Gerald Anderson reacts to Julia Barretto, Bea Alonzo reconciliation

Nakunan nang pahayag ang aktor na si Gerald Anderson kaugnay sa naging pagkikita nina Julia Barretto at Bea Alonzo.
Si Julia ay ang kasalukuyang kasintahan ni Gerald, samantalang si Bea naman ang kanyang ex-girlfriend.
Nag-krus ang landas nina Julia at Bea kamakailan sa surprise tribute party sa star builder na si Johnny Manahan o Mr. M.
Sa video na kumalat sa social media ay nakita sina Julia at Bea na nagbeso at masayang nag-uusap.
Iyon ang unang pagkakataong nakita ang dalawa na may interaksyon sa isang public event matapos ang kanilang patutsadahan sa social media nung 2019.
GERALD GIVES HIS THOUGHTS
Sa panayam na umere sa TV Patrol nitong Sabado, April 13, 2024, tinanong ng reporter na si MJ Felipe kung ano ang masasabi ni Gerald sa interaksyong Julia at Bea.
“Ganun talaga. You know, time heals, e. Basta moving forward,” maiksing sagot ni Gerald sa isyu.
Naganap ang interview habang nag-eensayo si Gerald para sa isang basketball tournament na gaganapin sa April 19, 2024, sa Guangdong, China.
Si Gerald ang tatayong team captain ng koponang Pola Pilipinas RPG Team.
Makakasama ni Gerald sa team ang ilang professional basketball players at tatayong coach ang dating PBA player at Far Eastern University (FEU) standout na si JR Cawaling.
LOVE TRIANGLE ISSUE
Hulyo 2019 nang pumutok ang intrigang hiwalay na sina Gerald at Bea.
Si Julia ang itinurong dahilan ng pagkakalabuan ng relasyong Bea at Gerald.
Sa ulat ng Cabinet Files noong July 23, 2019, nakasaad ang impormasyon ng isang reliable source na umamin si Gerald kay Dennis Padilla, ama ni Julia, na nanliligaw ang binata sa anak.
Nagkasama sina Julia at Gerald sa pelikulang Between Maybes.
Noong July 26, 2019 ay naglabas ng saloobin si Bea sa media at kinumpirmang wala na nga sila ng aktor.
“Honestly, to my understanding, we did not break up. He just started not talking to me,” pahayag ni Bea.
Noong panahong iyon, itinanggi ni Julia na may namamagitan sa kanila ng aktor.
Sa isang Instagram post ay matapang na pinangalanan ni Julia si Bea at sinita ang aktres dahil sa siya diumano ang pinatatamaan nito sa kanyang social media posts.
Bukod kasi sa cryptic posts ni Bea ay napansin ng netizens na nagla-like si Bea sa posts o mga balita online na nagsasabing may affair sina Julia at Gerald.
“Bea, you wanted to keep your hands clean by not mentioning me in your controversial post, but with a click of your finger, in your sly way, you have charged everybody to destroy me for you,” sambit ni Julia.
“You can play the victim all you want, but I refuse to be your victim.”
Read: Julia Barretto accuses Bea Alonzo of bullying
MOVING FORWARD
Dalawang taon matapos nito ay kinumpirma ni Gerald sa interview ni Boy Abunda na girlfriend nga niya si Julia.
Buong-pagmamalaking sinabi ni Gerald na “very happy” siya sa piling ni Julia.
Sa kasalukuyan ay nananatiling matatag ang relasyon nina Julia at Gerald.
Si Bea naman ay nakahanap ng bagong pag-ibig sa piling ng aktor na si Dominic Roque.
BEA ALONZO’S BREAKUP WITH DOMINIC ROQUE
Ngunit kumpirmadong hiwalay na sina Bea at Dominic nang maglabas ng joint statement ang dalawa nung February 11, 2024.
Bagama’t may mga haka-haka pa ring nagkabalikan na diumano sina Bea at Dominic, walang kumpirmasyon ito.
Sa mga nakaraang araw naman ay mas lumakas ang haka-hakang walang balikang naganap matapos burahin ni Bea ang lahat ng litratro nila ni Dom sa IG.
News
SHOCKING VIDEO: Derek shocks everyone by recalling a steamy moment with Andrea, saying, “She has the ability to take control…” – a bold revelation that’s causing a stir online. /lo
Derek recalls getting lap dance from Andrea: “She is in c@@trol, like in br@ and panty.” Derek Ramsay opens up…
“Third party?” Andrea Torres finally breaks her silence on her shocking split with Derek Ramsay, dropping a bombshell hinting at betrayal. Her explosive statement has ignited a fiery debate online, with fans torn and social media in chaos. /lo
Andrea Torres Breaks Silence on Split with Derek Ramsay Amid Third-Party Rumors Andrea Torres, a prominent actress in Philippine showbiz,…
Hot News: According to Ogie D’s source, Maris Racal and Anthony Jennings shocked everyone by revealing that there is no longer any closeness between them on set because… /lo
Maris Racal and Anthony Jennings: On-Set Comfort Grows as Awkwardness Fades Maris Racal and Anthony Jennings, two of the Philippines’…
Robi Domingo stood up to a fan who threatened him because of Kathryn Bernardo and Donny Pangilinan. /lo
Robi Domingo, Umalma sa Isang Tagahanga na Nagbabanta Dahil Kina Kathryn Bernardo at Donny Pangilinan Maynila, Pilipinas – Nagpahayag ng…
Andrea Torres admitted that she became depressed after her breakup with Derek Ramsay. /lo
Andrea Torres Admits Falling into Depression After Breaking Up with Derek Ramsay Quezon City, Philippines – Filipino actress Andrea Torres…
Andi Eigenmann Reveals the Meaning Behind Her Tattoo /lo
Andi Eigenmann Reveals the Meaning Behind Her Tattoo: A Journey of Self-Discovery and Healing Andi Eigenmann, the beloved actress and…
End of content
No more pages to load