Christophé Bariou sa pagkapanalo ng girlfriend niyang si Nadine Lustre bilang MMFF 2022 best actress: “Never doubted her.”
PHOTOS: @nadine & @cbariou on Instagram
Kahit hindi showy sa social media sa relasyon nila ni Nadine Lustre ay napa-Instagram Story si Chris para ipagmalaki ang kanyang girlfriend. That same night kasi na nanalo si Nadine bilang MMFF 2022 best actress ay ipinost nito ang photo ni Nadine habang hawak ng aktres ang kanyang trophy. “Never doubted her,” maikling pahayag pa ni Chris sa inilagay n’yang caption.
Proud boyfriend ang pakiramdam ngayon ng Filipino-French entrepreneur na si Christophé Bariou dahil sa panibagong achievement ng kanyang nobyang aktres na si Nadine Lustre.
Si Nadine ang itinanghal na best actress sa naganap na Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 last December 27 para sa mahusay n’yang pagganap sa psychological tech horror film na Deleter.
Ang pelikulang kinabibilangan din ng aktres ang kinilalang big winner ng filmfest dahil nanalo pa ito ng anim pang major awards kabilang na ang best picture at best director for Mikhail Red.
Kaya naman kahit hindi showy sa social media sa relasyon nila ni Nadine ay napa-Instagram Story si Chris para ipagmalaki ang kanyang girlfriend.
That same night ay ipinost nito ang photo ni Nadine habang hawak ng aktres ang kanyang MMFF best actress trophy.
“Never doubted her,” maikling pahayag pa ni Chris sa inilagay n’yang caption.
SCREENSHOT: @cbariou on Instagram
Matatandaang isa si Chris, kasama ang kanyang pamilya’t mga kaibigan, sa pinag-alayan ni Nadine ng kanyang tagumpay during her acceptance speech noong Gabi ng Parangal.
“Kinakabahan po ako. Hindi ko alam kung bakit,” natatawang panimula ng aktres onstage.
“Unang-una po sa lahat, gusto kong magpasalamat sa bumubuo ng MMFF. Sobrang unreal po sa pakiramdam na nandito po ang Team Deleter kasi hindi po talaga namin in-expect na makakasama ang Deleter sa MMFF,” pagpapatuloy n’ya.
“Ito pong award na ‘to, dine-dedicate ko po sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko na patuloy na sumusuporta sa akin, sa boyfriend ko pong si Chris…” saad pa ni Nadine na naging dahilan para mapatili sa kilig ang mga um-attend sa awards night.
“And of course, sa Viva family ko, and sa Team Deleter. Sobrang saya po namin ngayon. Hindi po namin ine-expect ’to, and masayang-masaya po kaming lahat na nagbabalik na po ang mga Pelikulang Pilipino sa sinehan,” she added.
“Mabuhay po ang MMFF at mabuhay ang Pelikulang Pilipino!” pagtatapos ni Nadine.
Bago naging bukas sa publiko ang relasyon nina Nadine at Chris ay makailang ulit muna silang naipatan sa iba’t ibang lugar na magkasama hanggang sa tuluyan nang inamin ng aktres ang kanilang relasyon by posting a photo of them together nang magkasama nilang sinalubong ang Year 2022.
Anyway, palabas pa rin ang biggest winner ng MMFF 2022 na Deleter sa mga sinehan nationwide.
News
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla “Reconciled” According to Ogie Diaz’s Source! SHOCKING Twist in Their Relationship! /lo
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla “Nagkaayos” According To Ogie Diaz’s Source Ogie Diaz has this to share about Kathryn Bernardo…
“Sometimes Toni Gets a Little Naughty, She’s the One Who Always Initiates Sex During Winter”: Paul Soriano Admits His Wife’s Passionate Side /lo
“Medyo Malibog Lang si Toni, Siya Lagi Nag-Initiate ng Sex Tuwing Taglamig”: Paul Soriano, Inamin ang Pagiging Mapusok ng Asawa…
Alma Concepcion Horrifyingly Bitten on the Face by Her Own Dog! A Terrifying and Unexpected Attack That Left Fans Shocked and Speechless! /lo
Alma Concepcion Bitten on the Face by Her Dog Alma Concepcion Bitten on the Face by Dog, Shares Lesson with…
Derek Ramsay Breaks Silence on Allegations About His Reason for Marrying Ellen Adarna! Shocking Revelations Uncovered! /lo
Derek Ramsay On Allegation About His Reason For Marrying Ellen Adarna Derek Ramsay answered this comment from a netizen Actor…
Explosive! Sarah Duterte vs Agot Isidro! A shocking insult war you never saw coming! Who will win this bitter clash? /lo
MINURA! Sarah Duterte vs Agot Isidro: A Shocking Public Feud Unfolds! In an unexpected and heated exchange, a public feud…
💥DANIEL PADILLA GOT SOMEONE PREGNANT? 😱 THE BERNARDO FAMILY IS ANGRY AT KATHRYN, NO SECOND CHANCES! 💥/lo
💥DANIEL PADILLA NAKABUNTIS? 😱 PAMILYA BERNARDO GALIT KAY KATHRYN, WALANG SECOND CHANCE! 💥 In a shocking turn of events, rumors…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply