Gretchen on Lani: “She’s not secure with Bong”

Gretchen to Lani: “I can only wish that you could have a marriage, not just a wedding.”
“I proudly can say that I have Tony’s love, attention. I am his priority in life. He comes home to me and me alone. Most of all, I have Tony’s loyalty. I can only truly wish, with all my heart, that Lani has got Bong’s loyalty,” says Gretchen Barretto

Lumang kuwento ang Gretchen Barretto-Lani Mercado rift na nari-revive uli ngayon.



Bilang background para sa mangilan-ngilan na walang alam daw sa showbiz, eto ang kuwento. Si Lani Mercado ay asawa ni Senator Bong Revilla. Kasal na sila noon, bagamat ‘di pa senador si Bong at tatlo pa lang ang anak nila, nang nagkarelasyon ang actor-politician kay Gretchen Barretto. Si Gretchen noon ay may boyfriend, si Joey Lozyaga. Nagsimula ang kanilang affair nang magtambal sila sa Ako ang Katarungan. Apat na buwan din ang itinagal ng kanilang relasyon, hanggang sa bumalik na si Bong kay Lani. Noon ay taong 1992.

Fastforward sa Disyembre 23, 2006. Magkasama pa rin sina Bong at Lani, ‘di na gaanong aktibo sa pelikula si Lani, at nadagdagan na rin ang kanilang mga anak. May live-in partner na si Gretchen, ang billionaire-businessman na si Tonyboy Cojuangco, dating nagmamay-ari ng PLDT. Nag-attend sina Bong, Lani, at Gretchen (nasa ibang bansa noon si Tonyboy) ng birthday party ng kapwa artista at kaibigang si Lorna Tolentino sa MDC Bar sa Greenhills, San Juan.

Noong Disyembre 29, inilabas ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balita tungkol sa diumano’y “snubbing incident” na naganap sa pagitan nina Gretchen at Bong sa party na iyon.

Samantala, sa telebisyon ay kinapanayam sina Bong at Lani tungkol dito. Liban sa pagbati ng merry Christmas kay Gretchen, ‘di na nagsalita si Bong. Si Lani naman ay nagsabi ng, “I hope that she will have a marriage with Tony.”

Nang lumabas ang balita, si Gretchen ay nagbabakasyon sa Singapore kasama sina Tonyboy Cojuangco at Dominique. Sa araw ding iyon, Disyembre 29, tinawagan ng PEP si Gretchen at ininterbyu ito sa telepono. (Tignan ang “PEP EXCLUSIVE: Gretchen denies snubbing Bong,” Disyembre 29, 2006, dito sa PEP.)

Sinabi niya sa interbyu na, “You know, two weeks ago, before pa Andeng’s [Ynares, Bong’s sister] birthday party, Bong told me that Lani wasn’t feeling too well. She had parang anxiety attacks, dinala pa nga sa ospital, marami yatang stress. I felt bad naman for Lani. So sabi ko kay Bong, ‘Sige, para di na ako makadagdag sa stress, di kita papansinin ‘pag nagkita tayo.’ Usapan namin ”Wag ka nang lalapit, ‘wag na tayong magpansinan.’

“So when I saw him at LT’s [Lorna Tolentino] party, di ko na nga siya pinansin. Di ko naman alam mas makakagawa pala ng gulo iyon! Ngayon nagkaroon pa ng publicity na ganoon. I was not thinking that would be the effect. I was doing it for Lani’s good.”

PANIBAGONG UNOS. Ang kuwento pala ay hindi pa roon nagtatapos.

Kasabay ng pagkakadawit ng kanyang partner na si Tonyboy sa nabigong coup attempt sa administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong February 2006, si Gretchen naman ang mismong kasangkot uli sa revival ng isyung Lani-Bong.

Sa pagtatanong ng media, naungkat uli ang pagbati ni Lani kay Gretchen. At bagamat maganda ang bagsak ng mga pananalita ni Lani, hindi matanggap ni Gretchen na walang pakahulugan iyon. Sa madaling salita, hindi nagustuhan ni Gretchen ang sinabi ni Lani na sana ay may kasalanan nang maganap sa kanila ni Tonyboy.

Sa Olay Swap event kahapon ng tanghali, January 20, sa Tempt Asian restaurant, SM Megamall, ay hindi na napigilang magsalita si Gretchen.

“Nung pinalabas yung statement ni Lani, nasa Singapore ako nun. Bago lumabas yun nung gabing ‘yon, tinawagan ako ni Bong sa cell phone ko. Unang sabi ni Bong, ‘Congratulations! Number four yung pelikula mo.’ Binola-bola pa ako ni Bong,” panimulang kuwento ni Gretchen. Ang tinutukoy na pelikula ni Bong ay ang Matakot Ka Sa Karma, isa sa official entries sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

“Sabi ko naman, thank you. Na-excite naman ako. Sabi niya, ‘Happy New Year, magnu-New Year na.’ Sabi ko, ‘Okay, Happy New Year.’ Sabi ko, ‘Okay, bakit ‘andaming bola? What’s your story? Tell me, tell me.’ Alam ko si Bong kung saan siya patungo.

“Sabi niya, ‘I’m happy for you that your career is doing well. Mukhang ang saya-saya mo.’ Sabi niya, ‘Positive ka sa tao ngayon, hindi ka nang-aaway.’ Sabi ko, ‘Bakit, ano na naman ‘yan?’

“Naikuwento niya na, ‘Kung may marinig ka na negative galing kahit kanino, wag ka nang mag-react ha?’ …Hala ka, mamaya, marami nang nagte-text na si Lani nga pala yun! I questioned Bong after that. Sabi ko, ‘Bakit naman ganyan?’” patuloy ni Gretchen.

LANI & TONYBOY. Gaya nang nasabi na niya sa PEP nuong December 29, inilabas uli ni Gretchen ang sama ng loob kay Lani.

“You know, Tony has been very decent to Lani at all times. Tony tells me, ‘Lapitan mo si Lani. Halikan mo si Lani. Be humble, humility is important in life.’ Sinusunod ko yun. Hindi ko ginagawa yun for the camera. Lumalapit ako kay Lani, nagpapakumbaba ako simply because nakakatanggap ako ng kamalian. Marunong akong tumanggap ng kamalian,” mariing sabi ni Gretchen.

“Two years ago, nag-apologize ako kay Lani. Lani said she accepts it. After it, narinig nyo yung gagawa kami ng pelikula ni Bong. Nag-text brigade si Lani kung mapagkakatiwalaan ba ako sa asawa niya. Hinayaan ko yun, nilunok ko yun. Yun ang consequence ng aking kasalanan noong araw,” sabi pa niya.

Noong 2005, nagkaroon uli ng insidente sa pagitan nina Gretchen at Lani. Kasama dapat si Gretchen sa pelikulang Kapag Tumibok ang Puso (Not Once, But Twice) starring Bong and Ai-Ai delas Alas nang taong iyon. Pero nag-backout si Gretchen sa nasabing proyekto at pinalitan siya ni 2005 Miss International Precious Lara Quigaman.

“After that, Lani did not make any move to apologize. Okay lang din, tanggap ko ‘yon. Tapos nung birthday ni Lorna Tolentino this December 23, nagpakumbaba ulit ako sa harap ninyong lahat. Hinalikan ko siya, ni hindi niya ako tiningnan. Okay lang din yun para sa akin,” kuwento ni Gretchen.

“Pero nung nagpatama siya akin that na sana I will have a marriage… Kasi napanood ko ‘yon over and over. ‘I hope that she will have a marriage with Tony.’ What Lani has with Bong is what you call a wedding, di ba? What I have with Tony is a marriage. A marriage is a commitment between two people who love each other,” patuloy niya.

“I proudly can say that I have Tony’s love, attention. I am his priority in life. He comes home to me and me alone. Most of all, I have Tony’s loyalty. I can only truly wish, with all my heart, that Lani has got Bong’s loyalty.”

Ngayon ay may panibagong intriga pa si Gretchen: “Lani says ‘I have six beautiful children with Bong’. This is the first time I’m going to say this… If Lani has six beautiful children with Bong, I hope that she hasn’t forgotten that Bong has seven beautiful children,” nakakaintrigang pahayag ni Gretchen.

May pakiusap din si Gretchen sa asawa ni Bong: “Lani, I have been true. I respect the whole Revilla clan. Lahat ng kapatid ni Bong, ka-close ko sila up to this very day. Hindi ako nakikipag-away. Sana naman huwag mo namang insultuhin si Tony sa mga sinasabi mo.”

MARRIAGE AND WEDDING. Hindi pa rito natapos si Gretchen sa mga patutsada niya kay Lani.

“I know it’s an easy way out for her to say na ‘Sana huwag niyang i-take in a different way.’ I feel sorry. With Lani’s statement, it only meant one thing—that she’s not secure with Bong,” mariing sabi ni Gretchen.

“Sabi niya, ‘What I have with Bong is a marriage and it’s beautiful.’ Lani, I didn’t know that Bong’s infidelity is something beautiful. It’s obviously not beautiful. You don’t have to pretend, you don’t have to hit me. We all know that Bong has somebody else, and it’s not me. So hindi ako ang dapat niyang tirahin. Yun lang,” dagdag pa niya.

“I can only wish that you could have a marriage, not just a wedding. Maybe, Lani could have said that, ‘I wish that Gretchen someday will have a wedding.’ It’s every girl’s dream. It’s a fairy tale thing, it’s nice to wear a gown but, hey nobody, has everything she wants in life.”

Bilang pang-wakas, ito ang sinabi ni Gretchen: “It’s good for people to think that I’m not perfect. There are things in life that I may want but cannot have. But there are things I have in life and I am thankful for whatever I have.”

Samantala, sa Startalk kahapon ay nagbigay ng pahayag si Lani tungkol dito. Hindi na raw sila magsasalita ni Bong ng kahit na ano tungkol kay Gretchen.