Dina Bonnevie says Bea Alonzo deserves “Movie Queen of the The New Generation” title

Dina Bonnevie reveals Bea Alonzo is a fan of Vic-Dina loveteam.
Hindi raw kailanman inilagay ni Dina Bonnevie sa kanyang utak na sikat siyang artista noong kapanahunan niya: “I never put in my head na, ‘Oy, sikat din ako nung panahon ko!’ No, never kong inilagay ‘yan sa head ko. It’s work.”

Malaki ang paniniwala ng veteran actress na si Dina Bonnevie na karapat-dapat tawaging “Movie Queen of the The New Generation” ang Kapamilya actress na si Bea Alonzo.

Magkasama ang dalawa sa upcoming primetime series ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon.



Maging si Dina raw ay malaki ang paghanga kay Bea.

Halos lahat daw ng pelikula ni Bea ay kanyang sinubaybayan, at nirerespeto niya rin ito bilang isa sa pinakamagaling—kundi man pinakamagaling—na aktres sa henerasyon ngayon.

Pahayag ni Dina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Talagang ang tingin ko sa kanya ay parang nasa pedestal siya.

“Kasi, parang I have never encountered an actress of this generation na ganun talaga kagaling umarte, ganun ka-raw at ganun ka-sincere sa role.

“Kasi lang, even noong nag-story conference kami, talagang tinitingnan-tingnan niya yung dynamics kung paano kami connected, why we are connected, kung ano ang koneksiyon niya sa role ko.

“Talagang inaaral niya yung mechanics, yung dynamics ng role.

“Kumbaga, she’s not just there to act, kundi bawat scene ay pinag-aaralan niya.

“Parang second skin sa kanya ang pag-arte.”

Patuloy niya, “Parang wala naman akong… sa batch niya, I don’t think no one in her generation had more hits than she has had.

“Kahit noong hindi niya nakasama si John Lloyd [Cruz], nag-hit naman yung She’s The One, e.

“And I think talaga kaya inaabangan yung mga movie ni Bea, iba talaga ang acting.

“At ang ganda ni Bea… ang ganda niyang umiyak, na kahit yung nuances niya sa pag-deliver ay hindi nagmamadali sa mga linya.

“And she truly and truthfully feels the character.”

Ano ba ang kaibahan ni Bea sa mga kapanabayan nitong mga aktres ngayon?

Saad ni Dina, “Usually, ang mga nakakaeksena ko on this generation, hindi sila marunong magbigay.

“Siya, ano… ‘di ba, usually kami, nagbibigay kami dahil mga beterano na kami. Pero siya, she gives back.

“So, kumbaga, name-maintain mo yung emotion na gusto mong i-maintain.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dina sa presscon ng bagong primetime series ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon, sa La Chandelle Events Place sa Quezon City, noong June 3.

MUTUAL ADMIRATION. Sa kabilang banda, maging si Bea ay sobra ang paghanga kay Dina bilang isa sa top leading ladies at award-winning actress noong kapanahunan nito.

Si Dina ay isa sa original Regal Babies noong early ‘80s, at inilunsad sa pamamagitan ng pelikulang Katorse (1980).

Nanalo rin siyang Best Actress para sa pelikulang Magdusa Ka (1987) at Best Supporting Actress para sa Tinik Sa Dibdib (1986).

Nangingiting reaksiyon ni Dina sa paghanga sa kanya ni Bea, “Well, siguro it’s a mutual admiration society.

“I guess, siguro I see a lot of goodness in her.

“I see a lot of artistic talents.

“Ang maganda kasi kay Bea, kahit sikat na sikat siya, wala siyang ere, wala siyang yabang.

CONTINUE READING BELOW ↓
Janice de Belen, reaksyon sa dinner date ni John Estrada at mga anak nila | PEP Interviews

“She’s so grounded and down to earth.

“Parang… ang sabi ko nga, madaldal ‘yan kasi ang hilig niyang magkuwento.

“At nakakatawa siya, kasi she’s such a fan of the Vic [Sotto]-Dina tandem.

“Sabi ko sa kanya, ‘Ano ka ba, may asawa na ako!’ But she’s such a fan.

“Sabi niya, ‘Hindi, siguro kasi naiisip ko lang during your time.’

“And yet, hindi mo ma-imagine na kapag nandun na siya sa stage, ‘pag nandun na siya, umaakting, para bang she’s so stunningly beautiful.

“Na parang, ‘Heto yung kakuwentuhan ko kanina na parang paslit na ang daldal.’

“Wala lang, she’s so sincere.”

COMPARISON. Kahit magkaiba sila ng henerasyon, hindi pa rin maiwasang ikumpara ang kakayahan sa pag-arte nina Dina at Bea.

Ano ang masasabi ni Dina rito?

Tugon ng 53-year-old actress, “Sa akin naman kasi, I don’t compare.

“Kumbaga sa prutas, may sarili rin akong asim, may sarili ring asim si Tita Susan [Roces, kasama nila sa teleserye], may sariling asim si Bea.

“Kung bakit gusto siya ng mga tao have a different reason also why people like the way I act.

“I would be different why people like Tita Susan, ‘di ba?

“May kanya-kanya kaming katangian or certain uniqueness that make us special to people.

“The comon denaminator is that we love our work, we are sincere with our work, and we are professionals.”

Dagdag pa ni Dina, “At saka ako, I never put in my head na, ‘Oy, sikat din ako nung panahon ko!’

“No, never kong inilagay ‘yan sa head ko. It’s work.”