Bea Alonzo, pinayuhan ni Ian Veneracion na mag-anak na lang kahit walang boyfriend o asawa

 
PHOTOS: @beaalonzo & @ianveneracion1 on Instagram



PHOTOS: @beaalonzo & @ianveneracion1 on Instagram

Magdadala daw ng improvement sa quality of life ni Bea Alonzo ang pagkakaroon ng anak kahit walang boyfriend o asawa, ayon sa aktor na si Ian Veneracion.

Nag-guest kasi ang celebrity hunk sa YouTube vlog ni Bea na in-upload last February 27 kung saan nag-dinner sila habang pinag-uusapan ang tungkol sa mga relationships.

Isa sa mga naitanong ni Ian kay Bea ay kung may age range ba s’ya pag dating sa kanyang mga nakaka-date o karelasyon.

Wala akong ganu’n, e,” sagot ng award-winning actress. “[Kahitna si Brad Pitt, 50 years old, I would still date him. [Si] George Clooney, I would still date him.

“Well, ayaw ko naman nang sobrang bata,” pagpapatuloy ni Bea. “Mas kaya ko nang matanda nang sobra kaysa sobrang bata. Thirty, I think, is the youngest… [or] twenty-nine. Twenty-eight, sobrang bata na. I can’t.

Ikaw, [ano ‘yong] youngest na p’wede mong i-date?” balik na tanong n’ya sa 46-year-old actor na naging leading man niya sa ABS-CBN drama series na “A Love to Last” noong 2017.

Na hindi ako mapapa-cringe sa sarili ko? Not younger than my panganay [Tristan Draco, 22 years old]. So, 23 upwards, p’wede,” natatawang sagot ni Ian. “Sa upper limit naman…”

“JLo [Jennifer Lopez] is 50,” hirit naman ni Bea.

“For example, JLo is 52,” pahayag ng aktor.

Natanong din ni Bea kung may pagsisisi ba si Ian na nagpakasal ito sa non-showbiz wife na si Pamella Gallardo at a very young age 23 years ago.

“Do you ever regret getting married at such a young age?” tanong ni Bea sa kanyang co-star.

“No. That’s the best decision of my life, I’m telling you,” saad naman ng aktor. “Totoo. Kung hindi ako kinasal nu’ng time na ‘yon [1994], wala. I would have low-quality life. I can’t imagine myself.

Parang, of all the roles I played, ‘yon nga ‘yong sabi mo… You appreciate my role bilang father, ‘yon ‘yong favorite role ko talaga sa lahat, e. Kaya kung wala ‘yon, anong gagawin ko?

“Do you think I should get married?” tanong pa ni Bea sa happily married actor.

No,” tugon nito sa kanya.

“No? I shouldn’t?” muli n’yang tanong dito.

“I think you should have a kid,” lahad naman ni Ian kay Bea.

“But not getting married? Why?” sunod-sunod na tanong pa ng aktres.

At dito nagbigay ng analogy ang aktor tungkol sa pagkakaroon ng anak kahit walang boyfriend o asawa.

Sabi nga ng isang kaibigan ko, ‘Kung gusto mo ng bacon, hindi mo kailangang bitbitin ‘yong buong baboy,’” pagbabahagi Ian na kapwa nila ikinatawa ni Bea.

Pagsang-ayon naman ng aktres, “Doon ka lang sa best part.”

Oo. ‘Yon lang naman ‘yong gusto mo, ‘di ba?” salo naman ni Ian sa sinabi n’ya.

K’wento pa ni Bea, hindi daw n’ya naisip noon na s’ya pala ang huling magse-settle sa kanila ng kanyang mga kaibigan.

Dati ang pangarap ko lang naman, at 28, to get married and have two children,” pagre-recall pa ng 33-year-old actress. “Tapos ngayon lahat ng peers ko, halos lahat sila about to get married or they’re already married and they have their kids.

Pag inisip ko, I wouldn’t have guessed nu’ng time na ‘yon, 15 years ago, na ako ‘yong huling-huling mababakante. I’ve always thought I’m the marrying type.”

At muli ay isiningit ni Ian ang suggestion na dapat magkaanak na si Bea.

“Yes, you seem to be the marrying type,” pagsang-ayon n’ya dito. “But ako, I say this with utmost sincerity and care for you. I really think that a child would improve the quality of your life, a marriage wouldn’t. I mean, based lang on what I know about you and how I know you.”

Pero pinanindigan ni Bea ang kagustuhan n’ya na magkaroon ng katuwang sa buhay at sa pagkakaroon ng pamilya.

“I want to have a partner for life,” aniya. “I want to have like someone to be there to raise a family, build a life with.

“So, sana makahanap ako ng kasing-buti mo bilang tatay pero hindi asawa,” pagbibiro pa n’ya sa aktor.

“Hoy, excuse me,” sagot ni Ian. “Mama P, sabihin mo nga sa kanya kung ga’no ako kabait na asawa.

“But seriously, I just want a boring life, a boring family life,” tila ironic na hiling ng aktres.

Dito naman na-bring up ang pinag-usapan nila noon ni Ian about sperm donations para sa aktres kung sakaling dumating ang time na wala itong asawa pero gusto nang magkaanak.

May usapan tayo dati. Pag umabot ka ng 33 [years old at wala pang boyfriend o asawa], hingi ka ng donations from the guys na gusto mo—genetically gusto mo,” pagbabalik-tanaw ni Ian. “Sabi mo, si Piolo [Pascual], ako… Random. Isa-shuffle mo. Hindi mo alam kung sino [ang magiging ama].

Dapat may waiver kayo na bawal kayo manghabol. I should do that,” sakay naman ni Bea sa sinabi ni Ian. “Doon na ako. Umabot na ako du’n. Du’n na ako umiyak. 

Pero hindi pa naman daw nawawalan ng pag-asa ang aktres at binigyan pa ng extension ang kanyang sarili.

Hindi pa naman. Kaya pa naman. Siguro push natin hanggang 35 [years old na ako],” pagtatapos ni Bea.