Dingdong Dantes on Karylle: “Never naming pinag-awayan ang babae.”
As for his career, Dingdong’s next project on GMA-7 might pair him with Angel Locsin.
“Honest kasi kaming dalawa ni Karylle sa lahat ng bagay. Mas nagtutulungan din. Kapag may isyu or nabalitaan, nasulat at nabasa—malaki man o maliit—tinatanong namin sa isa’t isa. So, hindi na siya talaga nagiging isyu,” says Dingdong Dantes about his two-year relationship with Karylle.
Very proud ang young actor/TV host/director na si Dingdong Dantes nang sabihin niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na for two years, very smooth ang relationship nila ng kanyang girlfriend na si Karylle. Nag-celebrate sila ng kanilang second anniversary last month.
Ayon pa kay Dingdong, sa loob daw ng dalawang taon ng kanilang relasyon ay never nilang pinag-awayan ni Karylle ang ibang babae. Ito ay sa kabila ng pagkaka-link ng binata kina Iza Calzado at Pauleen Luna.
“We’re stronger as it is. Never naming pinag-awayan ang babae. Proud ko na masasabi ‘yon and diretsuhan kong masasabi na never,” diin ni Dingdong.
“Honest kasi kaming dalawa ni Karylle sa lahat ng bagay. Mas nagtutulungan din. Kapag may isyu or nabalitaan, nasulat at nabasa—malaki man o maliit—tinatanong namin sa isa’t isa. So, hindi na siya talaga nagiging isyu.”
Ano naman ang pakiramdam ni Dingdong sa naging pahayag ni Karylle sa isang interview na kung saka-sakali raw ay hindi siya papayag na makipag-kissing scene kung hindi ang boyfriend ang kanyang katambal?
“Kung tatanungin ako kung okay lang sa akin na magkaroon siya ng kissing scene sa ibang actors, siyempre hindi rin ako papayag. Pero sa ganyan kasi, nasa kanya pa rin ‘yon. Siya pa rin ang may karapatang magdesisyon,” sabi niya.
Ibinalita rin ni Dingdong na malapit na niyang matapos ang editing ng idinirek niyang “Daddy’s Angel,” isa sa tatlong episodes ng pelikulang Angels. Bida sa naturang episode sina Marvin Agustin at Nash Aguas.
Kung wala raw magiging problema, malamang ay malapit na rin niyang simulan ang pagte-taping ng bago niyang project sa GMA-7.
“Sana matuloy,” sabi niya. “Kung sakali, it’s something new dahil bago ‘yong makakasama ko. I think, may pagka-drama naman at hindi fantasy. Pero siyempre, mahirap pang magsalita hangga’t hindi pa talaga siguradong-sigurado at nagsisimula na ang taping. Pero sana matuloy talaga.”
Bagama’t ayaw kumpirmahin ni Dingdong kung ano ang tinutukoy niyang proyekto, napag-alaman ng PEP na posibleng ang Philippine version ng Marimar ang susunod niyang show sa GMA-7. Ang Marimar ay ang Mexican telenovela na pinagbidahan ni Thalia. May usap-usapan din na ang gaganap bilang Marimar ay walang iba kundi si Angel Locsin.
Kung saka-sakali ngang matuloy ang pagsasama nina Dingdong at Angel, ito ang unang pagkakataon na pagtatambalin sila ng GMA-7.
News
Arnel Pineda Reacts to ‘Sentenced to Life Imprisonment’ Rumors — Singer Slams False YouTube Claims /lo
Arnel Pineda Reacts To “Sentenced To Life Imprisonment” Allegation These YouTube videos about Arnel Pineda caught netizens’ attention Filipino singer…
SHOCKING REVELATION: Erwan Heussaff Admits Regret After Discovering Anne Curtis’ True Colors! /lo
In an unexpected twist that has sent shockwaves through the Filipino entertainment and social media scenes, entrepreneur and social media…
Mark Leviste Breaks Silence on Kris Aquino Breakup — Here’s What He Had to Say /lo
Kris Aquino Issue w/ Ex-BF, Mark Leviste Asked To React Mark Leviste was asked about the previous relationship of Kris…
Buboy Villar Denies Serious Accusations Made by Angillyn Gorens — ‘The Truth Will Come Out!’ /lo
Full Article (English): Manila, Philippines –Actor and television personality Buboy Villar is pushing back hard against the serious allegations…
Ashley Ortega Gets Emotional Talking About Her Mother Inside the PBB House — Viewers Left in Tears /lo
Ashley Ortega, Emosyunal Nang Pag-Usapan Ang Ina Sa PBB Bukas na nagbahagi ang Kapuso actress na si Ashley Ortega…
VP Sara Duterte Shares Heartfelt Birthday Message for Her Father, FPRRD — ‘You Are Still My Hero’ /lo
VP Sara Duterte May Nakakaantig Na Birthday Message Para sa Amang Si FPRRD Davao City, Philippines –In a rare but…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply