Dina Bonnevie, paboritong apihin si Moira sa ‘Abot-Kamay Na Pangarap’?

Nagkuwento si Dina Bonnevie ng ilang hindi niya malilimutang eksena bilang si Madam Giselle sa ‘Abot-Kamay Na Pangarap’.

Binalikan ng batikang aktres na si Dina Bonnevie ang ilang eksena niya sa award-winning medical drama na Abot-Kamay Na Pangarap.



Napapanood siya rito bilang si Madam Giselle, ang kapatid ni Dr. RJ Tanyag (Richard Yap).

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, sinagot ni Dina kung ano ang paborito niyang eksena bilang si Madam Giselle sa serye.

“Favorite scene ko kapag inaapi ko si Moira (Pinky Amador),” biro ng aktres.

Pagpapatuloy niya, “Ang favorite scene ko is when Giselle is saying things that are meant to be rules na it’s about justice.”

Ayon pa kay Dina, tumatak sa kanya ang mga seryosong eksena at linyahan niya na tungkol sa paninindigan kung ano ang tama.

Sabi niya, “Iyon ‘yung hindi tayo magpapaapi, we are on the right path. ‘Yung we’re not doing anything wrong. Parang this has to happen.”

Sa mga nakaraang episode, natunghayan kung paano ipinagtanggol ni Madam Giselle ang mga karakter na sa tingin niya ay nakaranas ng pang-aapi, panloloko, at iba pa.

Si Madam Giselle ang isa sa mga talaga namang hindi umatras pagdating sa pakikipagtalo sa main kontrabida na si Moira.

Samantala, huwag palampasin ang mga tagpo sa finale episode ng Abot-Kamay Na Pangarap.

Mapapanood ang Abot-Kamay Na Pangarap hanggang Sabado, October 19, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

*Related gallery: Captured moments on the set of ‘Abot-Kamay Na Pangarap’