Drew Arellano, nagkomento sa post ni Iya Villania: “Buntis ka na naman?!?!”
– Nagbahagi si Iya Villania ng throwback video kung saan todo hataw siya sa pagsasayaw habang ipinapakita ang kanyang baby bump
– Nagkomento si Drew Arellano sa post ni Iya at pabirong tinanong kung buntis na naman ito, na nagbigay ng aliw sa mga netizens
– Maraming fans ang natuwa sa kakaibang pregnancy dance video ni Iya kung saan dinrowingan niya ng mukha ang kanyang tiyan
– Ipinanganak na ni Iya ang kanilang ikalimang anak matapos ang kanyang viral dance performance na nagbigay ng good vibes sa social media
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Naghatid ng good vibes sa social media ang TV host at celebrity mom na si Iya Villania matapos niyang ibahagi ang isang throwback video noong buntis pa siya sa kanilang ikalimang anak ni Drew Arellano.
![Drew Arellano, nagkomento sa post ni Iya Villania: "Buntis ka na naman?!?!" Drew Arellano, nagkomento sa post ni Iya Villania: "Buntis ka na naman?!?!"](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/6736890db4d2f48e.jpeg?v=1)
Source: Instagram
Sa naturang video, todo hataw si Iya sa pagsasayaw habang ipinapakita ang kanyang baby bump na may nakadrowing pang mukha, kaya’t para bang sumasayaw rin ang kanyang tiyan.
Samantala, sa isa pa niyang post na kuha noong buntis pa siya, isa sa pinakaunang nag-react ay ang kanyang asawa, na pabirong nagkomento ng, “Buntis ka na naman?!?! HAHAHA! Naol mabilis magbuntis 😂”. Sinagot naman ito ni Iya ng “Abaaa! More pa ba? 😂”, na lalong nagpakilig at nagpasaya sa kanilang mga fans.
![Drew Arellano, nagkomento sa post ni Iya Villania: "Buntis ka na naman?!?!" Drew Arellano, nagkomento sa post ni Iya Villania: "Buntis ka na naman?!?!"](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/e883c4041fcc0670.jpeg?v=1)
Source: Instagram
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dahil sa nakakaaliw na video, maraming netizens ang napa-react at napatawa. May ilan pang nagbiro na tila hindi napapagod si Iya sa pagiging ina at tila kayang-kaya pa niyang magdagdag ng baby sa kanilang pamilya.
Sa kanyang latest Instagram post, ibinahagi ni Iya ang isang video kung saan makikita siyang todo hataw sa pagsasayaw habang ipinapakita ang kanyang baby bump. Ang pinakaaliw na bahagi ng video? Dinrowingan niya ng mukha ang kanyang tiyan, kaya mistulang ang mismong baby bump niya mismo ang sumasayaw!
Sa kanyang caption, pabirong sinabi ni Iya, “Better late than never because we will make sure there won’t be a next time to do this. Glad I remembered to do this before delivering and no, this did not induce labor.”
Dahil sa kanyang kakulitan, hindi lang ang kanyang pamilya ang naaliw kundi pati na rin ang kanyang mga tagahanga na agad nagbigay ng reaksyon:
“Ako ang kinakabahan kasi baka madulas gawa ng medyas! Jusko, Iyaa!!! Btw, congratulations po!!”
“Hahahahaha sira ka talaga! Pati tiyan mo may participation!”
“Haha!! We wanna do this too for the very last time! Dami request ng kids! Lol!!!”
Si Iya Villania-Arellano, ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang TV presenter. Isa siyang Filipina-Australian na kinalaunan ay naging aktres at host na rin. Nakilala rin siya bilang isa sa pinakasikat na VJ ng Myx Channel.
Sa naunang ulat ng KAMI, naibahagi ni Iya ang kanyang video ng kanyang pagwo-work out dalawang linggo matapos niyang manganak sa kanyang bunso. Umani ito ng mga reaksiyon at komento lalo na mula sa mga kapwa niya artista. Marami ang humanga na kahit kapapanganak lang nito ay kayang-kaya niyang mag-workout.
Kamakailan ay binahagi ni Iya na tuluyan nang natanggal ang front teeth ng anak niyang si Leon sa edad na limang taon. Ikinuwento niya na inakala nila ni Drew na na-save nila sa pagkakabunot ang dalawang ngipin nito nang unang matumba siya. Gayunpaman, masaya daw ang kanyang anak kaya kinalaunan ay mayroon siyang napagtanto. Aniya, ang mahalaga ay ang nararamdaman ng anak niya at aminado siyang naisip niya ang maaring sabihin ng ibang tao.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa’yo ➡️ hanapin ang “Recommended for you” block at mag-enjoy!
News
Khalil Ramos’ Unexpected Confession About His Future with Gabbi Garcia Takes Fans by Surprise! /lo
Khalil Ramos Talks About His Future With Gabbi Garcia Khalil Ramos sees himself marrying Gabbi Garcia Kapuso actor Khalil Ramos…
Duterte Shockingly Claims Marcos Uses Heroin – What’s the Real Truth? /lo
Duterte Claims Marcos Uses Heroin – What’s the Truth? Duterte Claims Marcos Jr. is Addicted to Illegal Drugs DUTERTE –…
Mon Confiado provides careful and diplomatic responses regarding the Pepsi Paloma movie, navigating sensitive topics with caution. /lo
Mon Confiado Has Safe Answers About Pepsi Paloma Movie Mon Confiado was asked about Darryl Yap’s controversial movie Character actor…
Jellie Aw sought the help of the NBI after accusing Jam Ignacio of physical abuse, a shocking and appalling incident that has stirred outrage and left the public in turmoil. /lo
Jellie Aw Narrates Mauling Incident, Files Complaint Against Jam Ignacio Jellie Aw sought NBI’s help after accusing Jam Ignacio of…
Sunshine Cruz Shares How She Forgave Ex-Husband Cesar Montano /lo
Sunshine Cruz, Cesar Montano’s marriage now annulled Sunshine Cruz Shares How She Forgave Ex-Husband Cesar Montano The petition was first…
Sunshine Cruz Reveals Long-Held Secret: Why She Left Cesar (VIDEO) /lo
Sunshine Cruz on the forgiveness of Cesar Montano: “I saw those children when they were with their fathers they are…
End of content
No more pages to load