Kathryn tinapalan ng mukha ni Nadine?!
Kathryn Bernardo, Nadine Lustre
Fans nag-protesta
Dedma na lang kina Kathryn Bernardo ang malaking isyu sa fans niya na pagtakip sa kanya sa group photo nilang mga endorser ng isang skin care event kamakailan lang.
Hindi ko lang alam kung sadya o kung sino ang gumawa, pero nakita ng mga fans ni Kathryn sa Twitter ng Viva Entertainment ang post na iyun na kung saan nasa layout nito, tinakpan ng malaking mukha ni Nadine si Kathryn.
Kasama nila sa grupo ng mga kapwa endorsers sina Heart Evangelista, Gabbi Garcia at Ylona Garcia.
Nagpupuyos sa galit ang fans ni Kathryn pati na rin ang mga KathNiel supporters dahil para sa kanila pambabastos daw ito sa kanilang idolo.
Ikinumpara nila sa post ng Star Magic na kung sana naka-crop sa litrato si Nadine.
Para sa kanila, mas okay daw kung naka-crop na lang kesa sa tinakpan ng malaking litrato ni Nadine.
Sa post kasi ng Star Magic, nasa litrato lang sina Kathryn at Ylona na taga-Star Magic at kasama doon si Heart na dating talent naman ng naturang management group.
Wala roon si Nadine at Gabbi na di taga-Star Magic.
Kaya halata raw kung ano ang gustong palabasin ng taga-Viva sa ginawang iyun kay Kathryn.
Ang nangyari lang, si Nadine ang natamaan nang galit nila at inungkat na naman ang nag-flop na pelikula na hindi raw makahabol sa milyun-milyong kinita ng mga pelikula ni Kathryn.
As of yesterday, wala na ang post na iyun sa Twitter account ng Viva Entertainment.
Sabi ng isa sa close kina Kathryn, wala naman daw iyun sa Kapamilya young actress.
Nag-i-enjoy daw sila ngayon sa Japan na kung saan nagbakasyon silang buong pamilya kasama si Daniel Padilla.
Doon daw nila kasi nila i-celebrate ang kaarawan ng nag-iisang kuya ni Kathryn na isang dentista.
Bea ayaw ipangalandakan ang BF
Si Bea Binene ang isa sa excited sa pagsisimula ng Beautiful Justice ngayong gabi pagkatapos ng 24 Oras.
Makikita ang galing niya sa Wushu, pero hindi pa naman daw sa pilot week. In-establish pa naman daw ang kuwento, pero marami silang action scenes at doon mapapasabak ng Wushu ang Kapuso young actress. Kanya raw yung sword na gamit nya na ipinakita sa teaser.
Matagal-tagal na nga raw siyang walang training sa Wushu, kaya mababalik na siya ngayon dahil kailangan dito sa Beautiful Justice.
Kaya gusto na raw niya sanang balikan ang araw-araw na training sa Wushu, pero nahirapan daw siya sa schedule.
At kahit anong pilit naming itanong ang tungkol sa non-showbiz boyfriend, “Basta!” lang ang sagot niya at iniiba na niya ang usapan.
Talagang iniiwasan na ni Bea na ipubliko ang lovelife niya.
Pamela Prinster nagpaka-professional
Sina Abdul Raman at Pamela Prinster ang nagpaalam sa StarStruck kagabi.
Sa dami ng mga Artista tests na pinagdaanan nila, lumalabas na dapat talaga mangingibabaw ang galing mo sa akting kaya naiwan sa Final Four sina Kim de Leon, Allen Ansay, Shayne Sava at Lexi Gonzales.
Pero tinanggap naman nina Abdul at Pamela ang pagkatanggal nila.
Lito Legaspi pumanaw na
Kinumpirma sa akin ni Dolor Guevarra, manager ni Carmina Villaroel na pumanaw na si Lito Legaspi kahapon dahil sa cardiac arrest.
Nalaman kasi namin nang pinakansela ni Carmina ang guesting niya kasama ang kanyang kambal na sina Cassy at Mavy Legaspi sa The Boobay and Tekla Show na naka-schedule sana ang taping bukas.
Iyun ang sinabi niyang dahilan dahil magiging abala na raw sila sa burol ng kanyang father-in-law.
Napag-alamang isinugod sa Cardinal Santos Hospital si Lito nung nakaraang Biyernes dahil sa nakaramdam daw ito ng paninikip sa dibdib.
Hindi niya ito nalagpasan, at sumakabilang buhay na siya kahapon ng bandang alas-diyes ng umaga.
As of presstime, ibuburol daw ang mga labi nito sa Loyola Memorial Funeral Homes sa Marikina.
Pumanaw ang naturang veteran actor sa edad na 77.
Nakikiramay po kami sa pamilyang naiwan ni Lito Legaspi.
News
Si Bea Alonzo ay biglang nagbahagi ng kanyang kasalukuyang sitwasyon matapos ang paghihiwalay kay Gerald Anderson… may mga hindi kapani-paniwalang aksyon ang kanyang ex-boyfriend para kay Bea.
Bea Alonzo shared how she is now after her breakup with Gerald Anderson Kapamilya actress Bea Alonzo shared how she is coping now after her breakup with former boyfriend Gerald Anderson. Photo courtesy of @beaalonzo IG Their breakup was quite controversial when cheating…
OMG! Nakita ba si Bea Alonzo at Dominic Roque sa isang intimate na larawan?..Ang susunod na hakbang nila ay tiyak na magpapahanga sa atin.
While Bea Alonzo and Dominic Roque decided to keep mum about their rumored romance, it looks like fans are now convince to their just new found evidence. In a photo posted on beadom_shippers Instagram, it suggest that the…
Nahuli ni John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang Atensyon ng Online na Komunidad. May Nangyayari Ba sa Kanilang Dalawa?
John Lloyd Cruz and Bea Alonzo caught the attention of the online community A-list stars John Lloyd Cruz and Bea Alonzo did this online, is there something going on between them? Lloydie and Bea did hit movies together but they…
Ang Comeback ni Nadine Lustre ay Hindi Maaaring Maging Mas Kahanga-hanga Pa sa Produkto na “Overgrown”
The actress and singer opens up about the process and why “Overgrown” is an ode to her 20s It’s been a little while since Nadine Lustre fully came to form with the release of Wildest Dreams. The album and its accompanying…
Malapit kay Kim itinangging si Xian ang nag-initiate ng breakup
Kim Chiu at Xian Lim Natawa ang isang source sa chika na si Xian Lim pa raw ang nakipag-split kay Kim Chiu. Asking siya (source) kung bakit may ganung intriga. Nagulat daw siya. Paano raw nangyari ‘yun. Ayon sa isang…
Bea kumampi kay Sarah, nilaglag si Kyline?!…Mga dahilan na magdudulot ng gulat at pagkalito sa mga tagahanga.?
Kyline Alcantara, Sarah Lahbati, at Bea Alonzo Pagkatapos ng pag-unfollow ni Sarah Lahbati kay Kyline Alcantara ay agad namang napansin ng netizens ang pag-unfollow naman ni Bea Alonzo kay Kyline. Mukhang talagang binantayan ng mga Marites kung sino ang susunod…
End of content
No more pages to load