David Licauco on Barbie Forteza: “Close friends kami.”

“I really, really care for Barbie.”
Barbie Forteza and David Licauco headline That Kind of Love
David Licauco says here he really cares for Barbie Forteza, and labels their status as “close friends.”

Mainit na tinanggap ng publiko ang tambalang BarDa nina Barbie Forteza at David Licauco na nabuo sa seryeng Maria Clara at Ibarra (2022) ng GMA-7, at sinundan pa ng ibang mga proyekto sa Kapuso network.



Read: David Licauco on possible romance with Barbie Forteza: “What if?”

Ito ay kahit pa open book sa showbiz na magkasintahan sina Barbie at Jak Roberto.

At hindi rin naman nagpaapekto sina David at Barbie sa hiling ng mga BarDa fans.

DAVID LICAUCO ON POSSIBILITY OF COURTING BARBIE FORTEZA

Kaya sa big screen susunod na makikita ang BarDa tandem sa pelikulang That Kind Of Love ng Pocket Media Productions.

Sa presscon na ginanap sa Plaza Ibarra sa Timog Quezon City nung June 20, 2024, tinanong si David: Kung wala kayang boyfriend si Barbie ay may tsansa na ligawan niya ito at mauwi sa relasyon ang tambalan nila?

BarDa, a.k.a. Barbie Forteza and David Licauco, at the presscon for their upcoming movie That Kind of Love
BarDa, a.k.a. Barbie Forteza and David Licauco, at the presscon for their upcoming movie That Kind of Love

Tugon ng Kapuso actor, “Mayroon nga, di ba? Depende siyempre, kumbaga never naman kasi kaming nagkakilala or nag-usap in a way na ganun, e.

“Siyempre sa paghahanap ng partner maraming ano, di ko pa alam kung magwo-work kami as partners, di ba? Titingnan mo muna, for sure kayo naman kung may nanliligaw, di ba ganun din.

Read more about

“Yeah, I’m in a business na maraming mga ganun, but I try my best to take it lightly kasi at the end of the day, this is just business.”

Dagdag pa ni David kaugnay sa wish ng nga BarDa fans, “We have our own fantasies, we support people.”

DAVID LICAUCO ON frieNdhsip WITH BARBIE FORTEZA

Aminado ito na girlfriend material si Barbie, pero ayon din sa kanya ay malapit na kaibigan ang turing niya sa dalaga.

Aniya, “For me kasi, ang girlfriend material is masipag, she knows what she wants, and she’s like that naman.

“First thing, I really, really care for Barbie. Siguro if she will ask me for advice, you know, I will give it to her.

“Siguro I see her, like I wouldn’t say she’s my bestfriend kasi di naman kami laging magkasama outside. I would say close friends kami.”

Sa presscon proper ng That Kind Of Love ay kapansin-pansin na sinasalo ni Barbie si David sa mga tanong pag nahihirapan itong sumagot.

Hindi raw talaga siya sanay ang aktor na humarap sa maraming tao, “I think I’m very appreciative of that.

“Ano ako, e, introvert. Na-a-anxious ako every time na maraming tao. Di lang naman sa interview even sa malls ganun.

“I think I grew up like that, I’m trying my best to get out of my shell kasi, of course, trabaho ko ito. I’m doing my best.”

May pressure kayang nararamdaman si David sa launching ng first movie nila ni Barbie?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Tara, sakay tayo sa HELICOPTER ni WILLIE REVILLAME | PEP Hot Story

Sagot niya, “Di naman, for me I’m just doing my job, I prepare hard for every teleserye na I’m part also, di naman ako nape-pressure.”

Mapapanood sa mga sinehan ang That Kind Of Love sa July 10 sa ilalim ng direksyon ni Direk Catherine O. Camarillo.