Dingdong at Marian, aalisin daw si Zia sa social media pag dating ng takdang panahon.

 
Photos: Instagram & Anna Pingol



Photos: Instagram & Anna Pingol

Ipinagbubuntis palang ni Marian Rivera ang panganay niyang si Zia ay naka-abang na ang publiko. Excited ang lahat malaman kung ano ang resulta ng pagsasanib-lahi nina Marian at asawang si Dingdong Dantes.

Unang pasilip palang nila ng profile picture ni Zia nearly four years ago ay nagkagulo na ang mga followers. Kitang-kita kasi doon palang ang pagkahaba-haba nitong pilik-mata.

Napaka-tipid ng mga patikim ng mag-asawa sa publiko tungkol kay Zia. Pero kalaunan, after nitong maging cute na cute na one year old, ay naging laman na ng respective social media accounts nila ang panganay. Marahil ay maski silang mag-asawa ay hindi makapag-pigil dahil ang cute naman talaga ng batang anak nila. Kaya naman nasundan ng publiko ang paglaki nito hanggang sa maging bibong-bibong toddler.

Pinayagan na rin nila itong mag-product endorsement kalaunan.

Come November 23, four years old na si Zia. And at that young age, Zia displays smartness and maturity beyond her years. In fact, maski nga daw sa mga ie-endorse nitong product ay ito na ang pinagde-desisyon nila kung ayaw nito o hindi.

At dahil na rin sa ipinapakitang maturity ni Zia kaya daw napag-desisyunan nilang mag-asawa na alisin na ito sa social media pag dating ng takdang araw na hindi nilinaw ni Marian kung kailan.

Napunta sa bagay na ito ang usapan nang matanong si Marian kung aware ba si Zia sa kasikatan nito. Ang tanungan naman ay naganap sa ceremonial signing ng contract renewal niya para sa BeauteDerm Home noong November 7 sa Luxent Hotel, Quezon City.

Noong una ay nakiusap muna si Marian na wag nang i-post at isulat ang tungkol sa plano nilang mag-asawa regarding Zia’s exposure. Ayaw lang siguro niyang ma-misinterpret na naman siya. Pero siya na rin ang nag-concede.

“Si Zia kasi ’yong tipo ng batang matured mag-isip,” panimulang paliwanag ni Marian. “Kaya nag-usap kami ni Dong na sa certain age niya, puputulin namin lahat ng social media [exposure] niya.

“Gusto kasi naming maramdaman din niya ’yong pagiging normal,” dagdag niya. “Ngayon, pag lumaki siya at nakapag-decide siya na, ‘Mom, Dad, I want to be an artista… I want to explore sa ganitong ano,’ hahayaan namin siya. Kasi gusto naming maging normal [ang buhay niyaat makapag-aral siya ng normal sa eskwelahan niya.”

At this point daw kasi, hindi nga normal ang buhay nito at mas pinagkakaguluhan pa pag nasa public places sila kumpara sa kanilang mag-asawa.

Gusto lang naming siyang maging normal kasi ngayon, hindi siya normal… mas pinagkakaguluhan siya kesa sa amin…parang deadma na kami ni Dong [ng mga tao].

“Chill lang siya, deadma, smile-smile lang siya.”

Mukang wala naman daw awareness ang bata na sikat ito.

“Alam lang niya kilala siya, tinatawag siya, magha-hi siya.”

“Pero parang ako din yan,” dagdag ni Marian. “Masungit din pag gutom. Haha!”