Jam Ignacio, Karla’s ex, accused of mauling fiancée Jellie Aw

Trigger Warning: Mention of violence, disturbing images
Kumakalat sa social media ngayong Miyerkules, February 12, 2025, ang mga larawan ng duguang mukha ng club disc jockey na si Jellie Aw.
Si Jellie ang fiancée ni Jam Ignacio, ex-boyfriend ng actress-TV host na si Karla Estrada.
Na-engage sina Jellie at Jam noong November 11, 2024.
Sa Facebook post ng kapatid ni Jellie na si Jo Aw, direkta nitong inakusahan si Jam na siya umanong may kagagawan ng nangyari kay Jellie.
Sabi pa nito, hindi niya alam ang dahilan kung bakit “bigla na lang pinagsasapak” at “binugbog” ni Jam ang kanyang ate na si Jellie.
Mabuti na lamang daw at nakasigaw si Jellie sa isang tollgate na kanilang nadaanan at nailigtas ng mga pulis.
Lumalabas na nasa loob ng sasakyan sina Jam at Jellie nang mangyari ang insidente.
Lahad ni Jo sa kanyang post (published as is): “BIGLA NA LANG PINAG SASAPAK, BINUGBOG HABANG PAUWI ATE KO, WALANG KALABAN LABAN SA LOOB NG NAKALOCK NA SASAKYAN
“Ni hindi makahingi ng tulong ate ko dahil kunuha mo yung cellphone.
“Buti na lang hindi nabasa yung RFID sa toll at nakasigaw yung ate ko pag baba ng bintana at nakahingi ng tulong sa TELLER sa toll gate, ngayon tinakbuhan mo yung mga pulis!
“Wala kang awa!! Demonyo, mapapatay mo na ate ko
“Update po kay ate magpapamedical na kami ngayon and magrereport na sa pulis.”
JELLIE AW: “JAM IGNACIO MAGKITA TAYO SA KULUNGAN!”
Si Jellie ay nagbahagi rin ng ilang larawan sa Instagram Stories ng nangyari sa kanya.
Kabilang dito ang selfie niya kung saan makikitang bugbog-sarado ang kanyang mukha.
Sabi ni Jellie sa caption: “ta*na mo @jamignacio magkita tayo sa kulungan.”


Sa isang larawan ay pinasalamatan ni Jellie ang kapatid na si Jo na nag-asikaso sa kanya.

Muli niyang inulit ang bantang ipapakulong si Jam.
Caption niya rito: HAPPY VALENTINES?
“taena mo Jam Ignacio mapapatay moko wala akong ginawang masamA para ganituhin moko
“halos mamatay ako sa ginawa mo! papalukong kita!”
Makikita ritong nasa loob sila ng isang nail salon kung saan tila hinihintay ni Jam si Jellie.

Sa kasalukuyan ay wala pang detalye kung ano ang pinag-ugatan ng pisikal na pananakit umano ni Jam kay Jellie.
Pinadalhan din ng PEP ng mensahe si Jo sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.
Kaagad naming ilalathala ang kanilang mga tugon kapag natanggap namin ito.
News
Gabby Concepcion BREAKS DOWN in Tears After Discovering KC Concepcion is Being HURT—Fans Are Left STUNNED by His Emotional Reaction! /lo
Gabby Concepcion Breaks Down in Tears Upon Learning KC Concepcion is Being Hurt In an emotional revelation that has touched…
RODRIGO Duterte, NILABAS na ang S£X Video ni LUISTRO at CHIZ ESCUDERO! VP SARA Duterte NAGIMBAL /lo
Sara Duterte’s rant vs government baffles Escudero: Her dad had 6 yrs Senate President Francis “Chiz” Escudero (L) and Vice…
Melai Cantiveros SLAMS Comments After Doing THIS to Francine Diaz—Fans Are Left in Shock! /lo
Melai Cantiveros Receives Backlash After Doing This to Francine Diaz! In a surprising turn of events, actress and TV host…
Sandro Muhlach EXPOSES Shocking Video Involving Jojo Nones and Richard Cruz – Fans Are Left Speechless! /lo
Sandro Muhlach camp lauds DOJ rape charges vs Nones, Cruz Sandro Muhlach camp wants Nones and Dode removed from GMA…
It’s Showtime Dancer STEPHEN Introduces His BOYFRIEND—The Brother of a FAMOUS KAPAMILYA ACTOR! SHOCKING Revelation! /lo
“It’s Showtime” Dancer Stephen Reveals Boyfriend—Turns Out to Be the Brother of a Famous Kapamilya Actor! In an unexpected and…
Sarah Geronimo REACTS to What Francine Diaz Did to Her Song—Fans Are Left SHOCKED! /lo
Sarah Geronimo Reacts to Francine Diaz’s Performance of Her Song: Here’s What She Said! In a surprising twist, the Popstar…
End of content
No more pages to load