Judy Ann naiyak sa monologue ng ‘Himala’ ni Nora

Judy Ann đã khóc trong đoạn độc thoại 'Himala' của Nora



Sa latest vlog ni Judy Ann Santos, ipinost niya ang video kung saan, binuhay niyang muli ang mga klasikong linya sa pelikulang ‘Himala’ ng National Artist for Films and Broadcast Arts na si Nora Aunor.

Sa latest vlog ni Judy Ann Santos, ipinost niya ang video kung saan, binuhay niyang muli ang mga klasikong linya sa pelikulang ‘Himala’ ng National Artist for Films and Broadcast Arts na si Nora Aunor.

Naganap ito sa 3rd floor ng CCP (Cultural Center of the Philippines) sa

naging book launching ng isa pang National Artist na si Ricky Lee.

Hindi napigilan ni Juday na maiyak. Sabi niya, siguro raw, namiss din niyang umarte.

“It’s an answered prayer kasi. I always pray na, ‘Lord, ano ba ang gusto mong gawin kong project?’ at hindi lang basta project ang binigay ni Lord sa akin, bonggang-bonggang project ang binigay Niya sa akin.

“Mabilis, tapos huli pa ko. Ang tindi lang ng pressure, pero namiss ko rin sigurong umarte. And ‘yung iyak ko kanina, siguro kasi [dahil] matagal mong hindi nakita ang mga katrabaho mo. Talagang napaka-memorable itong event na ‘to. Big deal ito sa akin.”

“Hindi lang ito basta monologue, malaking bagay sa akin. Parang napakagandang regalo sa akin. Maagang Pasko sa akin. Isinulat ng National Artist. Isang pelikula, pero ako ang napiling gumawa ng monologue.”

Todo rin ang pasasalamat ni Judy Anne kay Ricky Lee.

Aniya, “I’m so honored. Thank you for this opportunity. Salamat sa pagtitiwala mo sa akin. Salamat na naniniwala ka sa talentong meron ako.”

“Binigay mo sa akin ang ‘Sabel.’ Binigay mo rin sa akin ang ‘Aishite Imasu.’ Magkasama tayo sa ‘Dyesebel’ and then ngayon, naisip mo pa rin ako.”

“Hindi mo alam kung gaano katindi ang dating nito sa akin.”

Dagdag pa niya, “Ramdam n’yo bang masayang-masaya ako?”

Sa isang banda, parang hands down na kung ire-remake man ang ‘Himala’ ni Nora at si Juday na nga ang puwedeng gumawa nito.