Danica Sotto-Pingris, tinuturing na ‘binding force’ nilang magkakapatid si Pauleen Luna
Para kay Danica Sotto-Pingris, hindi lang siya ang matuturing na binding force na nagbubuklod sa kaniyang mga kapatid at nagpapanatiling close sa isa’t isa. Aniya, katuwang rin niya si Pauleen Luna, ang asawa ng Daddy niyang si Vic Sotto.
Sa Updated with Nelson Canlas podcast, inamin ni Danica Sotto na isa sa maaaring dahilan kung bakit siya nabansagang binding force ng mga kapatid ay dahil sa kaniyang pagiging panganay. Aniya, siya ang madalas mautusan ng kaniyang Daddy para kontakin ang mga kapatid niya tuwing may celebration o gathering.
“Ako ‘yung sasabihan ni daddy na parang, ‘Oh Danica, tell your mga kapatid meron birthday ko or meron tayong dinner,’ ganon-ganon. Tapos I would also make it a point to kahit papaano reach out to them din,” sabi niya.
“Parang hindi iparamdam sa kanila na parang ‘yung ganun may off or yung ganiyan na as much as possible na ‘yung maging okay, ‘yung feeling. Maybe siguro because ako yung panganay. I think it’s my job. At the same time I love them so much,” pagpapatuloy niya.
TINGNAN ANG BONDING MOMENTS NILA DANICA AT MGA KAPATID NIYA SA GALLERY NA ITO:
Pero paglilinaw ni Danica, hindi niya pwedeng kunin lahat ng credit. Gusto rin niya i-acknowledge ang efforts ni Pauleen Luna na panatilihin connected silang lahat.
“When she married my Dad, nag-step up din talaga siya. Parang kitang-kita ko ‘yung… ‘yung talagang minsan siya talaga, ‘Okay, let’s have dinner. Dinner at your Dad’s place. Let’s celebrate Oyo’s birthday. Let’s do this,’” pag-alala ni Danica.
Kuwento pa ni Danica, kahit pa may sarili nang mga anak sina Vic at Pauleen, ay hindi pa rin nito nakakalimutang magplano ng dinners or celebrations para sa older siblings. Dito, pinansin din ni Danica ang “great job” na ginawa ng Daddy niya.
“Pwede naman ‘di na lang niya kami pansinin, matatanda na rin. Pero siya [Pauleen] talaga, isa, siguro masasabi kong siya rin yung binding force,” sabi ng aktres.
Sinabi rin ni Danica na wala namang perfect family, pero pwedeng “doon ka sa kung saan ‘yung magiging okay.”
“Kasi di ba sabi, ano, ang dami ng mga nangyayari sa mundo, mas maganda na ‘yung ano tayo, masaya lang, ‘di ba?” sabi ni Danica.
Tungkol naman sa relasyon ng kaniyang mommy na si Dina Bonnevie at Pauleen, inamin ni Danica na hindi man sila close, civil naman silang dalawa.
Inalala rin ni Danica na noong nagdaang Mother’s day, pinabati pa ni Dina si Pauleen kay Vic, at sinabing ganun din si Pauleen sa kaniyang Mommy.
“Kasi Mama D, tawag ng mga apo. Actually, even Tali. Alam niya, Mama D,” ani Danica.
Pakinggan ang buong interview ni Danica Sotto-Pingris dito:
News
JUST IN! Ria Atayde FORCES NBI to Take Action Against Robin Padilla After Alleged Brutal Assault on Zanjoe!
Just In: Ria Atayde Supports Robin Padilla After Incident with Zanjoe Marudo In a surprising turn of events, actress Ria…
Ion Perez Shares Another Heartfelt Message for Vice Ganda, Leaving Fans in Tears! /lo
Ion Perez, Muling Nagbigay ng Nakakaantig Na Mensahe para kay Vice Ganda Nag-post ng isang emosyonal na mensahe si Ion…
Does Cristy Fermin Have a Grudge Against Ai Ai delas Alas? The Truth Behind Their Feud Revealed! /lo
Cristy Fermin May Galit Kay Ai Ai Delas Alas? Maraming tao ang nagtatanong kay Cristy Fermin, ang kilalang showbiz…
VIDEO DRAMA: Taiwanese actor Lee Wei shockingly named as a suspect in a dangerous m_u.r.d.e.r case – Fans can’t believe the shocking details revealing the truth…! /lo
Taiwanese Actor Lee Wei, Suspek Sa Isang m_u.r.d.e.r Case Ang Taiwanese na aktor at mang-aawit na si Lee Wei…
Kim Chiu finally breaks her silence on past relationships, saying: ‘I wasn’t ghosted, they left in… but did they really?’ /lo
Kim Chiu Hindi Na-Ghost; ‘Nagpaalam Naman Sila ng Maayos’ Masayang-masaya kaming nakikinig sa mga witty na pahayag ng Kapamilya…
SHOCK: Iza Calzado opens up about her mother’s heartbreaking cause of de@th, leaving fans in tears. /lo
Iza Calzado Talks About Her Mother’s Heartbreaking Cause Of De@th Iza Calzado opened up about her mother Actress Iza Calzado…
End of content
No more pages to load