SHOCK: RJ Nuevas denies ‘affair rumors’ with Bea Alonzo, reveals film project was flatly rejected by Marian Rivera
RJ Nuevas, itinanggi ang tsikang kay Bea Alonzo inaalok ang mga teleseryeng tinatanggihan daw ni Marian Rivera
PHOTOS: RJ Nuevas on FB, @beaalonzo & @marianrivera on Instagram
Sey ni Ogie Diaz sa tsikang kay Marian Rivera daw muna io-offer ang TV projects at kapag tumanggi ito ay kay Bea Alonzo na iyon iaalok, hindi pa raw ito kumpirmado dahil naikuwento lang umano ito sa kasama niyang si Mrena
Sa Kapuso TV head writer na si RJ Nuevas na mismo nanggaling na walang katotohanan ang tsika ngayon tungkol sa mga reyna ng GMA-7 na sina Bea Alonzo at Marian Rivera.
Napapabalita kasi ngayon na second choice lang umano si Bea sa mga TV projects na ibinibigay sa kanya ng Kapuso network.
Kay Marian daw kasi unang inaalok ang mga projects at kapag nag-decline ang Kapuso Primetime Queen ay saka pa lang umano iyon io-offer kay Bea.
Nagmula ang tsikang ito sa usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Mrena sa online show nilang Ogie Diaz Showbiz Update kamakailan.
Napag-usapan nila roon ang isa umano sa dahilan ng hiwalayan nina Bea at Dominic Roque ay dahil gusto raw ng aktres na maging grandiyoso ang kanilang magiging kasal.
Naihalimbawa pa nga ni Ogie ang grand and star-studded wedding noon nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na s’yang gusto raw ma-achieve ni Bea.
Sa puntong ito humirit si Mrena para iispluk ang nasagap umano niyang tsika.
“Pati naman ba naman sa wedding, kuya, makikipagkompetensya pa si Bea Alonzo kay Marian?” tanong ni Mrena kay Ogie.
Na-confuse naman nang slight ang comedian-vlogger and showbiz insider sa gustong ipahiwatig ng kasamahan niya sa online show.
“‘Di ba, si Bea at si Marian ngayon ang pinakasikat ngayon sa GMA?” sunod na tanong ni Mrena.
“Oh, anong connect nu’n sa wedding? E, ikinasal na si Marian kay Dingdong. Okey na ‘yon. Sinasabi ko lang dito ‘yong parang the likes of wedding ni Marian at Dingdong. ‘Yong ganu’ng level,” paliwanag ni Ogie.
Hirit naman ni Mrena, maging sa TV projects daw kasi ay tila may competition sa dalawang aktres.
“E, kasi, kuya, may kaibigan ako sa GMA. May nasabi lang sa akin na bago ialok ‘yong isang teleserye kay Bea Alonzo ay dadaan muna kay Marian,” tsika nito.
“S’ya muna ang aalukin, kuya. Pag hindi tinanggap ni Marian, saka mapupunta kay Bea, saka pa lang iaalok [kay Bea]. Ganu’n,” she added.
Sabi naman ni Ogie Diaz, hindi confirmed ang tsikang iyan dahil naikuwento lang din naman daw iyon kay Mrena.
Nakarating sa isa sa mga head writers ng GMA-7 na si RJ Nuevas ang tsikang ito na kanya namang pinasinungalingan.
“Hindi po ito totoo!” pagtutuwid niya sa kanyang Facebook post.
Kay Bea raw mismo nakalaan ang mga teleserye na ibinigay dito ng GMA.
“Hiningan po ako ng concept for Bea Alonzo, at ang naisip ko at ipinasa at naaprubahan ng mga boss ay ang WIDOWS’ WAR,” paliwanag niya.
“Para po talaga kay Bea ang show at walang inalukan na iba. Ganon din po ang dalawa niyang naunang shows,” pagtatapos ni RJ na ang tinutukoy ay ang two previous TV series ng aktres na Start-Up PH at Love Before Sunrise.
News
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla “Reconciled” According to Ogie Diaz’s Source! SHOCKING Twist in Their Relationship! /lo
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla “Nagkaayos” According To Ogie Diaz’s Source Ogie Diaz has this to share about Kathryn Bernardo…
“Sometimes Toni Gets a Little Naughty, She’s the One Who Always Initiates Sex During Winter”: Paul Soriano Admits His Wife’s Passionate Side /lo
“Medyo Malibog Lang si Toni, Siya Lagi Nag-Initiate ng Sex Tuwing Taglamig”: Paul Soriano, Inamin ang Pagiging Mapusok ng Asawa…
Alma Concepcion Horrifyingly Bitten on the Face by Her Own Dog! A Terrifying and Unexpected Attack That Left Fans Shocked and Speechless! /lo
Alma Concepcion Bitten on the Face by Her Dog Alma Concepcion Bitten on the Face by Dog, Shares Lesson with…
Derek Ramsay Breaks Silence on Allegations About His Reason for Marrying Ellen Adarna! Shocking Revelations Uncovered! /lo
Derek Ramsay On Allegation About His Reason For Marrying Ellen Adarna Derek Ramsay answered this comment from a netizen Actor…
Explosive! Sarah Duterte vs Agot Isidro! A shocking insult war you never saw coming! Who will win this bitter clash? /lo
MINURA! Sarah Duterte vs Agot Isidro: A Shocking Public Feud Unfolds! In an unexpected and heated exchange, a public feud…
💥DANIEL PADILLA GOT SOMEONE PREGNANT? 😱 THE BERNARDO FAMILY IS ANGRY AT KATHRYN, NO SECOND CHANCES! 💥/lo
💥DANIEL PADILLA NAKABUNTIS? 😱 PAMILYA BERNARDO GALIT KAY KATHRYN, WALANG SECOND CHANCE! 💥 In a shocking turn of events, rumors…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply