Dina Bonnevie’s Actress Success

Dina Bonnevie đã trở nên thành công như thế nào với tư cách là một diễn viên | PEP.ph
Dina Bonnevie on the success of the GMA-7 teleserye Abot Kamay Na Pangarap: “Tingin ko ang reason kaya maraming followers yung show is because number one, parang ipinapakita niya sa mga tao na totoong abot kamay ang pangarap.”
Wala si Dina Bonnevie sa pagsisimula sa ere ng Abot Kamay Na Pangarap noong September 2022.



Nagpakita lamang nitong unang linggo ng Abril 2023 ang karakter niya bilang si Giselle Tanyag sa top-rating series ng GMA-7.

Sumagi ba sa isip ni Dina na sana, sa umpisa pa lang ay napasama na siya sa serye?

“Actually, happy na ako na nakasali na ako sa cast. It’s a very, very good cast, mahuhusay sila, it’s a very happy cast.

“And plus box-office director naman talaga si Direk LA [Madridejos].

“Minsan nga naiisip ko, sayang. Sana pala nung umpisa pa lang nandun na ako.

“Pero okay lang kasi, sabi nga ni Carmina, hanggang 2028 pa kami,” pagbibiro ni Dina na tinutukoy ang sinabi ni Carmina Villarroel in a separate interview na hanggang 2028 daw extended ang kanilang series.

READ Carmina Villarroel ecstatic over Abot Kamay na Pangarap extension

Nabanggit rin ni Carmina, nang natanong kung magge-guest ba ang mister niyang si Zoren Legaspi sa show.

Ready ba si Dina kung sakaling sa kanya i-partner si Zoren?

“Okay lang, kaya lang baka magselos si Mina,” at muling tumawa si Dina.

DINA ON ABOT KAMAY’S UNPRECEDENTED SUCCESS
Ngayong kabilang siya sa cast ng Abot Kamay Na Pangarap, ano sa tingin niya ay dahilan kung bakit isang malaking tagumpay ito sa ratings game?

“Actually, pag tinatanong kung bakit very successful yung show, sa akin lang, ha, sa mga nababasa ko sa script, tingin ko ang reason kaya maraming followers yung show is because number one, parang ipinapakita niya sa mga tao na totoong abot kamay ang pangarap.

“Na kung may pangarap ka, makakamtan mo, magkaroon ka man ng maraming hadlang, kung naniniwala ka sa Diyos na ibibigay sa iyo, at lahat naman ginawa mo, bukod sa, kumbaga hinihintay mo na lang ang Diyos na pumayag sa gusto mo.

Read more about
Dina Bonnevie
“Pero kailangan mo pa ring tulungan ang sarili mo, maabot mo. Parang there’s no reason para hindi mo makuha yung gusto mo, kung pagtatrabahuhan mo.

“And then if it’s God’s will, di ba, yun lang ang hindi natin puwedeng baliin, kung gusto ni God or hindi, parang Siya pa din ang masusunod.”

Naniniwala rin siya na kapag may effort, mas deserving ka sa reward.

Sa pagpapatuloy ng veteran actress, “Parang earthly father natin, di ba, maaring humihingi tayo ng kotse, pero hindi naman tayo marunong magmaneho, bakit sa iyo ibibigay ng tatay mo?

“Pero kung humingi ka ng kotse, pero, ‘Dad marunong na akong magmaneho saka may lisensiya na ako,’ di ba ibibigay sa iyo ng daddy mo?

“So parang ganun din, so sa tingin ko dito, yung mga members ng cast may iba’t ibang pangarap.

“Hindi lang sila, pati yung mga nanonood may mga pangarap sila, so nakaka-identify sila na, ‘Wow, tingnan mo si Lyneth, no read no write, pero tingnan mo, nakapagpatapos siya ng isang doctor,’ di ba?”

Ginagampanan ni Carmina ang papel ni Lyneth Santos sa serye, samatalang si Jillian Ward naman ang anak niyang doktora na si Analyn Santos.

CONTINUE READING BELOW ↓
Janice de Belen, reaksyon sa dinner date ni John Estrada at mga anak nila | PEP Interviews

“Parang tingnan mo itong si Analyn, isa siyang anak sa labas, pero hindi naging hadlang yung pagiging anak niya sa labas, at eto na’t na-recognize na siya ng tatay niya, na anak pala niya si Analyn.

Ama ni Lyneth si RJ Tanyag na ginagampanan naman ni Richard Yap.

“And then eto pa ang Tita Giselle na nung una, ayaw sa kanya kasi anak siya sa labas, ngayon tinatanggap na siya bilang miyembro ng pamilya nila.

“So I think yun ang factor kung bakit inaabangan ng tao, kasi you know when it’s good news… people like to hear good news, kasi nakaka-identify sila, pero kapag bad news, ‘Ay naku, ayoko niyan, nakaka-stress iyan.’

“Ganyan, tingin ko iyon ang reason. Saka magaling naman talaga ang pagkakadirek at magagaling yung mga artista.”

DINA’s SUCCESS formula AS ACTRESS
Isang halimbawa nga mismo si Dina sa sinabi niya. Hindi niya inambisyong maging artista, pero heto at isa siya sa mga mahuhusay na aktres sa kanyang henerasyon.

“Oo, hindi, hindi ko pinangarap maging artista, pero ewan ko, commercial lang ang pinapangarap ko, pero, di ba, God gives you bigger than what you actually asked for.”

At itinuturing rin siya bilang isang iconic actress sa Pilipinas.

“Wow! Thank you naman, ngayon ko lang narinig iyan,” ang natatawang sinabi pa ni Dina na nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Zoom sa mediacon ng Abot Kamay Na Pangarap noong Miyerkules, March 29.

Ano sa tingin ni Dina ang dahilan kung bakit nagtatagal siya sa industriya ng pelikula at telebisyon?

“Ako simple lang, siguro kasi mahal ko yung trabaho ko, talagang niyakap ko and tinanggap ko yung binigay sa aking regalo ng Panginoon.

“Kumbaga He gave me the gift of acting, parang hindi ko kinailangan ng acting coach. Bata pa ako, umaarte na ako, parang I just honed my craft, parang God gave me this talent, mas hinasa ko pa, mas pinahusay ko pa.

“And then yun, it’s just simple na I love what I do, so because I love what I do, inaaral ko ang script, hindi ako nale-late, I come on time, nakikibagay ako sa mga kasama ko sa set.

“Nakikihalubilo ako, iniintindi ko ang bawat miyembro ng cast, kung meron man isang may pinagdadaanan diyan, iniintindi ko, yung ganun.

“Parang you already know that when you belong to a cast, you belong to a family, this is your new family and you have to embrace kung ano man… kung ano yung parang ‘unwritten rules,’ di ba?

“Sa bawat cast, merong unwritten rules, pero mababasa mo yun, e, pag nakipaghalubilo ka sa kanila, nakipag-usap, malalaman mo na, ‘Ay, ito pala ang parang norm sa set, ito ang unacceptable,’ and makikibagay ka dun.

“So I guess rule of thumb lang talaga, love your work, and you’ll do what you need to do,” pahayag ni Dina.

Ang Abot Kamay Na Pangarap ay sa direksiyon ni LA Madridejos at napapanood sa GMA Afternoon Prime.