Bernadette Sembrano, sa asawang ‘nangangalakal’; “napagkakamalan siyang janitor”
– Ibinahagi ni Bernadette Sembrano ang isa sa mga ginagawa ng kanyang mister, ang pangangalakal
– Mayroon umano silang junk shop sa Cavite at masasabi niyang mahusay na mag-segregate ang mister
– Maliban sa kinikita sa pangangalakal, isang rason nila kung bakit ginagawa ito ay para makatulong sa kalikasan
– Minsan pa umanong napagkamalang janitor ang kanyang asawa dahil sa gawaing ito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!
Naikwento ni Bernadette Sembrano ang ginagawang pangangalakal ng kanyang mister na si Orange Aguinaldo.
![Bernadette Sembrano, sa asawang 'nangangalakal'; "napagkakamalan siyang janitor" Bernadette Sembrano, sa asawang 'nangangalakal'; "napagkakamalan siyang janitor"](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/f5ada8faff711478.jpeg?v=1)
Source: UGC
Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga naibahagi niya sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.
Ayon kay Bernadette, hanga siya sa mister sa husay nitong mag-segregate ng mga basura na mas gusto nilang tawaging ‘kalakal’. Naniniwala raw talaga silang mayroong pera sa basura.
Nasabi niyang mayroon din silang junk shop o ‘kalakal warehouse’sa Cavite kung saan makikitang maayos na naisasalansan ng kanyang mister mismo ang kanilang nakakalakal.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dahil sa gawaing ito ni Orange, minsan pa raw itong napagkamalang janitor.
“Kasi at that time nasa public office siya. Tapos may dala-dala siyang kalakal. At sabi sa’kin ni asawa, ‘it keeps me humble.’” pagbabalik-tanaw ni Bernadette.
Narito ang kabuuan ng kwento ni Bernadette na mapapanood sa Ogie Diaz Inspires Channel:
Si Ogie Diaz o ‘Roger Diaz Pandaan’ sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at kilalang showbiz reporter.
Pinakakaabangan ng maraming netizens ang mga video sa kanyang mga YouTube channel na “Ogie Diaz” at “Ogie Diaz Showbiz Updates”.
Bago si Bernadette, naging kontrobersyal din ang panayam ni Ogie Diaz kay Maine Mendoza. Nabanggit kasi ni Maine ang umano’y hindi pa rin namamatay na kontrobersiya nila ni Alden kung saan naniniwala pa rin ang kanilang fans na sila ay kasal na at mayroon pang anak. Wala umano itong katotohanan lalo na at engaged na ngayon si Maine kay Arjo Atayde.
Matapos nga ang panayam na iyon, lumabas ang video na kuha umano sa pagtitipon ng ‘AlDub’ fans. Makikita kung gaano pahalagahan ng fans ang tambalang ‘AlDub’ na nabuo sa programang Eat Bulaga noong pang taong 2015. Tinawag nila itong ‘KalyeSerye’ na tumatak talaga sa marami.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!
News
Wowie De Guzman is grieving the de@th of his UMD groupmate, Norman Santos./lo
Wowie De Guzman, nagdadalamhati sa pagkamatay ng kagrupo sa UMD na si Norman Santos – Wowie De Guzman shared an…
A shocking and heartbreaking news from China: A 27-year-old actor, who thought he only had the flu, tragically passed away. His sudden death has left many in disbelief and mourning. /lo
Chinese actor na nag-akalang may flu lamang siya, patay sa edad na 27 lamang – Liang Youcheng, a rising Chinese…
Nagulat ang lahat! After 14 years of marriage, Kristine Hermosa posted the whole truth on social media😭 /lo
Nagulat ang lahat! After 14 years of marriage, Kristine Hermosa posted the whole truth on social media😭 After 14 years…
Heartbreaking Farewell: Arnel Pineda Officially Steps Down as Lead Vocalist of Journey – Watch the Emotional Goodbye /lo
Heartbreaking Farewell: Arnel Pineda Officially Steps Down as Lead Vocalist of Journey – Watch the Emotional Goodbye In an emotional…
Ken Chu SPEAKS OUT on the Passing of BARBIE HSU! Dee Hsu Reveals the Cause of Barbie Hsu’s Death./lo
– Barbie Hsu’s sister, Dee Hsu, issued an emotional message about the sudden passing of her sister – In an…
Wowie De Guzman Mourns the Passing of Norman: ‘UTOL… We love you so much.’ 😔 Details in the comments. /lo
Norman Santos, isa sa mga original members ng Universal Motion Dancers, namatay sa edad na 52 – Norman Santos, one…
End of content
No more pages to load