mo, lagi ako natatakpan ng camera niya, yung ilaw niya.

“Kasi hindi ko alam kung paano, e. Umaarte na ako, wala na pala ako sa camera.

“‘Tapos umiiyak na siya, natakpan ko pala yung camera niya. So I had to do it again.”

Hindi raw maiwasang umiksi ang pasensiya ni John Lloyd sa kanya.

Ani Bea, “Hindi ko siya masisi. So, nung time na yun, naiinis siya.

“Best actor na kasi siya nun sa Tabing Ilog, e.”

Ang Tabing Ilog ay ang weekly drama series ng ABS-CBN na umere mula 1999 hanggang 2003. Dahil sa kanyang pagganap dito, nanalong Best Actor si John Lloyd sa PMPC Star Awards for TV noong 2001.

Dagdag ni Bea, “So, parang iniisip niya, ‘Why am I working with this kid? Wala na bang iba?’

“Ilang years kami magkatrabaho na never kami nag-uusap.”

Bea Alonzo, John Lloyd Cruz in Kay Tagal Kang Hinintay
Read more about

Bea Alonzo
John Lloyd Cruz