Bea Alonzo remembers early struggles in showbiz: “Extra, extra lang ako”
Bea Alonzo looks back on her showbiz beginnings with a grateful heart: “Nag-umpisa ako extra extra lang ako, walang lines.”
Sa latest episode ng Updated with Nelson Canlas, ibinahagi ni Bea Alonzo kung paano siya nagsimula bilang isang aktres.
Isa sa mga topic na napag-usapan nina Nelson Canlas at Bea ay ang mga bagay na naranasan ni Bea noong nagsisimula pa lamang siya sa show business.
Kuwento ng Start-Up Ph actress, “It was a rough start for me… Nag-umpisa ako extra extra lang ako, walang lines… Nakikisabay lang nga ako sa service sa taping kasi we didn’t have a car, so kahit na isang eksena lang ako kasi extra lang ako ganiyan hihintayin namin matapos buong taping kasi ‘yong taping sa Antipolo or sa Tanay because we didn’t have a car.
“Tapos hindi namin alam kung saan kami kukuha ng taxi at that time wala namang mga services na… oo, di ba, car services na puwede mong tawagan via app right? So, noon wala, so we had to wait. Kung tapos na ako at 4 p.m. pack up na dapat ako maghihintay kami hanggang 5, 6 a.m. para makisabay sa service.”
Bukod dito, ibinahagi pa ng tinaguriang ‘This Generation’s Movie Queen’ ang mga hirap na naranasan niya noon pagdating sa wardrobe tuwing sasalang siya sa tapings.
“Noong time namin wala kaming cut-off, nung time namin wala kaming stylist, so we had to do everything for ourselves, like pag sinabi na 50 sets of pambahay, ganyan gagamitin as in maghahalughog ka kasi pag normal na tao ka wala ka namang 50 sets na pambahay.
“Parang, I remember, halimbawa sasabihin nila 25 sets of panglakad. Tinitingnan ko ‘yung closet ko, parang tatlong maong na pantalon lang meron ako. Saan ako kukuha ng 25?’” dagdag pa ng aktres.
Habang kakuwentuhan si Bea, tila hindi makapaniwala ang host ng online program sa kaniyang mga nalalaman tungkol sa mga pinagdaanan noon ng Kapuso actress.
Sa latest vlog naman ni Bea Alonzo na inupload niya sa kaniyang Youtube channel, ibinahagi niya ang ilan pang mga bagay tungkol sa kaniyang career bilang isang aktres at endorser ng iba’t ibang produkto.
Abangan si Bea Alonzo sa upcoming drama series na Start-Up Ph, malapit na sa GMA Telebabad!
Samantala, silipin ang sexiest looks ni Bea Alonzo sa gallery na ito:
News
Arnel Pineda Reacts to ‘Sentenced to Life Imprisonment’ Rumors — Singer Slams False YouTube Claims /lo
Arnel Pineda Reacts To “Sentenced To Life Imprisonment” Allegation These YouTube videos about Arnel Pineda caught netizens’ attention Filipino singer…
SHOCKING REVELATION: Erwan Heussaff Admits Regret After Discovering Anne Curtis’ True Colors! /lo
In an unexpected twist that has sent shockwaves through the Filipino entertainment and social media scenes, entrepreneur and social media…
Mark Leviste Breaks Silence on Kris Aquino Breakup — Here’s What He Had to Say /lo
Kris Aquino Issue w/ Ex-BF, Mark Leviste Asked To React Mark Leviste was asked about the previous relationship of Kris…
Buboy Villar Denies Serious Accusations Made by Angillyn Gorens — ‘The Truth Will Come Out!’ /lo
Full Article (English): Manila, Philippines –Actor and television personality Buboy Villar is pushing back hard against the serious allegations…
Ashley Ortega Gets Emotional Talking About Her Mother Inside the PBB House — Viewers Left in Tears /lo
Ashley Ortega, Emosyunal Nang Pag-Usapan Ang Ina Sa PBB Bukas na nagbahagi ang Kapuso actress na si Ashley Ortega…
VP Sara Duterte Shares Heartfelt Birthday Message for Her Father, FPRRD — ‘You Are Still My Hero’ /lo
VP Sara Duterte May Nakakaantig Na Birthday Message Para sa Amang Si FPRRD Davao City, Philippines –In a rare but…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply