Masaya ang reunion: Dina naaliw sa panggagaya ni Mother Lily sa sayaw ni Snooky

Noong Saturday ay nag-reunion si Mother Lily Monteverde sa former Regal Babies niya na sina Dina Bonnevie, Snooky Serna.



Naganap ang pagkikita nila sa Greenhills, San Juan house ni Mother Lily.

Kuwento ng manager nina Dina, Snooky na si Leo Dominguez, noon pa gustong dumalaw ng mga alaga niya sa Regal Entertainment, Inc. producer kaya nagsabi siya kay Roselle Monteverde.

“Si Roselle ang nag-ayos. Sinabi niya kay Mother Lily na gustong dumalaw nina Dina at Snooky. Nakaka-touch nga si Mother Lily dahil nagpahanda pa siya ng merienda.

“Ang saya lang kasi nagkita-kita sila. Ang saya ng kuwento namin. Si Mother Lily siyempre na-happy kasi dumalaw sa kanya sina Dina at Snooky.

“Walang project na pinag-usapan. Kuwentuhan lang talaga. Pati ‘yung time nina Dina at Snooky sa Regal, napagkuwentuhan.

“Nakakatawa nga. Si Dina, naaliw talaga kasi ginaya-gaya pa ni Mother Lily ‘yung dance steps ni Snooky noong araw sa ‘Always… Snooky’ show na siya rin ang producer sa Channel 2.

“Kuhang-kuha ni Mother Lily. Ang galing-galing. Ang saya-saya talaga namin. Puro tawanan,” tsika ni Leo.

Hindi nga raw emotional ang pagkikita nila, mas nakakatawa raw dahil sa mga kuwento, ginawa ni Mother Lily.

“Hindi emotional. Tawanan lang. Pati si Roselle, tawa nang tawa,” dagdag pa ni Leo.

Very sharp pa rin daw ang memory ni Mother Lily at ang daming kuwento, alaala na noong Regal days nina Dina, Snooky na hindi pa rin makalimutan ng producer.

Siyempre, touched si Mother Lily sa pagmamahal sa kanya nina Dina, Snooky.

Dalawa nga sina Dina, Snooky sa mga artista noon ng Regal na hanggang ngayon ay ramdam pa rin ni Mother Lily ang pagmamahal sa kanya.