Philmar Alipayo last message from Jaclyn Jose

Jaclyn laid to rest at The Garden of the Divine Word Columbary in Quezon City.
Philmar Alipayo shows last message from Jaclyn Jose
Philmar Alipayo (rightmost), fiancè of Andi Eigenmann (second from the right), reveals last message of mother-in-law Jaclyn Jose (left) to him.

Muling inalala ni Philmar Alipayo ang namayapang mother-in-law na si Jaclyn Jose.



Si Philmar ang fiancè ng panganay na anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann.

Sa Instagram Stories ngayong Lunes, March 11, 2024, ibinahagi ni Philmar ang huling mensaheng ipinadala sa kanya ni Jaclyn bago pumanaw ang aktres noong March 2.

Ayon sa last message ng premyadong aktres, hiniling niya kay Philmar na alagaan nito si Andi at mga apong sina Ellie, Lilo, at Koa.

Kalakip nito ang pasasalamat ni Jaclyn kay Philmar sa sakripisyo at pagmamahal na ibinibigay nito kay Andi at sa kanyang mga apo.

“Any which way… take care of my daughter and to my apo’s… alam mo? Mahal kita Philmar, you are the father of my apo’s, maraming salamat,” mensahe ni Jaclyn sa professional surfer.

Philmar Alipayo shows last message from Jaclyn Jose

Read: Surfer Philmar Alipayo recalls feeling scared before meeting Andi Eigenmann’s mom

Bukod sa huling mensaheng natanggap mula kay Jaclyn, ni-repost din ni Philmar sa IG Story ang Instagram posts ng namayapang aktres tungkol sa kasiyahang naramdaman nito nang ma-engage sina Philmar at Andi noong December 2020.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read more about

Philmar Alipayo shows last message from Jaclyn Jose

Read: Jaclyn Jose, kinikilig sa engagement ng anak na si Andi Eigenmann kay Philmar Alipayo

Maging ang post ni Jaclyn noong June 20, 2021, para batiin si Philmar ng Happy Father’s Day at mga litrato ng kanyang mga apo.

Philmar Alipayo shows last message from Jaclyn Jose

Philmar Alipayo shows last message from Jaclyn Jose

Philmar Alipayo shows last message from Jaclyn Jose

Philmar Alipayo shows last message from Jaclyn Jose

Philmar Alipayo shows last message from Jaclyn Jose

Philmar Alipayo shows last message from Jaclyn Jose

Read: Philmar Alipayo: surfing champion to “fun dad” of Baby Lilo

Hindi ito ang unang beses inalala ni Philmar ang kabutihan ni Jaclyn sa kanya noong nabubuhay pa ang aktres.

Noong March 6, nag-post ang fiancè ni Andi sa Instagram Story ng pasasalamat kay Jaclyn na nasa wikang Bisaya.

Aniya, “Mingawon kami sa imo samot na an mga bata, Salamat sa tanan oras sa pag alaga sa pag payangga sanan pag mahal sa amo. [Mami-miss ka namin, lalo na ng mga bata. Salamat sa lahat ng oras sa pag-aalaga at pagmamahal mo sa aming lahat.]

“Mahal kaw namo sanan mahalon hangtod sa hangtod [Mamahalin ka naming lahat hanggang sa walang hanggan.]”

Read: Philmar Alipayo bids goodbye to late mother-in-law Jaclyn Jose

Nitong Linggo, March 10, inihatid ang cremated remains ni Jaclyn sa The Garden of the Divine Word Columbary sa E.Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City.