Honey Love Johnson, Tikom sa Isyu ng Pag-aresto kay Dating Pangulong Duterte, Mas Pinili ang Pagbibigay-Pugay sa OFWs
Sa kabila ng maiinit na usapin tungkol sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, nananatiling maingat si Honey Love Johnson sa pagbibigay ng kanyang opinyon.
“I can’t comment on that. It’s very political and will just divide our nation.”
Ito ang naging tugon niya sa press lunch interview kasama ang madaming media outlets na inorganisa ng kanyang talent management na Gleam Artists Management. Sa halip, mas pinili niyang bigyang-diin ang pagsaludo niya sa Overseas Filipino Workers (OFWs).
“But when it comes to our OFWs, I have a lot to say. They are the real heroes. They sacrifice being away from their families to provide for them here in the Philippines.”
Ayon kay Honey Love, ito ay isang pagpupugay sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa upang mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanilang mga mahal sa buhay.
‘Just Stay Strong’ – Awitin ng Pagmamahal ng mga Anak sa OFWs
Kasabay ng paglabas ng balitang ito, excited na ibinahagi ni Honey Love na ngayong Marso 20, 2025, ilalabas na ng Star Music ang kanyang unang single na “Just Stay Strong.”
Ang kanta ay tungkol sa pagmamahal at paghanga ng mga anak sa kanilang mga magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa.
“I want them to know that even if they are far away, their children love them so much, and we truly appreciate their sacrifices.”
Ang “Just Stay Strong” ay mapapakinggan sa Star Music YouTube channel, Spotify, Apple iTunes, at Deezer.
Honey Love Johnson – Hindi Lang Magaling na Singer, Honor Student Pa!
Sa edad na 10, hindi lang kilala si Honey Love bilang isang magaling na singer, at host, kundi isang honor student rin. Balita namin, na-maintain niya ang pagiging Top 1 sa kanilang paaralan—patunay ng kanyang determinasyon sa pag-aaral.
Honey Love: “Just LOVE, No Hate”
Sa kanyang Facebook post, hindi direkta pero tila may pahiwatig si Honey Love tungkol sa kontrobersyal na isyu:
Samantala, nagbahagi rin siya ng behind-the-scenes credits mula sa kanyang upcoming single:

Joel Lao Photography

Maria Cristina Relos

Gleam Artists Team

JB Cabacungan
Mukhang abala si Honey Love hindi lang sa kanyang career at madaming schedules ng school at mall tours kundi pati na rin sa pagbabahagi ng positibong mensahe sa kanyang mga tagasuporta.
Markahan na sa inyong kalendaryo ang March 20, 2025, istream at suportahan ang unang single ni Honey Love Johnson sa ilalim ng Star Music!