Ivana ni-reveal matinding sakit

Ivana Alawi coi việc nhập viện như cuộc sống thứ hai Tin tức đài phát thanh BomboTwitter

Ini-reveal na ni Ivana Alawi ang kanyang sakit na naging dahilan ng pananatili niya sa ospital kamakailan.



Sa kanyang pinakabagong vlog, idinetalye ng aktres-content creator ang aniya ay pinakamahirap na journey ng kanyang buhay.

“Sa lahat ng dinanas ko sa buhay, isa ‘to sa pinakamatindi na pain,” simula ni Ivana.

“Feeling ko talaga it’s really my second life,” pahayag pa niya.

“I-share ko lang din sa inyo na mayroon akong problem sa ovaries and that’s how it started, and I also have PCOS [polycystic ovary syndrome], doon siya nagsimula,” aniya.

“Siguro kung hindi ako pumunta ng ospital, feeling ko wala na talaga ako. Ganung level. Nagpapunta na lang ako ng ospital noong hindi ko na kaya,” she said.

Sa ospital ay nakitang punong-puno ng fluid ang kanyang tiyan.

“I also got fluid in my stomach na sobrang napuno na siya. Day by day habang nasa ospital ako, umaangat nang umaangat yung fluid sa tiyan ko, mukha akong five months pregnant,” kuwento ni Ivana.

“Ang laki niya and it grew day by day, ta’s nun’ padulo na, patigas na siya nang patigas. Tapos yung sakit, hindi na ako makahinga.

“Konting lakad ko lang parang hihimatayin ako, nanlalamig na yung buong body ko tapos tumitirik daw yung eyes ko, ganun,” pagbabahagi ng Kapamilya actress.

Hirap na hirap daw siyang huminga at lagi niyang hinahabol ang kanyang hininga sa buong araw. Hanggang sa nagdesisyon na siyang ipatanggal ang tubig sa kanyang tiyan.

“’Yung last time na parang sabi ko, hindi ko na kayang huminga, kasi feeling ko kada hinga ko, para akong nalulunod.

“I felt like the liquid was already getting into my lungs. Ta’s parang sabi ko, ‘butasan n’yo na ako, kahit saan, kahit ilan ang gusto n’yo, basta tanggalin n’yo lang itong sakit,’” tsika pa ni Ivana.

Doon na nga binutasan ang kanyang tiyan para alisin ang tubig. All in all ay 2 liters daw ang tubig na natanggal sa kanyang tiyan. At dito pa lang daw siya nakaramdam ng ginhawa.

Ngayon ay nagpapagaling na ang aktres. “I’m still recovering; hindi pa one hundred percent okay,” aniya.

‘Yun na!