Cristine Reyes, namataang umiiyak habang nagmamadaling umalis sa MMFF Gabi ng Parangal
– Kumakalat ang video ni Cristine Reyes na umiiyak habang nagmamadaling umalis sa venue ng ginanap na MMFF Gabi ng Parangal
– Makikita ang aktres na kasama ang mga security habang tila may kausap siya sa telepono
– Samantala sa Instagram story ng kapatid ni Cristine na si Ara Mina, binahagi niyang nasa ospital ang kanilang ina
– Makikita din sa isang story niya ang picture ni Cristine kasama ang kanilang ina na nakahiga sa hospital bed
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Kumalat ang video ni Cristine Reyes na umiiyak at nagmamadaling umalis mula sa venue ng ginanap na Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal nitong 2024. Sa nasabing video, makikitang kasama ng aktres ang ilang security personnel habang may kausap siya sa telepono, na tila nagdudulot ng labis na pag-aalala.
Source: Instagram
Samantala, sa Instagram story ng kanyang kapatid na si Ara Mina, ibinahagi nito na kasalukuyang nasa ospital ang kanilang ina. Isang larawan rin ang inilagay ni Ara sa kanyang Instagram story, kung saan makikita si Cristine na nakaupo sa tabi ng kanilang ina na nakahiga sa hospital bed.
Cristine Reyes, namataang umiiyak habang nagmamadaling umalis sa MMFF Gabi ng ParangalSource: Instagram
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!
Bagama’t walang opisyal na pahayag si Cristine o ang kanyang pamilya ukol sa detalye ng insidente, maraming netizen ang nagpahayag ng suporta at dasal para sa kalusugan ng kanilang ina. Sa kabila ng masaya at makulay na gabi ng MMFF, ipinapakita ng sitwasyong ito ang mga personal na hamon na hinaharap ng mga artista sa gitna ng kanilang tagumpay.
Si Ara Cristine Pascual Klenk o mas kilala sa kanyang screen name na Cristine Reyes ay isang Filipina actress, model, dancer at endorser. Una siyang nakilala sa showbiz nang sumali siya sa talent search ng GMA na Starstruck. May anak siya sa kanyang dating partner na si Ali Khatibi.
Matatandaang ibinahagi ni Ali Khatibi ang mga litrato nila ng kanyang anak na si Amarah sa kanilang bakasyon sa Siargao. Nauna nang sinabi ni Ali na na-mi-miss niya na ang anak nila ng dating asawang si Cristine. Inamin naman ng aktres na nakapag-move on na siya sa paghihiwalay nila ng kanyang dating mister. Matatandaang ikinasal sina Cristine Reyes at Ali Khatibi sa isang beach wedding sa Balesin noong January 27, 2016.
Ibinahagi naman ni Cristine sa kanyang Instagram post ang kanyang naging therapy para sa kanyang paa. Hindi na idinetalye ng aktres ang dahilan ngunit aniya ay nakaranas siya ng freak accident. Ibinahagi niya ito ilang araw bago ang kanyang ika-33 na kaarawan noong February 5. Bumuhos ang pagbati at get well wishes para sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kasamahan niya sa industriya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!
News
Mark Herras finally breaks his silence about his viral dance at a gay bar, revealing the real story behind the controversy! /LO
Mark Herras, nagsalita na tungkol sa viral niyang pagsasayaw sa gay bar – Mark Herras has finally talked about his…
Alodia Gosiengfiao fires back at the unauthorized use of her video in a gambling ad, calling out the blatant exploitation of her image! /LO
Alodia Gosiengfiao Slams Unauthorized Use of Her Video in Gambling Ad Alodia Gosiengfiao Exposes Scam Using Her Video Without Permission…
Kris Aquino makes a shocking admission, confessing that she was wrong to blame her former business partner for her condition! /LO
Kris Aquino admits mistake in blaming former business partner for condition The legal battle between Kris Aquino and her former…
SHOCK: Gretchen Barretto storms out of a press conference after uncomfortable questions about her alleged rift with younger sister Claudine Barretto! /LO
Gretchen Barretto walks out of press conference Questions about her supposed gap with younger sister, Claudine Barretto, make her feel…
Nicko Falcis stirs the pot, alleging Kris Aquino lost control and went ‘all berserk’ after ABS-CBN secured the PR rights for Crazy Rich Asians! /LO
Nicko Falcis hits Kris Aquino for trivializing her threat to his life Nicko Falcis on Kris Aquino’s P40M: ‘All investments…
WATCH NOW: Judy Ann Santos, with a heavy heart, apologizes to her mother, saying, ‘I’m sorry, Mom, because I know I wasn’t the best daughter,’ revealing a deeply emotional and honest moment of reflection. /LO
Judy Ann Santos as a daughter: “I’m sorry to mom because I know I wasn’t the best daughter.” In an…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply