Bea Alonzo, ayaw na mag-date ng artista kaya happy na “inactive” na si Dominic Roque sa showbiz nang maging boyfriend n’ya
PHOTOS: @beaalonzo on Instagram
Bago pala pumayag makipag-date si Bea Alonzo noon sa boyfriend niyang si Dominic Roque ay tinanong niya ito kung may plano pa itong mag-artista.
Ayaw na raw kasi niyang makipagrelasyon sa lalaking artista dahil sa mga pinagdaanan niya in her past relationships na pawang mga aktibong aktor during their time together.
Iyan ang ikinuwento niya ng makatsikahan siya ng entertainment press sa media conference nila last July 8 for their upcoming talent search na Battle of the Judges.
Dito nga ay muling napag-usapan ang love life ng aktres with Dominic Roque na kamakailan lang ay inakalang na-engage na dahil sa throwback photos na ipinost ni Dominic na mistulang engagement shoot.
“Nakakatawa nga akala ng mga tao engage na ako. Na-preempt na. Baka mamaya ma-jinx pa. Hahaha!” natatawang sabi ni Bea.
Speaking of engagement, madalas naman na daw nila itong napag-uusapan ni Dom.
“S’yempre, lagi naman namin pinag-uusapan ‘yan. Hello? Nasa edad na ko. Pupunta at pupunta kami d’yan,” tsika pa niya.
“We always talk about the future and, of course, one thing is for sure. S’yempre alam ko na s’ya ‘yong… sana s’ya na ‘yong makasama ko habang buhay,” dagdag pa ng aktres.
Feeling n’ya, si Dominic na ang sagot sa kanyang mga dasal. Noon daw kasing diniklera niyang ayaw na niyang magka-boyfriend ng artista, si Dom daw ang dumating sa buhay niya.
At para makatiyak, harapan daw niyang tinanong si Dom noong nanliligaw pa lang ito sa kanya.
“Alam mo, isa lang ang unang tinanong ko sa kanya bago kami nag-date. ‘Nag-aartista ka pa ba?’ Kasi sabi ko, ‘Hinding-hindi na ako magdi-date ng isa pang artista.’ Sabi n’ya, ‘Hindi na.’ Sabi ko, ‘Sige, date na tayo.’ Hahahaha!” natatawang pagre-recall ni Bea.
“Hindi, kasi matagal na din naman pala s’yang hindi na nag-aartista. Kasi meron siyang business, ‘yong production house. Gumagawa sila ng CSR,” dugtong pa niya.
Kahit nga daw project offer ni GMA executive Annette Gozon-Valdes ay tinurn down ng nobyo niya.
“Si Miss Annette kasi paulit-ulit. Sabi n’ya, ‘Sabihin mo kay Dom may project kami. Tatawagan s’ya.’ Sabi ko, ‘Tanungin n’yo s’ya,‘” kuwento pa niya.
“Pero hindi talaga kasi friend din ni Dom sa motor si Shintaro, ‘yong husband [ni Miss Annette].”
Sariling desisyon naman daw iyon ni Dominic at hindi dahil sa iyon ang gusto niyang mangyari.
“It’s not up to me pero napapangiti na lang ako kasi mukhang hindi na talaga… Pero real talk, ayoko na talaga ng artista. Ayoko na talaga ng artista,” diin pa ni Bea.
Pagmamalaki pa ng Kapuso actress, maayos kung paano sila naging magkasintahan ni Dom. Walang napilitan, walang pagmamadali, at walang pressure mula sa kung sino-sino, kumbaga.
“Maganda kasi pagka clean slate ba, kapag maganda ‘yong pinag-umpisahan. So, I’m very happy na ganu’n kami nag-umpisa ni Dom at ngayon na-appreciate na rin ng mga tao,” lahad niya.
Oo nga’t matagal daw bago nila inamin na sila. Hindi naman daw kasi nila minadali ang mga bagay-bagay.
“Alam n’yo naman ang tagal [namin isinapubliko]...pero hindi namin pinagdamot. Pero dahil hindi pa naman kami sure [that time], wala pa naman kaming label [noon], ayokong isambulat sa mundo kasi nakakahiya nang paulit-ulit magkamali,” punto ni Bea.
Kaya naman for more than a year, hindi raw sila nagpo-post sa social media ng tungkol sa isa’t isa dahil wala pa silang label noon.
“Ni ayoko nga mag-post tungkol sa kanya. Ako din, sinasabi ko wag s’ya mag-post. Alam mo kung bakit? S’yempre, 30 [years old] plus na ako. Nakakahiyang paulit-ulit magkamali so I wanted to make sure na seryoso ‘to,” very honest na lahad niya.
“Pag nasa mata ka ng publiko, paano ka naman magdi-date nang patago, ‘di ba? So, parang gusto ko muna s’yang kilalanin,” she added.
Nagkataon naman daw na nagkaroon ng pandemic kaya malaya daw nilang nakilala ni Dom ang isa’t isa nang hindi naiintriga nang husto ng mga tao.
“Hindi naman nakabuti pero na-timing-an na nag-pandemic so hindi talaga kami nakikita. Hahaha! So, nakapag-date kami nang mas pribado,” pagbabahagi pa niya.
“So, nakilala ko s’ya, oo, kasi walang outside comments na nakaka-apekto ng judgment mo. Mas nakilala ko ‘yong pagkatao n’ya nang hindi ako nasasabihan ng, ‘Hindi kayo bagay,’ or whatever. I made that judgement by myself,” she went on.
Sa ngayon, close na raw ang mga pamilya nila at mas lalo pa niyang nakilala si Dom.
“Both families naman are close. In fact, dalawang beses nga kami nag-spend ng Christmas sa farm namin kasama ‘yong family n’ya rin,” aniya.
“Siguro, that’s one thing about him that I like kasi kung mapapanood ninyo ‘yong vlog ko, sobrang close ko sa pamilya ko. Ganu’n din s’ya, very family oriented, at saka mahal na mahal n’ya ‘yong nanay n’ya,” pagtatapos ni Bea.
Samantala, mapapanood ang Battle of the Judges – kung saan magsisilbi si Bea Alonzo bilang isa sa mga hurado kasama sina Boy Abunda, Annette Gozon-Valdes, and Jose Manalo. Alden Richards, for his part, is hosting the show. It premieres July 15 on GMA Network.
News
SHOCKING NEWS: FAREWELL, KRIS AQUINO? WILLIE REVILLAME’S MESSAGE LEAVES FANS IN TEARS! /LO
SHOCKING NEWS: FAREWELL, KRIS AQUINO? WILLIE REVILLAME’S MESSAGE LEAVES FANS IN TEARS! The entertainment industry has been shaken by a…
Barbie Hsu’s shocking move: Just three months post-divorce, she ties the knot again, sparking a wave of curiosity and amazement! /LO
Three Months After Divorce, Barbie Hsu is Married Again! Officially divorced for three months, 45-year-old Taiwanese actress Barbie Hsu (徐熙媛) reenters the…
Barbie Hsu and DJ Koo’s Love Story, Reignited After 20 Years, Now Faces the Ultimate Test with a Heartbreaking Goodbye. /LO
Kisah Cinta Barbie Hsu dan DJ Koo yang Menikah Setelah 20 Tahun Putus, Kini Harus Dipisahkan Oleh Maut Kisah Cinta…
SHOCK: Fans Reminisce as Barbie Hsu Reveals in an Old Interview What She Hoped to Achieve by Age 50, With Kris Aquino’s Interview Going Viral! /LO
Barbie Hsu Shared In Old Interview What She Wanted To Be At 50 Fans recalled Kris Aquino’s past interview with…
Herlene Budol Gets Real, Admitting to Seeking Psychiatric Support Due to Her Emotional Struggles with Rob Gomez! /LO
Herlene Budol Admits Seeking Psychiatric Help Due To Issue w/ Rob Gomez Herlene Budol talked about the controversy she went…
Fyang Smith’s Surprising Comment About Pops Fernandez Ignites Backlash from Netizens Who Are Left Disappointed! /LO
Fyang Smith Hindi Kilala si Concert Queen Pops Fernandez, Netizens Nadismaya Nakaranas ng batikos mula sa mga netizen ang…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply