Jaclyn Jose alludes to tampuhan with daughter Andi Eigenmann

Tila may tampuhan pa rin ang mag-inang Jaclyn Jose at Andi Eigenmann.
Ramdam ang sama ng loob ni Jaclyn nang isiwalat niyang hindi siya nakatanggap ng birthday greeting mula sa panganay na anak.
Sa Instagram post ni Jaclyn kahapon, November 1, 2022, kasama niya ang bunsong anak na si Gwen sa isang restaurant.
Sa caption, sinabi ni Jaclyn na pinasaya ni Gwen ang kanyang birthday. At ikinatuwa rin daw niya ang pagbati sa kanya ng apo nitong si Ellie Eigenmann.
Si Gwen ay anak ni Jaclyn sa ex-partner na si Kenneth Ilagan, guitarist ng ’90s band na The Dawn.
Si Andi ay anak ni Jaclyn sa yumaong aktor na si Mark Gil.
Si Ellie ay anak ni Andi sa ex-boyfriend na si Jake Ejercito.
Ang tunay na birthday ni Jaclyn ay noon pang October 21, 2022, kaya marahil ay belated birthday celebration ang kanyang post.
May isa pa siyang latest Instagram post kunsaan solo lang siya sa litrato habang nakatingin sa dalawa niyang birthday cake.
Sa comments section ng kanyang Instagram feed, kapansin-pansin ang pahaging ni Jaclyn nang magpasalamat siya sa mga nagpaabot ng birthday greetings sa kanya.
Sabi ni Jaclyn (published as is): “Salamat! So much appreciated! luv you all… sana bumati si Andi Para mas complete.oh well..i am good salamat talaga sa effort sobra!”
May pahabol pa si Jaclyn na maging ang partner daw ni Andi na si Philmar Alipayo, na aniya ay “father of my grandchildren” ay hindi bumati ng “happy birthday” sa kanya.
Gusto man niyang ipagsawalang-bahala, mahihinuhang nagtatampo si Jaclyn sa mag-partner na sina Andi at Philmar.
Baka raw busy ang mga ito.
“I will zip,” sabay sabi na lang ni Jaclyn.
Wala pang pahayag si Andi hinggil sa tampo ni Jaclyn.
Pero noong pang September 2, 2022, inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang eksklusibong panayam kay Jaclyn.
Ginulat kasi noon ni Jaclyn ang Instagram followers niya nang mag-post siya na nais na niyang magretiro sa showbiz.
Pero paliwanag ni Jaclyn noon sa PEP.ph, aminado siyang tinamaan siya ng matinding kalungkutan dahil sa kanyang pag-iisa.
Napasentimiyento siya na tila para sa wala ang mga sakripisyo niya dahil sa pangungulila niya sa mga anak—kay Gwen na nakabase sa Amerika, at kay Andi na tila madalang niyang makita.
Ang pamilya nina Andi at Philmar ay nakabase sa Siargao. Hindi naman malinaw kung kailan ang huling pagkikita at pag-uusap ng mag-inang Andi at Jaclyn.
News
Derek Ramsay Breaks Silence on Allegations About His Reason for Marrying Ellen Adarna! Shocking Revelations Uncovered! /lo
Derek Ramsay On Allegation About His Reason For Marrying Ellen Adarna Derek Ramsay answered this comment from a netizen Actor…
Explosive! Sarah Duterte vs Agot Isidro! A shocking insult war you never saw coming! Who will win this bitter clash? /lo
MINURA! Sarah Duterte vs Agot Isidro: A Shocking Public Feud Unfolds! In an unexpected and heated exchange, a public feud…
💥DANIEL PADILLA GOT SOMEONE PREGNANT? 😱 THE BERNARDO FAMILY IS ANGRY AT KATHRYN, NO SECOND CHANCES! 💥/lo
💥DANIEL PADILLA NAKABUNTIS? 😱 PAMILYA BERNARDO GALIT KAY KATHRYN, WALANG SECOND CHANCE! 💥 In a shocking turn of events, rumors…
Ganito ba Kayaman si Kris Aquino? Ito ang Meron Siya! Ang Mahiwagang Tagapagmana sa wakas ay Nabunyag! /lo
Is Kris Aquino Really This Rich? Here’s What She Owns! The Mysterious Heir Finally Revealed! In a bombshell revelation that…
EXPLOSIVE! Michelle Dee and Oliver Moeller’s UNSEEN SWEET MOMENTS on “Especially For You”! Michelle Left SPEECHLESS and Overwhelmed with KILIG! 😱 /LO
Michelle Dee and Oliver Moeller’s Unseen Sweet Moments on Especially For You – Michelle’s Overwhelming Kilig! In a heartwarming turn…
SHOCKING! Vice Ganda CATCHES Ion Perez Doing Something STRANGE! Fans Are Left Stunned by What He Found! 😱 /LO
Vice Ganda Catches Ion Perez Doing Something ‘Unusual’! In a hilarious and unexpected moment that has taken over social media,…
End of content
No more pages to load